16: Tamis Music Video

3.1K 85 0
                                    

Ella's Pov

Andito na kami sa venue kung saan gaganapin ang aking music video na Tamis. Cakes and Cupcakes store to, kasi connect sya dun sa lyrics , So pinaliwanag na ng aming director for this Music Video na si Mr.Miggy Tanchanco ang aming mga gagawin except dun sa sayaw dahil sadyang ako ang bumuo nun, so pinapaliwang na nya dun sa mga back up dancers ko kung san sila pwepwesto si Julian naman sa midpart pa daw pala sya lalabas para maki sayaw, ewan ha. Di ako sure sa kalalabasan neto, pero tiwala lang, marami akong dalang damit ngayon karamihan ay colorful or pink, kasi from the word na Tamis, ano pumasok sa isip nyo? its about sa matatamis na pagkain na kinompare sa love maganda naman sya kaya watch nyo pag natapos.

"Magsstart na tayo, Ella solo ka muna dito, sasabayan molang yung intro sa simula, pagkatapos nun cut muna, at ireready ko kayo sa next na gagawin" sabi ni Mr.Tanchanco, sya lang tsaka mga camera man ang andito, si Mr.Michael at Mr.Del Rosario hindi kasama, hindi naman na nila to trabaho. So ayun nga sinabi ko lang yung intro na "Are you ready" tas ok na, next step na kami. Si Mr.Tanchanco din naman pumili ng mga susuotin namin.

So after ng nakaka haggard at nakakapagod na paggagawa ng music video na to natapos nadin natawa nga ako sa last na ginawa namin, panoorin nyo pag naedit na nila at pinost kona dito, nandun din yung yakap scene ni Julian sakin nung dumating ang manager nung store, basta sa last yun.

"Ano ayos ba?" sabi ni Julian sakin, habang nakaupo sa couch nung store, couch kasi ang upuan ng mga customer dito, close naman sila ngayon dahil nireserve namin to.

"Ok naman" mahina kong sagot, pagod kasi talaga ako, si Mr.Tanchanco naman busy kausap yung mag eedit nung video parang pinapaliwanag nya ang dapat kalabasan nun, bakit hindi nalang sya ang mag edit diba?, jokes. So habang naghihintay, may naglapag ng mga cupcakes sa mesa namin. Tiningala ko naman kung sino sya at ....

Si Francis? anong ginagawa nya dito?

"Hi Ella, ibang iba ka na ngayon ah lalo kang gumaganda" bati nito sakin.

Tumayo ako bago sumagot .

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong.

"Easy lang bakit ba ang hot mo!" sagot naman nya na nakangiti.

"Sagutin mo yung tanong ko? sinusundan mo padin ba ko?" mataray ko muling tanong.

Tumawa naman sya bago sumagot.

"Bakit naman kita susundan? Balita ko karibal mo ang lalaking yan sa bestfriend mo ah" nakangiting sabi nya, pagkasabi nya nun ay agad ko syang sinampal.

"How dare you Francis!" naramdaman ko naman ang mga kamay ni Julian na nakahawak sa braso ko, nakatayo nadin sya.

"Ella wag mo na syang pansinin, maraming tao dito, baka may makakita sa inyo" bulong ni Julian mula sa likod ko.

"Excuse me may problema ba?" singit nung manager dito sa store. Kilala ko sya kasi kasama sya sa video na ginawa namin.

"W-wala po" nauutal kong sagot at yumuko.

"Ah sige kainin nyo na yung cupcakes masarap yan" sabi pa nya.

"Sige po" sagot naman ni Julian at iniupo nyako ng pilit kaya wala nakong nagawa at umupo.

"Nga pala, hindi ko na tinuloy ang pag eengineer isa nako sa mga staff ng Viva" sabi ni Francis bago tuluyang umalis.

Pero pano, pano syang nakapasok dun, tinignan ko sya at kausap na nya si Mr.Tanchanco, maya maya pa ay lumapit si Mr.Tanchanco samin.

"Ella, Julian uuwi na kami? kayo ba? mag didilim na" sabi nya samin.

"Ah sige po may dala naman po akong sasakyan" sabi naman ni Julian.

"Sige, ingat kayo, and Ella congrats ulit" nakangiti nyang bati sakin, seryoso sya sa trababo pero hindi naman pala matapang.

Aalis na sana sya ng bigla akong umimik.

"Mr.Tanchanco?" sabi ko.

Lumingon ulit sya at nagsalita.

