1: Panimula

13.4K 305 4
                                    


Ella's Pov:

"So anong gusto mong gawin ko?" taas kilay na pagtataray ko sa manong na nakabangga ko habang nagjojogging ako dito sa loob ng subdivision.

"Aba bata ka, Ikaw na nga ang nakabangga ang taray taray mo pa!" nanlalaking mata nung matanda kaya napatakbo ako sa takot, jusko ano to, daig pa nya ang monster, muka nya palang pang horror nya myghad. Tumingin ako sa likod ko at sinusundan nyako habang ang tingin ay masama padin, mas binilisan ko ang pagtakbo ng may nakita akong bike sa may gilid ng upuan na may nakaupong lalaki nag cecellphone, walang ano ano kong sinakyan yung bike na di nagpapaalam at diko alam kung kanino. Nang pinaandar koto tsaka ako nakarinig ng sigaw ng isang lalaki yung nakaupong nagcecellphone dun siguro.

"Oyy babae saan mo dadalhin yan!" sigaw nya

Di ko nalang sya nilingon malamang nagbibike ako. Dumiretso nako sa bahay ng makarating pinark konalang sa labas ng bahay yung bisekleta at nagtungo sa loob.

"Miss Ella bat ngayon lang po kayo?" magalang na tanong sakin nung isa naming maid.

Tinaasan ko sya ng kilay bago sumagot.

"Kelan kapa nagkaroon ng karapatan para tanungin ako ng ganyan?" maarte kong sagot sa kanya, bago kinuha sa kanya yung towel at nagpunas ng pawis. Umakyat na ako sa taas para makaligo na.

Ang Mommy at Daddy ko asa States, nag iisa akong anak .

Nung matapos akong makaligo at makapag bihis bumaba nako ng biglang may narinig akong sigaw sa labas habang kinakalampag ang gate. Sino namang walang modo ang nagwawala dun at dito pa talaga.

Lumabas ako ng nakasuot ng sleeveless shirt at maikling short lang habang nakalugay ang basang buhok.

"Palabasin nyo ang babaeng kumuha nitong bike ko" sigaw nung lalaki sa guard namin, sya ata may are nung bike. so ok!

Nanatili akong nakatayo sa pinto ng bahay habang nakangiti sa inaasal nya. Napatingin naman sya sa gawi ko at lalong nag apoy ang mata sa galit.

"Oy babae! pumunta ka dito!" sigaw nya habang nagpipilit pumasok.

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya at lumabas ng gate para harapin sya, pinaalis ko na yung guard.

"Who the hell are you?" pagtataray kong tanong.

Naglukom naman sya ng kamao, Feeling naman matatakot ako nuh, patawa sya, natakot lang ako dun sa manong kanina muka kasi talagang monster pero ito? yah handsome pero ano naman? lahat ng lalaki manloloko tandaan nyo yan.

"Ikaw kababae mong tao magnanakaw" panduduro nya sakin .

"Who are you to accuse me like that?" mahinahon kong sagot habang nakangiti at nakataas ang kaliwang kilay.

Huminga sya ng malalim bago sumakay sa bike nya.

"Mag pasalamat ka at babae ka, may araw kadin sakin" pagbabanta pa nya.

"Ok , hintayin ko yun" natatawa kong sagot bago sya umalis .

Ng nasa loob nako ng bahay ay kumain na ako, and sige simulan konang ikwento ang aking buhay. Sa totoo lang kasi hindi naman ako maldita eh, hindi pilosopo, hindi mataray, hindi matapang at hindi palaban. Mahina ako noon ng biglang dumating ang isang kaibigan na nagturo sakin maging matatag si Donna.

Flashback....

