Chapter Thirty Four

15 3 0
                                    

My Own Story

(Celosia Joy Vidallon's POV)

Mag-isa lang akong uuwi ngayon. Walang Ethan na susundo sa akin. Syempre, nagkita na sila ni Harmony niya eh. Ano pa nga bang aasahan ko? Kinuha ko ang reading glasses ko at binuklat ang libro ko. Habang naglalakad ay magbabasa na lang ako para hindi mapansin ang mga taong nasa paligid ko. Mahilig talaga akong magbasa kaya nga nanlalabo na rin ang mata ko. Ito ang dahilan kung bakit nagsusuot ako ng reading glasses kapag magbabasa ako.

*BOGSHH*

Napatunghay ako nung maramdaman kong napatama ako sa isang tao.

"Sorry po" magalang na paghingi ko ng tawad atsaka nag-bow. Nagulat ako nung hawakan niya ang baba ko at itunghay ako. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Si.............

Si...................

Si.............................

Si Ethan?!!!

"Ethan..." naibulong ko. Ngumiti naman siya ng mapait.

"May problema ba?" tanong ko. At nagpakatotoo naman siya at tumango.

"Usap tayo" saad niya at kinuha ang kamay ko. Hinila niya ako at pinasunod sa kanya. Wala naman akong nagawa kundi sundin na lang siya at hayaang hilahin ako sa kung saan. Ganoon lang kami hanggang sa makarating kami sa secret place naming dal'wa. Doon ay binitawan niya na ang kamay ko. Nauna siyang umupo kaya sumunod na din ako. Tinanggal ko ang reading glasses ko at inilagay sa loob ng bag ko. Ganun na din ang ginawa ko sa libro ko. Nanatili lang kaming tahimik kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Kamusta na 'yung pagkikita niyo ni Har–ahmm. Harmony?" tanong ko. Hindi niya man lang ako tiningnan at nanatili lang na nakatingin sa kalangitan.

"Hindi naging maayos" mahinang sagot niya. Napatango na lang ako.

"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ko. Sa bawat tanong ko ay ramdam ko ng tensyon. Nakakakaba talaga.

"Gusto niyang makipagbalikan sa akin..." mahinang sagot niyang muli na sapat na para marinig ko. Nalungkot ako sa sagot niyang 'yon.

"Anong sinabi mo? Pu–pumayag ka ba?" lakas loob kong tanong. Kahit alam kong masasaktan ako sa magiging sagot niya, ayos lang.

"Ano sa tingin mo ang sagot ko?" kinabahan ako sa sinabi niya lalo na nung tingnan na niya ako at hulihin ang mga mata ko. Napaiwas kaagad ako ng tingin.

"Syempre, ti–uhmm. Ti–nanggap mo?" kinakabahang sagot ko. Nang tingnan ko siya ay biglang lumungkot ang mukha niya.

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa'kin? Kailanman ay dapat ikaw ang una na nakakaalam ng gusto ko" malungkot na sabi niya. Humugot ako ng isang malalim na hininga.

"Hindi naman sa gano'n. Akala ko lang naman na tinanggap mo" pagpapalusot ko. Nagbuntong hininga siya.

"Hindi ko na siya babalikan. Natuto na ako" sagot niyang muli. Napatango tango ako.

"Ahhh. Kung gano'n ay ibig sabihin lang no'n, may iba ka nang gusto?" tanong kong muli. Napakunot naman ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot noong tanong niya.

"Mayro'n ka ng special someone. Gano'n!" nahihiyang sagot ko. Mas lalo pang napakunot ang noo niya.

"Bakit mo naman naisip 'yan?" takang tanong niya.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now