6: Behind the Scene

4.4K 134 0
                                    

Ella's Pov:

Napagkasunduan namin ni Julian na bangag na magstart na ngayon, kasi mahirap mag iisip pa ng kanta tapos steps then vivideo at for sure maraming take yun bago maperfect, kelangan perfect to.

"So ano na? sabi mo ikaw na sa kanta? eh asan na dalawang oras na tayo dito" pagmamaktol nya.

"Wag ka kasing magulo, mas mabuting pinag iisipang mabuti, madali lang dapat gawan ng step, palibhasa wala kang strategy" sabi ko naman habang busy padin sa pahahanap ng magandang kanta sa playlist ko para sa cover namin.

"Eh kanina pa kasi tayo, dapat pala nagpa tanghali na lang ako, akala ko naman ready na yang gagamiting kanta, ako na nga lang mag iisip" sabi naman nya.

"Shut up pls! kaya di ako makapili eh ingay ingay mo dyan, kaynis" maktol ko naman, di naman na sya sumagot.

"Etooo naaa langgg!!!!" sigaw ko.

"Siguraduhin mong maganda yan ha" sagot naman nya .

"Kaso di naman sya uso ngayon" pagbawi ko sa sinabi ko.

"Ano ba naman yan, uso lang pala ang gusto Versace na nga lang" sagot naman nya.

"No , Shape of You nalang" sabi ko naman.

"Mahirap gawan ng step kaya Versace nalang" pagpipilit nya.

"Kala ko nagkasundo na tayo na ako ang pipili ng kanta kaya nga ako pumayag diba?" maarte ko namang sagot.

"Eh hindi lang naman ako makikinabang pagkatapos neto eh pareho tayo" sagot pa nya.

"Para may magawa ka gawa ka na ng steps, oh pakinggan mo!" sabi ko sa kanya bago pinatunog ang speaker.

"Dapat sa intro neto maganda ang entrance natin sa video" komento nya.

"Oh pano?" tanong ko.

"Ganito, dahil slow ang simula dapat ganun din ang galaw!" sabi pa nya

"Hello? dancer din ako malamang alam ko." pag aarte ko naman.

"Oo na akin na kamay mo" sabi nya.

"What? ano to? bat may hawakan ng kamay?" naiinis kong sagot.

"Partner tayo sa sayaw nato, sige anong balak na step ang gagawin mo? maraming nag eexpect sa gagawin nating to, at bilang JulianElla dapat may pag ka sweet naman, alangan mag sarilihan tayo" mahaba naman nyang paliwanag . Sinamaan ko sya ng tingin bago iniabot ang kamay ko.

After ilang minuto nagpahinga muna kami dahil nakakapagod, bawat gawa kasi naming step balik kami sa simula para di malimutan, nakaharap naman kami sa mga salamin dito habang nagsasayaw at ok naman ang mga galaw namin , maraming di pagkakasunduan sa mga step pero nananaig padin ang akin, puro girly step kasi sakin, like yung pang malalambot talagang katawan, si Julian nalang nag aadjust bumabagay naman sa kanya dahil ang girly step ko nagagawa nyang maayos para sa kanya nakakahanga nga pala talaga sya. May mga step na ginagawa talaga ng isang couple, may mabibilis na step may mababagal at marami talagang touch scenes dito, no choice naman ako nagpakamatino muna ako para sa aking supporters, isang beses lang naman tsaka napilitan lang talaga ako ,naipit nako eh ayokong mawala ang mga humahanga sakin.

Bumalik kami sa pagpapractice, and after a hours, 3pm na nagkasundo kaming bukas nalang ulit ituloy.

"Tara hatid na kita" pag aalok nya

"No need" maarte ko namang sagot habang nag aayos ng gamit.

"Bahala ka, bihira lang nadaang taxi dito" sabi pa nya .

"Excuse lang ha, hindi porket pumayag ako para sa isang dance cover eh magfefeeling ano ka na dyan, ipapaalala kolang sayo kahit gawin tayong loveteam sa social media may Donna ka , at hinding hindi magiging tayo.mahaba ko namang sagot.

I Hate You _ I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now