14: Beyond my Expected

3.3K 93 0
                                    

Ella's Pov:

So pagkatapos ng mga nangyari, yung last week na dinala ko dito si Julian dahil sa kalasingan  ayaw kona sanang ikwento pa pero sige.

Flashback....

Maaga akong nagising at sa halip na tumulog muli, ay mas minabuti kong silipin muna ang kumag nayun. So sinilip ko nga sya at mahimbing pading natutulog. Bumalik nako sa kama ko at nagtangkang matulog muli, pero ayaw na ng mga mata ko 6am palang at mga 2am nako nakatulog pero bat ganun nawala na yung antok ko.
Nagtoothbrush muna ako at nag ayos ng sarili.

Bumaba nalang ako at naabutan si Manang Silly na nagluluto, sya yung sinasabi kong 3yrs  old palang ako sya na nag aalaga sakin. Sya lang naman nakakaalala sakin eh, nung naging maldita ako pati sya nadamay, lagi ko na syang sinasagot, pero kahit ganun, lagi nyang sinasabing kahit daw ipagtabuyan kopa sya iintindihin at iintindihin nya padin ako, dahil tinuring na nya kong isang tunay na anak, di na kasi sya nag kaasawa kaya wala nading anak. Dito nadin sya nagka edad sa bahay bilang katulong at bilang nanay ko.

So ayun na nga, sinalubong ko sya ng magandang bati, wala eh hindi ko kayang pagmalditahan ang nag paka nanay sakin ng ilang taon.

Nagbukas ako ng mga social media account's ko , andun na pala yung Versace Cover namin naisend na sakin , pinlay ko muna ito kung maayos ba ang kinalabasan.


Maayos naman sya kaya pinublished kona sya sa youtube, at tulad ng inaasahan sunod sunod na comments na agad ang natanggap ko pero binalewala ko nalang muna ito at kumain na ng inihandang pagkain ni Manang.

"Ella? gising na yung bisita mo" mahinang sabi ni Manang.

Agad ko namang nilingon si Julian na nakahawak sa ulo at pagewang gewang sa hagdan, tumayo ako sa pagkakaupo at sinalubong sya, hindi para tulungan or alalayan kundi sermonan.

"Oh ano lalaki? kamusta ka naman? aba baka akala mo basta nalang yung ginawa mo sakin kagabi!" nakapamewang kong sabi may kasunod pa sana yan pero nagsalita na sya.

"Anong ginawa ko sayo?" nagtatakang sabi nya habang nakahawak padin sa ulo nya.

"Ah_eh a-ano pinahirapan moko! hello bigat bigat mo kaya, iinom inom ka dyan tapos hindi mo kaya ang sarili mo!" malakas kong sabi sa kanya.

"Pasensya na" matino nyang sagot na tila wala sa mood makipag asaran.

"Sya pumanta ka na dito at kumain na kayo" singit naman ni Manang Silly.

Habang  kumakain naging maayos naman na sya at tila bumalik na sa dating sya.

"Salamat po, sige po una nako baka hinahanap nako" sabi nya sabay tayo, wait nagpasalamat sya kay Manang? sakin hindi?

"Ella una nako" sabi naman nya habang nakatingin sakin, sinamaan ko nalang sya ng tingin. Nang malapit na sya sa pinto palabas tsaka ako nagsalita.

"Yung phone mo nasa table lamp" sabi ko.

"Tsk" naiinis nyang sabi sabay takbo pataas.

End of flashback...
___

Then yun lang naman ang nangyari, nakakaimbyerna lang talaga, eh kasi sa dami kong hirap sa kanya! ni thank you wala? wth. naka 3weeks na pero wala pading update ang Viva samin. At dahil bored ako sinilip ko muna yung Versace Dance Cover namin at laking gulat ko sa views nito ! 5.4M views and 1.97k comments. as in nakaka mangha talaga, Owmygodd totoo bato? 5.4M views ang Versace namin? wuahhhhh thankss godd !! Hmmm bahala na si Julian 1 week nadin naman kasi kaming di nagkikita, siguro magkikita lang kami pag kailangan. Wala eh plastik kami sa mga tao, pero sa totoo ganito kami , at hanggang ganito nalang. Hate ko sya eh, masyadong nag mamagaling, ayaw na ayaw ko pa naman sa ganon.

