Chapter Seven

24 2 0
                                    

Marriage Contract

(Quacey Elizabeth Silvio's POV)

Hayysst! Sa wakas, natapos din ang nakakapagod na first day na 'to.

"Babye na!" pagpapaalam nila Eliana. Nagwave ako sa kanila at nagwaveback din naman sila. Pumasok na 'ko sa bahay namin para makapagpahinga na din.

"Ayyt. Opo. Sige. Mukhang maganda nga po 'yan" sinalubong ako ng boses ni Mama. Siguro may bisita nga kami ngayon.

"Mama, ay! Ina andito na po ako" sigaw ko upang maging hudyat na nakauwi na 'ko. Sumilip naman kaagad si Ina. Bakit nakangiti siya? Anong meron?

"Naku, anak! Tamang-tama ang dating mo ngayon ah. Kailangan ka naming makausap" nagtaka naman ako sa sinabing iyon ni Ina. Pero nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kaniya. Anong meron? Bakit nandito din si Ama? Pinaupo ako nina Ina at Ama.

"Hello! Kung ganon ikaw pala si Quacey? Napakaganda mo naman palang bata" pagbati sa akin nung matandang babae na kasing edad lang 'ata ni Ina. Mukhang magkumare sila eh. Nginitian ko siya at tumango.

"Salamat po" magalang na pagsagot ko.

"Oo nga po pala Ina! Ano po palang gusto niyong sabihin sakin ni Ama?" nagtatakang tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa na tila nag-uusap gamit ang mga mata.

"Ahmm... Ano kasi...Quacey, anak... Sana 'wag kang mabibigla sa sasabihin namin ng nanay mo. Mahal ka namin at gano'n ka din sa'min di'ba?" kinakabahang panimula ni Ama. Anong meron? Dramahan?

"Opo. Pwede po bang pakisabi na agad? May assignments pa po kasi ako eh. Pasensya na po talaga" sagot ko. Napatingin ako nang magsalita 'yung kasamang lalaki nung babae. Mukhang mag-asawa 'ata sila.

"Didiretsahin ka na namin, hija! Gusto naming pakasalan mo ang anak namin tutal nasa wastong edad na kayong dalawa" nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa mga sinabi niya.

"HUH?! KASAL PO?!! AS IN K. A. S. A. L? KASAL?!" sigaw ko sa sobrang gulat.

"Oo, anak" napanganga ako sa tanging sagot ni Papa.

"Pe-ro ba-ta pa po ako. Ayaw ko pa pong mag-asawa" pagtanggi ko. Real talk. Naiiyak na 'ko ngayon.

"Let me explain it to you, anak" napatingin ako kay Ina. Nag-nod na lang ako.

"O sige po, Ina. Pero Ina, ba't ang galing niyo na mag-english ngayon?" nacucurious lang talaga ako.

"Anak! Gusto mo bang malaman o ano?!" inis na sabi ni Ina.

"Syempre po gusto" sagot ko.

"Alam mo kasi, anak... Malaki ang utang natin sa pamilya nila" napakunot naman ang noo ko sa sinabing iyon ni Ina.

"Po? Tayo? May utang sa kanila? Pa'no po nangyari 'yon?!" gulat at takang tanong ko.

"Naalala mo ba 'yung business natin na nalugi?" napatango ako kay Ama.

"Opo. Ano naman pong kinalaman no'n dito?" tanong kong muli.

"'Yung pera na pinuhunan natin doon ay inutang natin sa pamilya nila kaso..." napataas ang kilay ko nung huminto si Ama.

"Kaso po ano?!" tanong ko. Myghad. Feeling ko natatakot akong malaman ang katotohanan.

"Kaso hindi ninyo iyon nabayaran dahil matapos ang ilang buwan pagkatapos itong maitayo ay nalugi agad. Listen, hija. Kailangan na namin 'yung pera dahil kung hindi, kami naman ang malulugi. Pababa na ng pababa ang sales ng aming negosyo. Gipit na gipit na kami ngayon. At isa pa—" pinutol ni Ama ang sinasabi nung matandang babae.

"Ako na lang po ang magsasabi" pagpepresinta ni Ama. Nag-nod na lang sa kanya 'yung babae.

"Kaso anak wala tayong pera na pambayad ngayon. Kaya napagkasunduan na lang namin na ipakasal ka sa anak nila" mas lalo 'ata akong naguluhan sa mga nangyayari.

"Huh? Ano naman po kung ganon? I mean, bakit kailangan pa po ng kasal? Ano namang benefit natin dun?" sunod sunod na tanong ko.

"Calm down, hija. Listen... We need money but you don't have it so we're here to offer you and your family a marriage contract as a payment to your debt. My son has his money. It's his inheritance from his loving grandfather who recently passed away. But we can't have it unless we will be fulfilling his grandfather's wish. And that wish is for my son to get married. By this contract we will be having our son's inheritance and you'll be paid with you family's debt. Just as simple as that" paliwanag nung lalaki. Wow. Makapagsalita 'to kala mo siya 'yung ikakasal. Sobra sa pagiging professional. Enough na!

"Don't worry hija, your marriage will be only within papers. Hindi niyo kailangang maging tunay na mag-asawa at magka-anak. Ang kailangan niyo lang gawin ay tumira sa iisang bahay for inspection. That will only last for one month. With that time, we'll make sure that we'll finished it and get the money" napanganga na lang ako sa sobrang pagkabigla sa mga narinig ko. One month? With a guy? Ahuhuhuhu. Jusmiyo corazon. Pa'no na?

"We'll give you time. Tomorrow, we need your final decision" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bukas agad? Agad agad? Anong klaseng time 'yan? Nagmamadali gano'n?! Ahuhuhu. Help me please. I don't want it...

... 

A.N. Enjoy reading. Sino kaya ang papakasalan ni Quacey? Hihihi.

Please don't forget to Vote, Comment, and Recommend this story. Lovelots.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon