Chapter Twenty Nine

18 3 0
                                    

Our Pasts

(Eliana Anne Sarmiento's POV)

"Jason ko!!!" pagtawag ko sa kanya. Nakasimangot naman siyang lumingon sa akin. Hindi 'ata happy na nakita ako. Haysst. Dapat masanay na ako sa ugali niyang 'yan. Agad akong lumapit sa kanya at dinambahan siya ng yakap. Nang tingnan ko siya ay nakakunot ang noo niya.

"Can you stop doing that?!" iritable niyang sabi. Agad naman akong umalpas. Nung umalpas ako ay kaagad niyang pinagpagan ang damit niya at inayos ang nagusot na parte.

"Ano bang kailangan mo?" inis na tanong niya. Ngumiti na lang ulit ako kahit ang totoo ay nasasaktan na ako sa ginagawa niya.

"Oo nga pala. May gusto sana akong itanong sayo! Okay lang ba?" sagot ko.

"You're already asking me. Be straight to the point" napakacold niya sa'kin samantalang kanina nung kaharap niya ang mga fans niya ay lagi siyang nakangiti. Nasasaktan din naman ako pero wala nga kasi akong karapatan eh.

"Kilala mo ba ako?" tanong ko. Napakunot naman ang noo niya.

"Of course. You're Eliana Anne Sarmiento" pangpipilosopo niya. Napatawa naman ako ng kaunti kahit hindi naman talaga nakakatawa 'yon.

"Hindi ganon. Ahmm. Pano ba 'to? Aha! Nagkita na ba tayo nung mga bata pa tayo?" tanong ko. Boring niya lang akong tiningnan.

"I don't know. That was years ago. I can't remember. There's a lot of people who came to my life, how would I know?" tama siya. Isa siyang napakatalinong tao.

"Oo nga naman. Siguro nga hindi na 'yon mahalaga para sa'yo pero naniniwala akong kahit pa sa dinami dami ng taong dumaan sa buhay mo, kung naging importante siya sa'yo ay hindi mo siya makakalimutan kahit ilang taon pa ang lumipas. Siguro nga ay nagkamali lang ako ng akala. Pasensya ka na sa lahat ng abala na ibinigay ko sa'yo. Marahil hindi nga ikaw ang Jason na nakilala ko noon. Pa'no nga namang magiging ikaw 'yon eh mabait siya at nangako siya sa aking hindi niya ako kakalimutan? HAHAHA. O sige! Pasensya na, Jason Dela Vega. Nalaman ko na ang dapat kong malaman kaya simula ngayon ay hindi na kita kukulitin. Sorry ulit" mahabang linyahan ko. Sa wakas ay nasabi ko na rin. Tama nga si Chrysanthe. Sa dinami dami ng Jason sa mundo, imposibleng si Jason Dela Vega ang batang nakilala ko. Mapait akong napangiti at nagsimulang tumalikod. Unti unti kong inihakbang ang aking mga paa papalayo sa kanya. Sapat na nga siguro ang mga ginawa ko. Tama na 'yon. Ilang beses ko na ring tiniis ang mga cold na pagtrato niya. After all, dapat maging masaya ako pero ang taksil kong mga luha ay pumapatak at ang taksil kong puso ay nasasaktan. Ano ba 'tong nararamdaman kong ito? Nagulat ako nung may biglang humawak ng kamay ko. Nang lingunin ko kung sino ay nagulat ako na makita si Jason. Anong ginagawa niya?

"You're right. Finally, I see you again..." biglang kumalabog ang puso ko sa mga narinig ko. Paulit ulit na nagecho sa akin ang sinabi niya.

Finally, I see you again...

Finally, I see you again...

Finally, I see you again...

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

Finally, I see you again...

Finally, I see you again...

Finally, I see you again...

Finally? He saw me again? Again? Nagulat ako nung yakapin niya ako ng mahigpit.

"Thank you for remembering me" hindi na ako nahiyang ibuhos ang lahat ng luha ko sa kanya dahil sa sobrang saya ko. Niyakap ko siyang pabalik.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя