33: Forgive or Not?

2.2K 81 0
                                    

Ella's Pov:

So andito kami ngayon sa red ribbon para bumili ng cake , si Julian nalang pinapasok ko sa loob at ako nag pa iwan nalang dito sa labas , kasi remember ngayon pupunta kami kay Donna. Habang nagcecellphone may biglang bumungad sa window si Bret , yung pumunta sa bahay last time. Agad agad ko namang inopen yung window.

"Ano ba, pwede ba tantanan mo nako!!" naiinis kong sigaw sa kanya.

"Hindi mo padin bako kilala? Hindi mo ba ako nabanggit sa parents mo?" sagot naman nya , habang nasa labas padin sya at nasa loob naman ako ng kotse

"Alam mo kung sino ka man, sorry pero kinalimutan na kita at NAKALIMUTAN na talaga kita ,kaya pwede? just leave" maarte kong sagot at sinaman sya ng tingin. Isinarado ko nadin ang window nung car.  Habang sya nagpupumilit padin pagbuksan ko, at dahil nainis na nga ako, lumabas nako sa kotse .

"Sino bang satanas ang nagpadala sayo dito, sinusundan mo ba ako? Ang init init tapos pinalabas mopako sa car, myghad" mahaba kong maarteng sagot habang hinahaplos ang skin ko.

"Alam mo Ella hindi ko alam ang nangyari sayo kung bakit ka biglang nagkaganyan. Pero ayos lang para sakin ikaw padin yung Ella na kababata ko" mahaba nyang paliwanag.

"Nyenye mo! San kaba nanggaling at basta kanalang sumusulpot, wala akong pake! Bahala ka sa buhay mo!" sagot ko naman.

"Ikaw na naman? Ano ba talagang meron senyong dalawa? Ha Ella?" bungad samin ni Julian na may dalang cake , hindi ko alam ang isasagot ko sa pagkabigla.

Iimik na sana tong lalaking toh kaya bigla akong nagsalita.

"Boyfriend ko" tila natahimik silang dalawa sa sinabi ko, na kahit si Bret ay nagulat.

"Boyfriend?" nagtatakang tanong ni Julian.

"Oo nga , tara na nga, Bret una na kami ha" sabi ko sa kanya at kinindatan pagkatapos ay kinurot sa braso.

"Ah-eh Oo sige ingat kayo" napakamot ulo nyang sagot .

Umalis naman na kami ni Julian, nakahinga ako ng maayos kahit papano, pero ano ba itong ginawa ko, bat ko sinabi yun, bakit dikonalang sinabi kay Julian na kababata ko daw sya pero diko alam? Basta ayaw kolang pahabain pa.

"Hindi mo man lang nabanggit sakin na may boyfriend kana pala ha" nakangiti nyang sabi habang nagmamaneho.

"Ano kasi ayoko munang ikalat kaya tinago ko" palusot ko naman.

"Kahit sakin?" sagot pa nya.

"Malamang noh! Wala akong tiwala sayo, baka nga mamaya maipagkalat mo na kung kani kanino dyan" palusot kopang sunod.

"Eh ano naman kung may boyfriend ka, ako nga eh may girlfriend pero wala namang problema" sagot nya.

"Correction!!  future ex" natatawa kong sagot.

____

"Manang" bungad namin ni Julian sa gate nina Donna.

"Ella? Ikaw na bayan? Nakohh iha, tagal mo ng hindi nakadalaw ah" sagot nya habang binubuksan ang gate .

"Kaya nga po eh, si Donna po andyan?" tanong ko.

"Ahh oo sige pasok kayo" sabi nya at pinapasok kami, nagkatinginan naman kami ni Julian, parang wala pang alam ang mga tao dito. Sa condo lang kasi lagi nagsstay si Donna at Mama nya pero ngayon dito na sa bahay nila.

Pagkapasok namin sa bahay ay bumungad samin si Donna at ang mama nyang kumakain.

"Ahh, Donna , Tita magandang umaga po" bati ko sa kanila.

"Magandang umaga po" bati naman ni Julian, bakas sa mukha nila ang pagkagulat , nagpunas sila pareho ng panyo sa bibig bago tumayo.

"Maiwan ko muna kayo para makapag usap kayo ng maayos" sabi ng mama nya at nagtungo sa kitchen.

