Chapter Twenty Eight

20 1 0
                                    

Snob??

(Craige Aiko Buenavista's POV)

"Uy, dude. Pupunta kaming ospital ngayon. Sasama ka?" tiningnan ko lang si Charlestin at kinunutan niya lang ako ng noo.

"What's your problem, Craige?" boring ko lang ulit na tiningnan si Charlestin.

"Craige, buhay si Chrysanthe at nakaligtas siya. Ayaw mo ba siyang puntahan?" sabat naman ni Jason. Boring ko lang siyang tiningnan. Kung alam niyo lang. Gustong gusto ko talaga na puntahan siya at kamustahin pero dapat kong alalahanin ang magiging buhay ni Chrysanthe kung patuloy pa akong lalapit sa kanya.

"Ayoko kong pumunta" sagot ko kahit alam kong sa sarili ko ay nagsisinungaling ako. Sapat na ang naranasan niya ang ganito. Tama na. Ayaw ko na siyang madamay pa.

"Sigurado ka bang ayaw mo?" paniniguradong tanong ni Ethan. Ngumiti ako ng peke at tumango sa kanila. Napabuntong hininga na lang sila sa inasta ko.

"May gusto ka bang ipasabi?" tanong muli niya. Umiling-iling na lang ako.

"Wala naman. Pero pwede bang pakibigay niyo 'to sa kanya?" sagot ko atsaka inabot sa kanila ang isang maliit na kahon. Inilagay ko doon ang relo niya. Hindi ko na iyon kailangan. Dahil dito, nagsimula ang lahat at gusto kong matapos na rin dito.

"Bakit hindi ikaw ang magbigay?!" kanina pang naiinis na pambabara sa akin ni Charlestin.

"Charlestin! Huwag kang mag-alala. Craige, makakarating ito" tumango ako kay Jason. Nagpapasalamat ako dahil mabait pa rin siya. Nagpaalam na sila at naiwan ako dito sa base namin. At dahil na rin sa naiinip ako, pumasok ako ng klase ko ngayon. Mahirap na at baka makita ko pa ang tropa ni Chrysanthe.

Gusto ko muna siyang iwasan at makapag-isip isip muna. Patawarin mo ako, Amazona...


(Chrysanthe's POV)

"Yo! Asawa ni Craige! Kamusta ang sugat?" napataas ang kilay ko kay Charlestin at napatawa na rin.

"Ayos lang ako gunggung ni Quacey!!" pang-aasar ko pabalik. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya natawa ako.

"Siya nga pala, Chrysanthe! Ipinabibigay ni Craige!" napatingin ako sa inihagis ni Jason na kahon.

"Nasaan si Craige?" takang tanong ko. Bakit hindi siya sumama? Matapos kong umamin sa kanya? So ano 'to? Hindi niya narinig? Napatingin ako sa kanila at walang sumagot tapos ay sumeryoso ang mga mukha nila. May problema ba?

"Uy! Nasaan si Craige?" tanong ko ulit.

"Wala. Busy daw siya eh" nakaismid na sagot ni Charlestin. Busy? Saan naman?

"Ahhh. Okay. Salamat dito ah!" pagpapasalamat ko na lang sa kanila. Nang buksan ko kung ano 'yun ay nakita ko ang relo ko. Bakit hindi niya na lang isauli sa personal? Ano bang pinagkaka-busy-han ng mokong na 'yun?

"Siya nga pala! Kailan ka daw makakalabas dito sa ospital?" tanong ni Ethan. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Hindi ko pa alam eh pero mabuti na lang daw at hindi malalim ang naging sugat ko. Siguro one of these days na rin" tanging sagot ko. Tumango tango na lang sila. Napatingin kaming lahat sa pintuan ng marinig ang pagbukas nito. Iniluwa no'n si Mama.

"Oh? Kayo pala 'yung mga kaibigan ni Chrysanthe at Craige. Kamusta?" pagsalubong ni Mama habang inilalapag ang dala dalang prutas.

"Ahmm. Hello po" sabay sabay na pagbati ng mga mokong. Masaya ako dahil mukhang officially friends na kami.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now