 Hate ko sya eh, masyadong nag mamagaling, ayaw na ayaw ko pa naman sa ganon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Julian's Pov:

Naka 5.4M views ang Versace Dance Cover namin? Wow, Eto na naman ako sa pagiging masaya eh, tapos mamaya may kapalit na masakit, ang unfair ng buhay eh, malamang nagtatatalon na ang Ella na yun dahil sa daming views neto from 1M views ng Shape Of You namin to 5.4M views ng Versace namin. Hanggang ngayon hindi padin ako nakakamove on kay Donna, alam ko may chance pang maayos to, alam ko din na hindi pa sila, ramdam ko yun. Kaso ang hirap mga chat ko mga text di pinapansin pag naman natawag ako either pinapatay nya or hindi nya sinasagot, pero hindi ko sya susukuan, hindi palang ako handang pumunta sa kanila dahil takot ako, pero hanggang kailan ko nga ba dadalhin ang kaba nato? pag huli na ang lahat ? habang nagmumuni muni ay nakatanggap ulit ako ng message galing sa Viva, sa sobrang excite ay inopen ko agad yun.

Viva Entertainment
Good Morning Julian Trono , Pls come again with Ella Cruz at Viva Company tomorrow at 9am for assembly meeting , thank you.

Ano kayang meron bukas? dahil kaya to sa views ng Versace namin? hindi ko na ichachat ang Ella na yun sigurado pagtatarayan na naman ako nun, for sure naman nakatanggap din sya ng message.
Naka 1 week nadin ang nakalipas nung huling magkasama kami, at nagka utang na loob pa ako sa babaeng yun, pero kung tutuusin quits lang kami eh, dahil kahit lasing ako nung gabing yun alam ko lahat ng pinaggagawa ko, tulad nung pagtulong ko sa kanya dun sa lalaking manyak. Kung hindi ko sila nakita eh di baka wala na sya ngayon dito! ibig kong sabihin wala na ang kasikatang inaasam nya ng basta basta nalang.

Ella's Pov

Sunod sunod na naman ang swerte na dumadating sakin, samin i mean.

Pinapapunta na ulit kami ng Viva bukas, dahil siguro sa pagtaas ng views ng second dance cover namin. Excited nako .

Donnalyn's Pov

Sa totoo lang hirap nako sa sitwasyong meron ako ngayon, pinilit kong kalimutan si Julian dahil alam kong kahit ituloy namin ang relasyon namin sa huli ako padin ang kawawa, masyado akong advance eh. Kasi alam ko naman na sa huli sila talaga ni Ella. Artista sila at baka bukas or one day mababalita nalang na official na sila. Hindi naman kasi malabo eh. Si Ranz pinilit kong maging masaya sa kanya kaya pumayag akong ligawan nya kahit ayoko, pero hindi eh si Julian padin kaya pinatigil ko na sya sa pangungulit sakin, feeling ko kasi nagiging rebound ko lang sya.

Gustong gusto ko ng iseen yung mga message nya gustong gusto ko ng replayan mga txt nya, gustong gusto ko ng sagutin mga tawag nya at gustong gusto ko na syang tawagan at makausap, pero hindi ko kaya, hindi ko alam kung hanggang kailan ganito, sinasabi ni Mama na makipag ayos nako kay Julian at Ella, in short sa JulianElla, alam ko namang hate ni Ella si Julian at maging si Julian,  pero bat ganun yung utak ko, ginugulo ako, guyys naiintindihan nyo ba ako? Ako yung pinakanahihirapan dito eh, ang iniiwasan ko lang naman ay masaktan kaya ngayon palang inaayos kona bago pa ako tuluyang mapamahal kay Julian, JulianElla na sikat, laging magkasama either as dancer, or as artist or baka nga one day as singer nadin, ganon naman nga loveteam diba? may mga kanya kanyang kanta, like Jadine na Hanap-Hanap yung song , then Aldub/Maiden na Imagine You and Me naman. Diba? kaya di malabong maging sikat na dancer, singer and artist sila , at lalong magkakalapitan ng loob . Sabi nga nila kahit gaano mo pa ka hate ang isang tao, magkakaayos at magkakaayos din kayo , lalo na pag nakilala nyo na ang isat isa ...

____

Don't Forget to Vote salamat

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now