"Anong ginagawa nyo dito?" bungad na tanong ni Donna.

"Ahh--- agad naputol ang sasabihin ko.

"At sinong walang kwenta ang nagbigay ng permiso sa inyong makatungtong sa pamamahay ko?!!" medyo malakas na ang boses nya.

"Donna----- naputol din ang sasabihin ni Julian.

" Andito ba kayo para ipamukha saking kayo na? Alam nyo lumayas na kayo! Aliss ! Alisss!" pagtataboy nya samin.

"Donna pls ,kausapin mo naman kami, walang namamagitan saming dalawa" paliwanag ko sa kanya.

"Wow Ella seryoso kaba sa sinasabi mo? Patawa!" natatawang peke nyang sagot.

"Walang namamagitan samin dahil may boyfriend nadin naman sya, may kanya kanya na kaming buhay, kaya Donna pls lang, bumalik kana sa dati" mahabang seryosong paliwanag ni Julian.

"Talaga bang handa kang kalimutan ang lahat dahil lang dito?" pagsunod pang sabi ni Julian.

"Umalis na kayo" mahinahong sabi ni Donna at naupo .

"I saidd Leavveee!!!" Sigaw nya kaya lumabas na kami ni Julian, iniwan nalang ni Julian ang cake sa couch.

___

Andito nako sa bahay at naupo sa couch na parang nawalan , hindi na ata talaga kami mapapatawad ni Donna pati si Jackson nagamit kopa as boyfriend ko eh hindi ko nga kilala , Bret Jackson, mas want kolang sya tawagin sa Jackson ang astig kasi ng last name nya , halatang di sya taga pinas.Pero kung totoong kababata ko sya san ko sya nakilala? Hindi pa naman ako nagagawi sa ibang bansa.

"Oh anak andyan kana pala" bungad sakin ni mommy

"Mali Ma. line ko yan eh, bakit po andito kayo?" malungkot kong tanong.

"Nagtatampo ba ang baby ko? Maaga akong nag out sa office medyo sumasakit kasi ang batok ko eh, ayos kalang ba?" sagot nya.

"Ma. hindi na talaga ako mapapatawad ni Donna, galit na galit na sya sakin" sagot ko.

"Ano ka ba anak. Sabi ko naman sayo hindi madali makamove on sa nangyari sa kanya. Kaya hanggat pwede intindihin nyo lang sya wag kayong gigive up. Kung ayaw mo talagang mawala ang isang tao fighting! Labanlang" mahabang paliwanag ni mommy

"Ang hirap na kasi Ma." nakayuko kong sagot.

"Kung pagod na pwedeng magpahinga pero wag tayong susuko" bungad naman ni Daddy galing sa taas.

"Dad? Andito karin?"

"Oo masakit daw kasi batok ng mommy mo kaya sinamahan konalang dito sa bahay. Wala nadin naman masyadong gagawin sa office" paliwanag nya.

"Ahh anak. Maiba ako nakita ko dito sa couch kanina, sayo bato?" tanong ni mommy at pinakita sakin ang calling card ni Jackson. bat naman nagkaron nito dito?

Tinignan naman ni Daddy.

"Teka si Bret Jackson, ang kaisa isang anak ni Jomel Jackson, san mo ito nakuha anak?" tanong ni daddy.

"Kilala nyo po ba talaga sya? Eh ako po kilala kopaba sila? Kasi diko sila maremember" sagot ko.

"Aba oo anak, kababata mo yang si Bret, pareho kayong dito sa Pinas nag elementary, nung high school ngalang pumunta na silang States kasi namatay ang mama nya dito sa pilipinas at para makalimot ay umibang bansa muna sila." mahabang sagot ni Mommy.

"So totoo pala? Kababata ko talaga si Jackson?" bulong ko.

"Teka san mo ba talaga toh nakuha?" tanong ni Daddy.

"Kahapon po kasi nagpunta sya dito, nagpakilalang kababata ko at namiss nyadaw po ako, eh yun po hindi ko naman po kasi sya makilala kaya ano , napagtarayan kopo tas pinalayas ko" nahihiya kong sagot.

"Grabe ka naman anak, pero ayos lang yan maaalala modin sya, may no. ka naman nya tawagan monalang" sagot ni daddy.

Eh san nga ba galing ang calling card nato? Talagang nag iwan sya dito sa couch?

____

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon