56: Damnation

2.1K 101 0
                                    

Damnation - Kapahamakan

Continuation.....

Ella's Pov:

"Hindi mo deserve umiyak dahil wala ka namang kasalanan" bungad ni Julian sakin dito sa kalagitnaan ng gabi habang ako ay wala sa sariling nakaupo sa buhangin, sasagot pa sana ako kaso hinawakan nyako sa kamay at itinayo.

"San tayo pupunta?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Basta" nakangiting sagot nya tapos ay naglakad na habang magkahawak ang kamay naming dalawa. Maya maya pa ay nasa harap na kami ng dagat.

"Maliligo tayo?" nagtataka kong tanong.

"Hindi, sakay kana" sabi nya at tumingin sa maliit na bangka sa tapat namin.

"Seryoso ba? Julian ano bang trip to?" medyo naiinis ko ng tanong.

"Dali na kasi" sabi nya tapos ay binuhat ako at isinakay dun.

"Ano ba bat mo ginawa yun" angal kopa sa kanya, hindi sya sumagot at sumakay nadin.

"Pag nagtaob tong bangka nato, anong balak mo mangisda? Alam mo kung gusto mo magpakamatay pumunta ka mag isa sa gitna ng dagat, lumalayo na tayo oh" angal ko pa sa kanya, ng biglang tumigil ang bangka.

"Oh anong nangyari?" medyo natatakot ko ng tanong.

Ngumuso naman sya sa likod ko kaya humarap ako dun ng may makitang kubo dito. Kasabay nun ay pagliwanag ng kubo nayun. Muli kong binalik ang tingin sa kanya ng gulat at nagtataka.

"Julian ano to?" nagtataka kong tanong.

"Kubo" natatawa nyang sagot.

Sinamaan konalang sya ng tingin.

"Ma'am akyat napo kayo" boses mula sa kubo, nakita ko naman ang dalawang lalaking andun. Iniabot ko nalang ang kamay ko sa kanila at iniakyat ako. Tapos ay si Julian.

Pagka akyat naming dalawa, sila naman dalawa ang bumaba at sumakay sa bangka tapos ay nagsagwan na pabalik .

May maliit ding lamesa dito na para lang sa dalawa tapos may dalawang upuang magkaharap.

Muli nyang hinawakan ang kamay ko papunta sana sa upuan ng biglang may malaking alon, na nagcause para matumba kami, bale sya yung nakadagan sakin kaya nailang ako at itinulak agad sya. Agad agad naman syang umayos ng tayo.

"Sorry" natatawa nyang sabi at napakamot sa ulo , tumayo nadin ako umupo mag isa dun sa upuan, tapos ay umupo nadin sya, bale magkatapat na kami.

"Ngumiti ka naman dyan" natatawang sabi ni Julian sakin.

"Pwede ba Julian dami kong problema kaya wag ka munang magulo" naiirita kong sagot sa kanya.

"Tsaka ano bato? Ngayon kapa may paganto, alam mo namang may problema pako kay Bret" naiinis kopang sunod na sagot sa kanya.

"Yun na nga andami mong problema kaya andito tayo ngayong dalawa, para makalimutan mo muna yan" nakangiting sagot nya, maya maya pa ay may kinuha sya sa cooler at naglabas ng baso at wine.

"Seryoso ba Julian? Pumunta ka dito para mag inom?" mataray kong tanong sa kanya. Bigla na naman syang tumawa.

"Oo, at kasama kitang gagawin yun, para kahit papano gumaan naman yung pakiramdam mo" nakangiting sagot nya, kahit anong pagtataray ang gawin ko ay nananatili lang syang nakangiti , binuksan na nya yung wine at nilagyan ang baso namin, pagtapos ay nakikipagcheers sya sakin, nag aalangan pako, sanay naman nako kahit papano sa mga imported wine wag lang mga alak na nakakalasing ang kaso medyo naiilang ako, maya maya pa ay nakipagcheers nako sa kanya ng biglang may narinig kaming tunog galing sa makina ng bangka. Napatingin kami sa gilid at may papuntang bangka dito, hindi ko makita kung sinong nandun pero tatlong tao yun. Ng makalapit sila ay dun ko palang nakitang si Ranz to kasama ang dalawang lalaking hindi kilala.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now