Chapter 45

25 2 0
                                    

Official Couples

(Eliana Anne Sarmiento's POV)

"Jason ko!!!" sigaw ko at lumapit kay bebe Jason ko. Niyakap ko siya kaagad. Kita ko namang nangunot ang noo niya.

"Can you please shut up? I'm reading" masungit na sagot niya. Pinisil-pisil ko ang pisngi niya.

"Kasungit-sungit mo talaga, bebe ko!!" reklamong sagot ko pero mukha atang nagmuka pa yong pang-aasar sa kanya.

"Shut up, Eliana!" matigas na suway niya at bumalik sa pagbabasa ng libro niya. Nagpout ako at tumigil. Umupo ako at nanahimik sa isang tabi. I crossed my arms.

"Kakainis. Sunget-sunget. Pasalamat siya gwapo siya. Kundi pinagpalit ko na talaga 'yan" bulong ko. Para akong bubuyog na bulong ng bulong.

"You know I can hear you, right?" saad niya. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbulong at pagrereklamo.

"Siya na nga lang nilalambing, ayaw pa. Siya na nga lang tapos ayaw pa niya. Asus. Kakainis talaga ang mga lalaki" bulong ko ulit.

Narinig ko ang padabog na pagsara niya sa libro na binabasa niya. Hindi ko pa rin siya tinitingnan. Bahala siya diyan. Nagtatampo ako.

"Hayyssst" pagbubuntong hininga niya.

"Eliana, look at me" utos niya pero hindi ako sumunod at umirap-irap pa sa ere.

"Princess, sorry. Sorry, okay?" paghingi niya ng pasensya.

"Tsk. Ayoko! Mas mahalaga pa 'ata sa'kin 'yang mga libro mo eh. Parang mas mahal mo pa 'ata sa'kin 'yan. Halos araw araw ka nang nandito sa library, dito ka na kaya tumira!" galit na sagot ko sa kanya.

"Listen, I'm doing this for our future" mahinahon at nanunuyong sagot niya.

"Future future na sinasabi mo?! Hindi naman natin makakain 'yang libro sa future ah!" nagtatampong sagot ko sa kanya. Alam kong naiinis na siya pero bahala siya diyan. Naiinis din kaya ako. Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod.

"Sorry na. Sorry na talaga, my princess. I promise to take time to you also but the final exam is coming so we need to study. You want us to get married, right?" tanong niya.

"Oo. Bakit kapag bumagsak ba tayo, hindi na tayo magpapakasal?" pilosopang sagot ko.

"Let me challenge you. If you pass the final exam, I'll let you to disturb me anytime you want. But I won't help you in studying" pangchachallenge niya. Kaagad ko siyang hinarap.

"O sige! 'Pag nakaya ko, p'ede na ah!" pagtanggap ko sa hamon niya. Atsaka iniwan siya do'n. Kaagad akong naghanap ng mga libro na aaralin ko. Nagpaalam ako sa librarian na hihiramin ko muna ang mga librong 'yon. Pumayag naman kaya umalis na ko at dinala 'yon lahat. Pumunta akong canteen at doon nagbasa. 

"Wow!!! Wait! Totoo ba 'to?" narinig ko agad ang pang-aasar ni Quacey.

"Hmmm. Hindi kapani-paniwala. Isang Eliana Anne Sarmiento, nag-aaral?" paggatong ni Ate Celosia.

"Shhh. 'Wag kayong maingay, maririnig niya tayo!" nanliit ang mata ko kay Chrysanthe.

"PWEDE BA?! ALAM NI'YONG NARIRINIG KO KAYO!!" singhal ko sa kanila. Umupo sila sa harap ko at ipinatong ang pagkain nila.

"Susmiyo naman kasi Eliana! Kailan ka pa natutong mag-aral? Dapat sinabihan mo kami na magugunaw na pala ang mundo para naman nagawa din namin ang mga gusto naming gawin" napairap ako sa hangin sa pang-aasar ni Quacey. Tsk. Gan'yan naman talaga sila. Like DUH!!!

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now