Chapter Thirty Six

17 1 0
                                    

Comeback

Warning: Vulgar Words and Errors

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"HUH?!!! NAGBREAK NA KAYO?!! AS IN?!!" halos masira ang eardrums ko sa sigaw ng mga Uda kong kaibigan.

"OO NGA!! BREAK AGAD?! EH DI'BA, HINDI PA KAYO TUMATAGAL?!" sigaw naman ni Eliana.

"THAT'S TRUE!!! ISANG ARAW PA LANG NGA 'ATA KAYO EH, TAPOS BREAK NA AGAD?!!" isa pang sigaw nitong si Quacey.

"Hoy! Hoy! Hoy! Hindi naman isang araw noh?! Mga two days din!!" pagdepensa ko. Mas lalo silang napailing-iling sa sinabi ko. Napasapo naman ng noo nila sina Quacey at Celosia. Nakanganga naman at pailing iling si Jennille at Eliana.

"So ano na? May comeback ba kayo?" diretsang tanong ni Jennille. Nagbuntong hininga ako at napakibit balikat na lang.

"Ewan ko din. Parang wala eh" malungkot na sagot ko.

"Katangahan kasi eh! Makikipagbreak tapos mamimiss?! Parang ulaga lang?!" bulgaran na talaga gano'n? Nakakainis ah!! Napatigil kami sa pag-uusap nung may bigla kaming narinig.

"Nabalitaan mo na ba?" tanong ni ate girl.

"Ayyt. Oo naman. Ako pa ba ang magpapahuli sa balita?! Mabuti na lang at break na sila ni Fafa Craige para magkachance pa ko" napairap ako dun. Kaagad akong tumayo sabay hampas ng lamesa, dahilan para mapatingin silang dal'wa sa akin. Sinamaan ko sila ng tingin.

"HOY!! MGA ECHOSERANG FROGLETS KAYO!! AKIN LANG ANG BADBOY NA 'YUN! SINONG NAGSABI SA INYO NA PORKET BREAK NA KAMI AY PWEDE NINYONG LANDIIN ANG EX KO AH!! HINDI PORKET NAG-BREAK, IBIG SABIHIN NUN HINDI NA MAHAL!! MAG-ISIP KAYO, MGA BOBO!!" hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang galit. Mas umusok pa ang ilong ko nung inirapan lang ako nung isa. Baka dukutin ko 'yang mata mo diyan eh!!

"Bakit? 'Di ba alam na naman ng lahat na pinaglaruan ka lang ni Fafa Craige. Like Duh! Hindi na 'yon nakakapagtaka noh. Tingnan mo nga 'yang itsura mo? Like Ewwwww! Isang basura na nangangamoy-ngamoy pa. At isa pa, mas lalaki ka pa 'ata sa mga machong kilala ko eh. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang tomboy na katulad mo?!!" mas nairita ako sa sinabi niya. May pairap irap pa ang lintang 'to. 'Pag hindi ko napigilan ang sarili ko, nasabunutan ko na ang babaeng 'yan. Baka napakain ko na ang buhok niya sa kanya. Sarap isupalpal sa sahig eh.

"Hoy! Mas mahiya ka naman noh! Atleast ako may nagagawa kahit patomboy-tomboy, eh ikaw? Wala di'ba?! Ang tanging alam mo lang gawin ay magmake-up nang magmake-up. Tapos may paflip-hair, flip hair ka pang nalalaman diyan, baka gupitin ko 'yang buhok mo diyan at nang malaan mo! Tingnan natin kung sino ang talo! Clown!!!" pag-ganti ko pabalik. Wala akong pakialam kahit pagtinginan pa kami ng mga tao kasi totoo lang ang sinasabi ko. Mga clown naman talaga ang mga 'to. Mga bwisit!!

"HEY YOU, BITCH!! KAPAG IBINUKA MO PA 'YANG BIBIG MO, HINDI LANG AKO KUNDI LAHAT KAMI DITO ANG MAGDADALA SA'YO SA KAMATAYAN MO!" nagulat ako nang magsalita si Eliana. Palaban din 'yan eh. Natameme naman 'yung dal'wa samantalang kami naman ay nakatingin lang sa kanila ng masama.

"Tse!! Mga mala—landi!" pahabol pa nung isa atsaka tumalikod. Hahabulin ko pa sana para sabunutan nung nakita kong harangin siya ng lalaking sobrang gwapo at may nakasukbit na gitara. Sobrang sama ang tingin na ipinupukol niya dun sa dalawang babae.

"So—sorry po, Fafa Craige" sabay pa nilang paghingi ng pasensya at nauutal-utal pa. Ha! Ha! Kala niyo ah! Blehhhh!! Hindi natinag si Craige at nanatiling nakahalukipkip ang mga kamay habang matalim na tinitingnan ang dalawang babaeng 'yon. Lumuhod na nga 'yung dal'wa pero hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha niya. Ganun din makatingin ang mga mokong niyang kaibigan. Sobrang lamig na tila kakainin ka ng buhay. Nakakatawa lang kasi mukha silang banda na ewan. Lahat ba naman ay may dalang gitara. Si Charlestin ay hawak hawak ito na parang baseball bat lang. Ano?! Sisirain niya, gano'n? Ang mahal kaya ng gitara!! Si Jason naman ay hawak hawak ito na parang mag-i-strum. 'Yung gitara naman ni Ethan ay nasa loob pa yata ng lalagyan niya na nakasukbit sa balikat niya. 'Yung kay ene nemen. Charottt. 'Yung sa BB ko naman ay parang katulad lang kay Ethan pero wala na sa lalagyan. Mga mukha silang Guitar Warriors. BWAHAHAHA.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang