Chapter Twenty Five

17 2 0
                                    

Family Meeting?

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

Saturday! Sa wakas. Natapos ang isang linggo ng mga stress.

"Hoy, Chrysan! Gumising ka na diyan!!" narinig kong sigaw ni Mama.

"Gising na po, mudrabells!!" sigaw ko pabalik. Naligo ako para magising gising. Pagkababa ko ay nakita ko sina Papa at Mama na naghahanda ng pagkain.

"'Yun oh! Kasweet!!" pang-aasar ko sa kanila. Tinaasan ako ni Papa ng kilay at napangiti. Si Mama naman ay halos lamunin na ako sa sama ng tingin sa akin.

"Oo na po. Sorry na!" pagbawi ko sa sinabi ko atsaka tumulong sa paghahanda ng pagkain.

"Chrysan, gisingin mo na nga 'yung dal'wa mong kapatid" utos ni Mama. Agad akong tumango.

"It's my pleasure, Mudrabells!!" masayang sabi ko at binigyan na naman niya ako ng masamang tingin. Tumawa kami ni Papa. Agad akong tumakbo sa kwarto nila JC at JD.

"HOY!! MGA BALASUBAS KONG KAPATID!! GISING NA!! LAGOT KAYO KAY PAPA!!" panggigising ko. Gan'yan talaga kaming magkakapatid. Ang sweet namin, noh? Pupungas-pungas na bumangon silang dalawa.

"Ate C, maaga pa!" inaantok pang sagot ni JC. Tinaasan ko siya ng kilay. Agad akong lumapit at piningot siya.

"Gising na!! Bangon na kung ayaw niyong ubusan ko kayo ng pagkain. Babush!" pananakot ko sa kanila atsaka tumakbo para mauna sa hapag kainan. Agad namang sumunod silang dalawa kaya natawa na lang ako. Kumakain kami ng almusal nung biglang may kumatok.

*Tok* *Tok* *Tok*

"Sino kaya 'yun?" tanong ni Mama. Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa pagkain. Tumayo si Mama at siya ang nagbukas ng pinto. Halos mabilaukan ako nung marinig ko kung sino ito.

"Hello po, tita" pagbati ng mokong. Napanganga ako sa gulat nung makipagbeso-beso pa siya kay Mama.

"Ma, sino siya?" tanong ni Papa. Agad akong kinabahan. Patay! Si Papa pala ay nandito pa. Jusko po! Lamunin na po sana ako ng lupa.

"Hello po, tito. Ako po yung tinututor ng anak niyo" nasamid ako ng paulit-ulit sa sinabi niya. Natakot ako nung kumunot ang noo ni Papa. Patay na talaga ako.

"Tinututor? Pumasok ka bilang tutor?" tanong ni Papa sakin.

"Ahmm. Ano po kasi eh. Ahmm. Parang gano'n na nga po" takot na sagot ko.

"Bakit naman?" tanong ulit ni Papa. Jusko! Heto na ang simula ng interrogation session. Hay naku po.

"Ahmm. Ano po kasi eh—"

"Ako po ang nagpumilit sa kanya. Kasi po akala ko po makakatulong talaga siya sa'kin dahil tutal naman po ay education po ang tinatapos niya. Medyo mahina po kasi ako sa ilang subjects namin. Tingin ko naman po ay kaya siya pumayag ay para po makapagsanay na rin bilang guro. Pasensya na po kayo. Hindi ko po alam na hindi po pala siya pwede" nakahinga ako ng maluwag nung iniligtas ako ni Craige. Dapat lang noh. Siya ang naggulo-gulo ng lahat. Napalunok ako ng sunod sunod sa kaba. Tumango-tango si Papa.

"Ahh. O sige. Bakit ka nga pala nandito?" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Papa.

"Ahmm. Sinusundo ko lang po siya kasi po may tutorial session kami ngayon. Hindi ko naman po alam na kumakain po pala kayo sa ganitong oras. Mukhang napaaga po ako" napairap ako ng lihim sa mga dahilan niya. Akala mo naman anghel talaga, eh demonyo naman talaga 'yan. Tsss.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon