42: Sukdulan

2.2K 101 0
                                    

Ella's Pov:

Katatapos palang ng new year.
Andito na kami sa school kung san itatake ang first scene ng movie namin, so tulad ng sinabi ko, nakamaong pants ako ng maluwang tapos yung suot ko pang itaas napakaluwag na damit tas jacket, as in kakaudwa lang kung titignan yung itsura ko. Malala pa to sa malala but it's not official naman, kasi yung flow ng story si Julian hearthrob ulit ng campus, sikat sya sa school kasi magaling syang sumayaw tapos ayun nga gwapo, then lagi nyakong pinagtritripan, kasi sa tingin nya lahat ng girls gusto sya, tapos ako lang ang hindi tinatamaan sa kanya, kaya ayun dun iikot yung story, and then maraming sinasaktan tong si Julian na girls, then one day naging isa sa mga nasaktan nya ang friend ko, kaya naman pinilit ako ng mga nasaktan ni Julian at maging yung friend ko na ako ang gumanti para sa kanila, iniba nila ako, pinaganda, at dun ako excited, tapos ayun pareho kami ni Julian na nagpapafall sa isat isa ang hindi namin alam, pareho kaming nagprepretend lang ang kaso nga. Mahuhulog ako at sya ng tuluyan. So napapahaba nako sa pagkwekwento.

"Excuse lang ha, pwede yung girlfriend at boyfriend nyo, dun muna oh" bungad samin ni Direct.

Kasi andito si Bret at Donna. Sabi ko nga kay Bret wag ng sumama kasi maiinip lang sya, kaso ayaw nya, gusto daw nya nakikita nya ako.

"Kanina kapang tumatawa dyan ah, ano bang nakakatawa?" tanong ni Julian kay Donna.

"Look Ella, napaka nerd, bagay sa kanya." natatawang sagot ni Donna at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"And look yourself Donna, you look so weird, para kang baliw na tumatawa mag isa" sagot naman ni Bret na ikinagulat naming lahat .

Napahinto si Donna sa pagtawa at sinamaan ng tingin si Bret, bago tumingin sakin.

"Bye Julian, dun lang ako baka kung ano pang magawa ko dito" maarteng sagot ni Donna at nag flip ng hair.

Hindi ko na ngalang pinapansin si Donna kahit ganon lagi sya sakin, ang kaso si Bret naman.

"Dun lang din ako Ella, ingat ka" sabi ni Bret sakin tapos tumingin kay Julian.

Naiwan naman kami ni Julian na tulala.

"Ok Julian and Ella, comehere mag sstart na tayo. Kabisado nyo naba script nyo?" bungad samin ng director namin, agad agad ko naman ulit binasa ang script ko kasi nawala na sa utak ko.

So after ng ilang take at ilang scene, nagpahinga muna kaming lahat, pumunta naman agad ako kay Bret.

"Ella, kain kana bumili ako" sabi nya habang inaayos yung pagkain na binili nya.

"Bret thank you ah, pero hindi mo naman kailangan sagutin si Donna, hayaan monalang sya" sagot ko.

"Alam mo Ella, naniniwala akong bumalik kana sa dati, eh nung unang kita natin para ka talagang halimaw, pero ngayon nagbabalik kana, mapagparaya,mabait, hindi palaaway" mahaba naman nyang sagot.

"Basta wag mong ginaganon si Donna, baka lalong hindi na kami magkabati" sagot konaman.

"Umaasa ka parin sa pagbabati nyo? Ella naman, tignan mo nga sya, masaya sya pag kasama si Julian, pero hindi sya nagiging masaya pag kasama ka" sagot naman nya. Na nakapagpakirot sakin.

"Grabe ka naman, naniniwala padin ako na babalik sya, sabi mo nga bumalik ako sa dati diba? Malay mo naman bumalik din sya sa dati" sagot ko naman.

"Sige na, kumain kana Ms.nerd" sabi nya tapos tumawa.

"Pati naman pala ikaw eh, baliw" sagot ko at hinampas sya .

_______

**After 1 month**

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon