Chapter Two

59 4 0
                                    

Their Life

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

It's officially the first day of school!! I'm so excited kaya maaga akong gumising para 'di ako malate ngayon. Sa sobrang mangha ko kahapon, iyon na yata ang napanaginipan ko kagabi.

Nasabi ko na bang excited na 'ko? HAHAHA. Agad akong lumabas ng kwarto para sa favorite kong morning routine—ang kumain. Pagkalabas ko ay sinalubong kaagad ako ni Mama na naghahanda ng aming almusal. As usual, nakabusangot na naman siya. HAHAHA. 

"Morning sa maganda kong Mama. Ayieee! Napuri" pang-aasar ko. Inirapan niya lamang ako bago sumagot.

"Mabuti at gising ka na" tanging kumento niya. Mabait 'yang nanay ko. Tropapits kami niyan eh. Kaya nabibiro ko 'yan minsan.

"Syempre naman po! Excited na po kaya ako noh!" masayang masayang sagot ko. Bored niya lamang akong tiningnan.

"Halata nga eh" natawa ako sa uri niya ng kumento. Agad akong tumulong sa paghahanda ng aming almusal. Myghaddd. Nagugutom na po ako. Lalantakan ko na sana ang pagkain nang hampasin ni Mama ang kamay ko bago ako masungit na tinitigan. Nagpout naman ako sa kanya at nagpaawa na parang sinasabing "Ma, onti lang? *pout*".

"Gisingin mo muna 'yung mga kapatid mo. Balasubas ka ha?! Uubusan mo na naman ng pagkain 'yung mga 'yon eh" napangiwi ako sa sinabi ni Mama. Oo na! Totoo na 'yun. Sorry naman. Uwaaaaaaaa. Mabilis pa sa alas kwatro akong pumasok sa kwarto ng dalawa kong magaling na kapatid.

"HOY JD AT JC! USONG GUMISING MGA BALASUBAS!!!" walang pasabing sigaw ko sa kanila. Oo, balasubas tawagan namin dito. Ang sweet namin noh?! Effective naman ang naging pagsigaw ko dahil nagising sila.

"Ate C., maaga pa" pupungas-pungas na sagot ni JC short for John Calvin. Siya ang bunso namin. 'Wag kayong maingay pero tamad 'yan. Shhh lang kayo. Agad akong lumapit atsaka piningot siya sa tenga.

"Aba't natututo ka na ah! Tumatalas na 'yang dila mo. Putulin ko 'yan eh. Utos 'to ni Mama. Baka sabihin ko sa kanyang sumasagot ka na!" pananakot ko sa kanya. Agad naman itong tumakbo papalabas nang bitawan ko ang tenga niya. Pupunta 'yon kay Mama at magpapalakas.

Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Pero napawi rin agad ang ngiti ko nang makita ko ang kapatid kong si JD na nakahiga at natutulog again. Antukin ampusa. Bawal magmura. Bad iyun. Baka mapatay ako ng aking ina. Agad naman akong tumalon-talon sa kama niya upang bulabugin ang antuking ito.

"Ate C., huwag kang malikot. Natutulog pa 'ko" ungot niya sa akin. Aba't! Gano'n ha? Mas lalo kong nilaksan ang pagtalon at nag-ingay na rin.

"WOOOHH!!!! ANG SAYA NA TUMALON-TALON!!!! WIEEEEEE!!!" pag-iingay ko. Tinakpan niya naman ng unan ang tenga niya. Tumigil ako at bumaba sa kama bago naglakad malapit sa pintuan.

"Hoy JD! Kapag hindi ka pa bumangon riyan, wala kang almusal. Kilala mo ko" pananakot ko. Pero hindi ako galit, natutuwa pa nga ako eh. Nang marinig niya 'yon ay agad siyang napatayo at kahit pupungas-pungas ay bumaba na para kumain. Effective Ate talaga ako. WHAHAHAHAHA. S'yempre matapos ko silang gisingin, pandalas na rin akong sumunod sa kanila dahil baka maubusan ako ng foods. 'Di ko kakayanin.

"Hoy, mga balasubas! 'Wag niyo kong ubusan!!" sigaw ko sa kanila pero mas binilisan pa nila ang pagkain. Hindi na 'ko nagpatumpik-tumpik pa at umupo na rin para kumain.

"Nashan poh shi Pashpash? [Nasan po si Papa?]" tanong ko. Pagpasensyahan dahil puno ang aking bibig.

"Maagang umalis para bumiyahe. Hoy Chrysan.! 'Wag ka ngang magsalita ng puno ang bibig!" pagsagot ni Mama at pagsuway na rin. Nasabi ko na bang mahirap lang kami? Well, now you know. Si Papa ay isang tricycle driver. Ang Mama ko namang pretty ay walang trabaho at nasa bahay lamang.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now