First love ko si Francis nuon , mabait , sweet , matalino , maganda at maayos sa sarili pa ako nuon, sabi pa ni Francis ang swerte nya sa akin dahil nasa akin na halos lahat ng hinahanap nya sa isang babae, after 7 months na pagcocomfort nya sakin, sinagot ko na sya sobrang saya namin sa loob ng 1 and a half yr. ng biglang isang araw nahuli ko sya sa isang bar na may kalong kalong na babae at take note kahalikan pa nya, like ewww. Sobrang affected ako nun, lahat ng explanations nya nirereject ko, araw araw syang pumupunta dito samin para humingi ng tawad pero ayokong marinig kung ano man iyon, dahil malinaw na sa akin ang nakita ko na hindi sya kuntento sa akin, hindi deserve ng lalaki ang second chance dahil kung talagang mahal nila ang mga babae hindi sila gagawa ng alam nilang ikasisira ng relasyon nila. Pag nagbigay tayo ng second chance uulit ulitin parin nila yan. Hanggang sa hindi na sya nagpupunta dito nagsawa na siguro. And one day nasa mall kami ni Donna ang pure maldita kong bestfriend, sya yung naging sandalan ko nung mga time na yun sabi nya sakin pag nasaktan na daw ako ng isang beses tama na, kaya sabi ko sa sarili ko hindi na ulit ako magmamahal tulad ni Donna, si Donna daw kasi since birth maldita na, palaban ganun, kahit nasasaktan na hindi pinakikita, at yun ang hindi ko kaya. Nagpaalan si Donna na mag rerestroom lang daw, habang nakaupo ako sa isang sulok may nag abot ng panyo sa akin, di ko namalayang umiiyak pala ako dito at wala sa sarili, kinuha ko naman ito , sino naman kaya ito?

"Ok ka lang ba?" tanong nya, at tumabi sa akin.

Tumango lang ako, sino ba to, di ko naman sya kilala eh.

"Ranz nga pala" sabi nya sabay abot ng kamay sa akin, tinanggap ko naman ito.

"Ella" mahina kong sagot.

"Salamat nga pala" sabi ko pa .

"Pwede ko bang mahingi ang no. mo? para lang may makausap akong kaibigan paminsan minsan?" sabi nya, hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya, kaya binigay ko ang no. ko sa kanya, muka naman syang mabait at kung di ako nagkakamali mabait talaga sya.

Pagtapos nung mga sumunod na araw lagi na kaming magka usap sa cellphone, nagkikita, naging mag kaclose ng todo hanggang sa nanligaw na sya at eto yung masakit, yung nanliligaw palang sya sakin 4months ago nakarecieve ako ng video na may kakiss sya, halos mahimatay nako sa sakit ng dibdib ko, na halos sasabog na sya. After ng nangyaring yun nangako na ako sa sarili kong hindi na ako lalapit sa kahit kanino at hindi magkakagusto, pinag tyagaan ko talagang pag aralan ang magpaka maldita sa lahat. Ayoko ng may lumalapit sa aking lalaki, kaya mas pinili kong gayanin kung ano si Donna dahil sa pamamagitan nun, hindi sya nakikita ng ibang mahina, na sana kaya ko din, sana kaya kong itago ang sakit pag nasasaktan nako, kaya ito ang resulta ngayon Ella the Pure Maldita ! Wala na ang Ella na ginagago gago lang nila.

End of Flashback...

Julian's Pov:

Kala mo kung sino ang babaeng yun, mayaman nga sya maganda pero hindi naman tama na basta sya mangunguha ng hindi kanya ng hindi nagpapaalam tapos basta iiwan sa labas ng gate nila? eh pano kung may nakakuha wala pa nga atang balak ibalik , sa halip na humingi ng paumanhin, nagmataray pa, kala mo kung sino, may araw din sya, hintayin niya.

_____

A/N:

Ella Cruz: 21 yrs old

Donnalyn Bartolome: 22 yrs old

Julian Trono: 22 yrs.old.

Francis: 22 yrs. old

Ranz: 22 yrs. old

Lahat sila ay mga tapos na sa pag aaral, Si Ella is di nagwowork dahil sa ayaw ng parents nya, sobrang spoiled kasi sya, at naging hobby ang pagsasayaw. Si Donna naman ginagabayan pa ng Mommy nya para ma improved ang skills nito at maging isang business woman din balang araw. Si Julian naman tinuon ang buong atensyon sa pagsasayaw. Si Ranz naman ay nagtatapos pa bilang seaman.. At si Francis ay gayundin.

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя