57: Damnation 02

2.3K 117 7
                                    

"Takbo dalii" sigaw ni Julian at nagtakbuhan kami.

"Ella bumalik ka dito!" Sigaw ni Ranz at sunod sunod na putok ng baril ang aming naririnig, bakas sa muka namin ni Donna ang takot. Sa pagtakbo namin ay nakakita kami ng kweba agad agad naman kaming pumasok dito. Sobrang dilim at tanging nakakatakot na huni ng mga paniki ang aming naririnig.

"Ella natatakot ako" umiiyak na sabi ni Donna sa tabi ko.

"Wag kayong matakot, hindi na nya tayo matutunton dito" sagot naman ni Bret.

"Ikaw Ella? Ayos kalang ba? Anong ginawa sayo ng hayop nayun?" nag aalalang bungad sakin ni Julian.

"Ayos lang ako, tsaka salamat sa inyong lahat" mahinang sagot ko.

"Alam kong andito kayo, kung ayaw nyong may mamatay, hayaan nyona si Ella sakin" boses ni Ranz na papasok na dito sa kweba, bigla na naman kaming nakaramdam ng kaba, maya maya pa ay may liwanag na papalapit samin, at bumungad na nga samin si Ranz hawak ang cellphone nya na naka on ang flashlight.

"Oh nagrereunion pala kayo dyan" natatawang bungad ni Ranz samin na parang nababaliw na.

"Baliw kana Ranz" sagot ko sa kanya.

"Uulitin kopaba yung kanina? Mas masaya ngayon kasi marami kayo, sige Ella mamili ka ulit sasama ka sakin? O may isang mamamatay sa kanila?" paliwanag pa nya, bigla namang nagpasukan yung apat na tauhan nya.

"Sige itali nyo na yung tatlo wag kayong magtatangkang lumaban kung ayaw nyong mamatay" sabi pa ni Ranz.

Ng maitali na nila yung tatlo ay lumapit sakin si Ranz at hinawakan ako sa muka , agad agad ko naman tong inalis .

"Maupo ka muna dyan Ella at manood" nakangiting sabi pa nito maya maya pa ay nilapitan nya sina Julian.

"Kung san magtatapos yung sasabihin ko sya yung safe, E L L A C R U Z , ok Ms.Beautiful safe ka" nababaliw na sabi nya, by letter yung sinabi nya, at nagtapos kay Donna yung Z , sya kasi yung asa gitna.

"Alisin nyo tong babae, now Ella para mas may thrill papipiliin nalang kita, for sure naman pareho silang mahalaga sayo diba?" sabi ni Ranz na ikinagulat naming apat.

"Ranz ano ba sasama na nga ako diba, isama monako! Umalis na tayo, parang awa mo na!" naiiyak kong sagot sa kanya, sa pangalawang pagkakataon pinapipili na naman ako. At this time ang hindi ko pipiliin ay mamatay. Hindi na to laro, seryoso nato, gusto kong isiping panaginip lang lahat ng nangyayari pero nasa reality ako, diko namalayang sunod sunod na luha nayung kumawala sakin.

"Tama na yan, wag mo ng pahirapan si Ella, patayin monako" sabat naman ni Bret na ikinagulat naming lahat.

"Aba aba, kaano ano moba ito Ella at mukang handang mamatay para sayo" sabat naman ni Ranz.

"Shut up Ranz itigil mona ang kabaliwang toh!" sigaw ko at agad agad syang sinaklangan sa likod, ako lang naman ang hindi nakatali sa aming apat, maya maya pay nagkagulo na pilit akong inaalis ng mga tauhan nya sa likod ni Ranz, at sumugod din sina Julian kahit nakatali yung kamay, sa gulo ng nagyayari hindi kona alam kung ok paba mga kasama ko ng biglang pumutok yung baril. Sa pagputok nun ay biglang tumahimik ang lahat, nagawi ang tingin kay Julian at kay Bret, si Bret na nakahiga habang may dugo sa may chest.

"Owmyghad Bret wake up!" umiiyak na sabi ni Donna habang pilit ginigising si Bret.

"Ella taara na iwan na natin sila" sabat pa ni Ranz.

"Ranz ano ba! Hindi ka paba titigil!" umiiyak kong sagot at tumakbo kay Bret na walang malay.

Bigla namang tumakbo si Julian sa may gilid at kinuha ang baril.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon