Chapter One

74 3 0
                                    

Ang Pagkikita

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

Hi, Hello, Mabuhay!!! I'm Chrysanthe Marie Landicho. Ngayon ang enrollment sa school na gusto kong pasukan ngayong kolehiyo at sa ngayon ay nasa harap ako nung babaeng nag-eenroll.

"Hello, Miss Landicho" bati niya atsaka iniabot ang schedule ko for my first year.

"Uhmm, Miss Landicho? Here is one of our señior and she will give you a tour in our school" pagpapakilala ulit ni Ateng nag-eenroll. Malay ko ba kung anong name niya. Hindi nga siya nag-abala na magpakilala man lang eh.

"Thank you po" magalang na pagpapasalamat ko.

Agad kong sinundan si ateng tour guide. Mas maganda sana kung lalake ang tour guide para may lovelife na agad ako. Charott lang. Nangangarap ng gising. Hindi naman totoo 'yun. Walang gano'n. Ano 'to wattpad? At isa pa, nakakailang kaya kapag lalake noh. Baka rape-in pa ako habang nagtu-tour. Biro lamang. Para talaga akong baliw.

Halos tumulo ang laway ko habang nagmamasid-masid ako dito dahil sa sobrang paghanga. Napakalaki ng school na 'to. Sobra. Parang 'yung bahay namin eh isa lang sa mga C.R. dito.

"Here's our building number one" nagising ako sa pagkamangha nang magsalita si ateng tour guide. Tiningnan ko ang tinuturo niya. Napanganga ulit ako nung makita ang isang five-storey building. Magmumukhang langgam ang nasa baba nito kapag tiningnan mo sa itaas na anggulo. Wow!

"Can you give me your schedule so that I can tell you where does it belong" sabi ni Ateng ingleshera. Walang pag-aatubili kong ibinigay ang isang maliit na papel na naglalaman ng aking schedule. Tiningnan niya muna ito ng mabuti.

"Follow me" utos niya. Sumunod naman ako sa kanya sa kung saan man. 'Di ko na napansin ang mga taong nasa paligid ko dahil hangang hanga pa rin ako sa mga nakikita ko. Napakaganda talaga ng school na ito. Hindi ako nagkamaling dito ko piniling pumasok. May isang malaking gymnasium kaming nadaanan kung saan may mga naglalaro ng basketball at nagpapractice ang cheering squad. May napakalaking ground din kung saan maraming estudyante ang kanya kanya ng mga mundo sa pag-uusap at pagtatawanan.

Pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko. Look it's not a bird nor a plane. It's a boy! Aba't nakikipaglandian sa tour guide niya. Naningkit ang aking mga mata sa aking nakikita. Ito bamang tour guide na ito, kilig na kilig. Ewwwwwww. Napairap na lang ako sa kadiring business nila. Pero guess what?! Ang saya lang nung biglang umiyak ang babaeng tour guide at tumakbo sa aming dako. I mean dito sa kasama kong tour guide.

"Oh? Anyare sa'yo?" nag-aalalang tanong ni ateng ingleshera. Himala kasi 'di siya nag-english ngayon noh?

"Eh... kasi... 'Yung si Mister Craige eh" pagsusumbong ni ateng iyakin. Napairap akong muli.

Kasalanan niya noh!! Ang landi landi kasi. Kaharotan! Buti nga sa kanya. 'Yan ang napapala ng mga nakikipaglandian lang.

Tiningnan ko 'yung lalaking kasama niya kanina at tawa lang nang tawa ang t*nga. Nagsalubong ang aking kilay nang bigla itong tumingin sa'kin. Hindi ako nagpadaig kaya't sinalubong ko ang mga tingin niya. Tinawanan ba naman ako? B*tch. Sinamaan ko siya ng tingin. Madapa ka sana mamaya. Karma is real, b*tch!

"Huh? Ano? Ikaw na nga ang nanligaw, ikaw pa ang nabusted?!" napalingon ako nung marinig 'yon. Wow naman pala!! Napakadesperada naman pala ih! 'Yan talaga ang mapapala niya. Anlandi landi kasi.

Ibinaling ko ulit ang aking tingin sa Craige raw na 'yon. Umalis siya ng tawa nang tawa. Sa hitsura niya ay hindi naman siya kukuha ng matinong course kaya tingin ko ay hindi na kami ulit magkikita. Sobrang lawak kaya ng school na 'to. Kailangan enjoyin ko na lang ang pagpasok dito.

Chrysanthe Marie Landicho, welcome to this new school.

...

A.N. Hello guys! Pakisupport naman po. Thank you for reading.

Please Vote, Comment, and Recommend this story. Thankie.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now