Chapter 42

25 1 0
                                    

Our Own Way of Saying Goodbye

(Craige Aiko Buenavista's POV)

"Melody?" pagtawag ko sa isang babaeng nakaub-ob sa isang lamesa dito sa bar. Kaagad siyang lumingon at nakita ko ang saya sa mukha niya.

"Craige!!" pagtawag niya pabalik. Iniwan ko si Chrysanthe para sa kanya. Tama ba ang ginawa ko?

Kaagad ko siyang nilapitan.

"Bakit ka tumawag kanina? Ano bang problema at sinabi mong kailangan mo ako dito?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot at kaagad na niyakap.

"Craige, I miss you. Please come back to my arms!" umiiyak niyang pakiusap. Kaagad ko siyang nilayo sakin.

"Ayoko, Melody. Tama na, please!" madiin kong utos. Ngayon na naalala ko na ang lahat ng nangyari kagabi, alam ko na ang dapat kong gawin.

*FLASHBACK*

"Melody, ano bang kailangan mo sa'kin? Bakit mo ko pinapunta dito?" inis na salubong ko kay Melody.

"Craige, I miss you!" napabuntong hininga ako ng wala sa oras.

"I miss—ano bang sinasabi mo?!" muntik na. Muntik na akong bumigay. Bakit kapag siya, hindi ko matiis? Bakit kapag siya, ginagawa ko agad lahat basta siya? Magpapakatanga na naman ba ako sa kanya. Iniwan na niya ako noon. Ayaw ko nang masaktan ulit. Lalo pa't siya 'yon.

No me ames por favor amame

Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi niyang 'yon. Natakot akong aralin ang spanish dahil sa mga salitang 'yon. Ni hindi ko sinubukang alamin ang kahulugan no'n dahil ayaw kong masaktan. Ayokong makaramdam ulit ng sakit.

"Craige, I know you miss me too. I can sense it. Why won't you just admit it?" pangungulit ni Melody.

"Melody. Ano bang kailangan mo sa'kin? Bakit ka pa ba bumalik? Bakit mo pa ginulo ang buhay ko? Masaya na ko, ano pa bang gusto mo? Maging sunod sunuran ulit ako sayo? Maging uto-uto at maniwala na naman na mahal mo ko tapos ano? Sasabihin mo na naman na simula pa lang, hindi mo na pala ako mahal? Ano bang gusto mong mangyari?!!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Ang gusto ko lang namang mangyari ay bumalik ka sa'kin!!! Mali ba 'yon?!! Mali ba na hangarin ulit kita?!! Mali ba na kunin ko ang minsan ng naging akin?!! Mali ba 'yon?!" sigaw niya pabalik.

"Oo! Maling mali 'yon!! Dahil sana nung una pa lang, hindi mo na ako pinakawalan di'ba? Sana nung una pa lang narealize mo na lahat di'ba? Para naman kahit papano, edi sana ngayon tayo pa rin. Pero hindi na pwede 'yon ngayon Melody. Hindi na 'yon pwede. Meron na akong Chrysanthe. Siya na ngayon ang kasama ko. Siya na!" pagsagot ko sa kanya. Nangunot ang noo nung ngumiti siya.

"May isa kang hindi binanggit na pinakamahalaga at dahil hindi mo 'yon binanggit, naniniwala pa rin akong may pag-asa pa rin akong makuha ka. Makuha hindi lang ikaw at ang pagmamahal mo kundi ang buong ikaw" naguluhan ako sa sinabi niya.

"Kahit kelan, hindi na pwedeng mangyari 'yon Melody. Hindi mo 'yon magagawa!" tanging sagot ko.

"Mali ka Craige. Just like the old days, I know you better than yourself. Kanina, binanggit mo ang babaeng 'yon. Si Chrysanthe. At sinabi mo ring hindi tayo pwedeng maging ulit dahil sa kanya. Dahil siya na ang kasama mo ngayon pero... Pero hindi mo sinabing siya na ang mahal mo di'ba? Tama ba ako? Craige, I know you still love me. I can read it with your eyes, with your lips, and with your moves. I can still read you" natigilan ako sa mga sinabi niya.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now