"Yes?" sagot nya.

"Si Francis po, isa sa mga staff ng Viva? kilala nyo po ba sya?" tanong ko sa kanya.

"Ah oo pamangkin ko yun, ako nga nagpasok sa kanya sa Viva, kinausap ko pa sina Mr.Michael para maging isa sya sa mga staff. dun, nagkakilala na pala kayo? kanina lang ba?" tanong nya.

"Ah-eh---- naputol ang sasabihin ko ng dahil kay Julian.

"Yes Mr.Tanchanco, sya kasi nagdala nung cupcakes dito" sagot nya.

"Ok sige , pano? una na kami? ingat kayo" sabi nya at umalis na.

"Pano pag nalaman ni Mr.Tanchanco na ex ko si Francis, sasabihin nya sinungaling ako" sabi ko kay Julian, antanga kolang na nagpamuka akong affected nung nakita ko sya! langya naman oh.

"Ok lang yan, wag ka ngang nakasimangot dyan, nakabuo kana ng first music video mo, dapat masaya kalang" sabi nya sakin .

Tinignan ko sya sa muka na mukang concern. Bat ganun habang tumatagal nag iiba yung pakikitungo namin sa isat isa, feeling ko nag iiba na yung personality ko nung nakakasama ko sya lagi. Kaya ba nag iba si Donna nung naging sila dahil iba talaga ang dating ng lalaking to? pero hindi naman kasi pwede.

Julian's Pov

Habang tumatagal, lagi kaming magkasama ni Ella, hindi ko maintindihan yung sarili ko pero pakiramdam ko nagkaron ako ng concern sa kanya, yung parang ayaw ko syang makitang nasasaktan at umiiyak, hindi ko sya gusto, sinugurado ko yun, pero sadyang may hindi lang ako maintindihan pag kasama ko sya ,dati inis na inis ako pag nagmamaldita sya, pero ngayon, nacucute-tan ako sa kanya pag ganon sya.

"Tara na nga, lalim lalim naman ata bigla ng iniisip mo dyan" paggising nya sa natutulog kong diwa.

"Ha? eh. Oo Tara na." sabi ko naman at umiling iling.

Sumakay na kami sa kotse ihahatid ko na naman sya, pakiramdam ko naging driver nako ng babaeng to.

Ella's Pov

Hindi dapat ako ganito, si Francis na manloloko lang yun tas magpapa affect ako, No wayy! masaya ako ngayon kaya di ko hahayaang sirain nya,worth it naman yung practice, hirap, pagod ko dahil maganda naman siguro ang kalalabasan, hindi ko man masabi sa kanya dahil nahihiya ako, putakte bat ganito. Basta sobrang thankful ako kay Julian, kasi di sya nagsawa sa katarayan ko, remember nung first practice ko sa gym na nandun sya mga next day nun lagi padin syang nandun, sya yung pinapapili ko kung aling step ang mas maganda para sa kanta . Basta feeling ko super supportive nya sakin, pero sabagay may kapalit naman to, kelangan nya din daw kasi ako pag sya naman yung gagawa ng music video steps nya and tulad ng napagkasunduan, sige lang . Bukas mapapanood ko na ang Tamis Music Video ko, ang Viva ang magpupublisbed ng official music video na yun dahil isa na kami sa Viva, ansaya. Dancer na, Singer pa and kung sweswertihin sa pag acting magiging artist din balang araw.

"Hoyyy nababaliw kanaba dyan? nakangiti ka mag isa?" sabi ni Julian sa tabi ko, panira ng moment.

"Ikaw ang abnormal mo eh, kanina sabi mo dapat masaya lang ako, tapos ngayong masaya ako, kontra ka padin? so ano ba talagang gusto mo?" mataray kong sagot at sinamaan sya ng tingin .

"Nakuh Ms.Plastik pasensya na po ha. andito napo kasi tayo sa bahay nyo, baka lang naman po pwedeng bumaba na kayo, at gusto ko nading umuwi" nakakalokang sagot nya tsaka ko palang napagtanto na asa tapat na pala kami ng bahay ko.

Nginitian ko sya ng pabaliw. Nyenye nya.

"Thank you Ms.Plastik" sabi nya, ewan ko kung nang aasar ba sya dahil di ako nagthank you kaya sya ganon or sadyang nagthathank you sya or baka naman assuming lang ako, bahala sya .

"Welcome Mr.Pabida" pagbawi ko naman at pumasok na sa gate.

______

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon