Chapter Five

30 2 0
                                    

Amazona

(Craige Aiko Buenavista's POV)

[A.N. First time 'to. Hope na magustuhan niyo. Bebe ko 'to eh.]

Alam kong kilala n'yo na ko. Maraming naghahabol sakin na mga babae at pati na ang mga bakla noh. Miski mga tomboy, nagiging straight kapag nakikita ako eh. I am CERTIFIED BADBOY. At hindi ko 'yon maitatanggi. Hindi naman ako 'yung tipo na pumapatay. Ayokong makulong noh. Tapos sa bilibid ako makukulong? No way! Siguro kung katulad ng sa ibang bansa 'yung kulungan dito sa Pilipinas baka pumayag pa 'ko.  Eh ang kaso, alam niyo naman na siksikan ang kulungan dito. Kulang na lang ilagay sila sa lata para maging sardinas. Hindi naman ako natatakot na mapunta sa kulungan o impyerno pero syempre mapupunta na nga lang ako dun, dapat gandahan ko na di'ba? Maging choosy. Ang pangit kaya dito sa Pilipinas.

Ako 'yung tipo na may batas. Kung anong itinanim mo, siya ring aanihin mo. Ibig sabihin lahat nang ginawa mo ay may karampatang ganti. Naalala ko tuloy ang babaeng amazona na 'yun. Siya lang ang nagtangkang kalabanin kami. Interesting! Nakakatawa naman ang itsura niya kanina lalo na nung nagalit siya. HAHAHA. That's epic. Hindi siya kagandahan, hindi katulad ng iba. Wavy ang hanggang balikat niyang buhok, cheeky, maputla ang labi, brown eyes, morena and proud Filipina at...

...

[Chrysanthe: Hi Ms. A! Nabalitaan kong nagka-POV si mokong. Grabe 'yung description ko ah. Kinikilig na 'ko]

Isa siyang DAKILANG PANDAK AT FLAT CHESTED. WHAHHAHAHA.

[Chrysanthe: Magbaback-out na talaga ako]

Tama na nga 'yang pag-extra mo! Point of view ko 'to oh. Nakita mo namang Craige Aiko Buenavista's POV ang nakasulat eh. Ikaw ba 'yon ha? Alis na! Bawal asungot.

...

Naalala ko tuloy ang sinabi niya.

"Alam mo, sa susunod kasi 'wag kang badboy ha?! Hindi kasi ako mabait eh. One point para sa'kin"

One point para sa'kin...

One point???

Kung gano'n ganito pala ang gusto niyang laro, huh? Bakit hindi natin 'yon pagbigyan? Lagot ka sa'king babae ka.

"Hoy Craige! Ano bang iniisip mo diyan?" napatingin ako kay Jason.

"Wala naman, Bro" tipid kong sagot.

"Pushet, mga Bro. Ang sakit pa rin ng katawan ko dahil sa lintik na babaeng 'yun. Para siyang amazona na gorilla eh. Hindi ba tayo gaganti?" pagmamaktol ni Charlestin. Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko sa katangahan nitong tropa ko eh.

"'Wag ka nang mag-alala. May plano na 'ko" sarkastiko kong sabi. Napatingin silang lahat sa'kin pati na ang tahimik na si Ethan. Ngumiti ako sa kanila nang nakakaloko.

"Ano 'yon, Bro?" excited na tanong ni Charlestin.

"Papahirapan lang naman natin siya. Gagawin nating miserable ang buhay niya" Naku po! Pasensya na. Nagiging demonyo na 'ata ako. Whahahaha.

"Tama 'yan. Hindi niya kilala ang binangga niya" sabat ni Ethan. Ewan ko ba pero ganyan talaga 'yan. Kapag mga ganitong bagay kami nagkakasundo at interesadong interesado. Kaya ko nga sila naging kaibigan eh.

Be ready Miss Amazona...

...

(Chrysanthe's POV)

"Ehem. Ehem!" bigla na lang akong nasamid ah. Siguro pinag-uusapan pa rin ako nina Eliana.

Naglalakad ako ngayon papunta sa kabilang building para sa next class ko. Maaga pa naman eh. Napahinto ako sa field. Shemmaay. Mamami! Halos tumulo ang laway ko sa mga naggagwapuhang lalaki na naglalaro ng soccer. My ghad! My dream boy. Where are you?!

Umupo ako sa isang bench roon at nanood. Grabe ang gagwapo, mga ati!! Mapapa-wow kayo sa lalaki ng mga katawan. Hmmmm. Yummy. Ang saya nila. Sana kasali rin ako. Gustong gusto ko talaga makalaro ng soccer tapos ako 'yung goal keeper. Ang malaking kaso lang ay hindi ako maalam eh.

"Chrysler dito!" napatingin ako sa sumigaw na player at ipinasa ito sa isang hot na lalaki. 'Yung kanina ko pang tinitingnan. Ang gwapo talaga. Mukhang anghel, mga beshh!! Sobrang ideal niya, mga besh! HAHAHA. Inggit kayo noh? Kasi 'di ninyo makita. Blehhhh.

Sinipa niya 'yung bola at nagulat ako nung papunta sa'kin 'yung bola. Omy!Anong gagawin ko?! Jusko. Natataranta na 'ko.

*BOGSHHHHH*

HAHAHA. Tumama sa'kin yung~~~

---

[Author: After several minutes. Ayan kasi nang-iinggit pa eh. Napala mo!]

"Miss okay ka lang ba?" tanong ng isang soccer player kanina.

"HAHAHA. Aray ko naman. Nasa langit na ba ako? Bakit nandito 'yung anghel?" tanging nasabi ko nung makita ang gwapong mukha ni Chrysler.

"Mukhang malala ang tama niya, Chrysler" sabat nung isa. Agad ko siyang tiningnan ng masama.

"Hoy! Pakialamero. Oo! Malakas tama ko key ene. Key Chrysler. Ehihihihi" kinikilig kong saad. Jusko! Ang gandang panaginip naman nito.

"Miss, dadalhin ka na namin sa clinic" saad ni Bebe Chrysler. Agad kong ibinuka ang mga kamay ko.

"Take me, bebe Chrysler. Take me!" sagot ko. Ang saya naman ng panaginip ko. Kinikilig ako. Agad niya akong nilapitan at inalalayang tumayo.

"Ang gandang panaginip nito! Kinikilig ako!" sigaw ko.

"Miss, hindi ka nananaginip. Ayos ka lang ba? Natamaan kita ng bola kanina pero mukhang naapektuhan ng bola ang utak mo. Dadalhin na kita sa clinic" napatigil ako sa paglalakad nung magsink-in sa utak ko ang mga sinabi niya. Nung marealize ko kung gaano ako nakakahiya, agad akong bumitaw sa kanya at nag-bow. Pakiramdam ko tuloy namumula ako sa sobrang kahihiyan.

"Naku. Pasensya na po. Nakakahiya ako" paghingi ko ng pasensya sa kanya. Nakita ko namang napakamot batok siya bago ngumiti sa'kin. Myghad!!! Heart melting.

"'Di ba dapat ako ang humihingi ng pasensya dahil ako ang nakatama sa'yo ng bola? Pasensya na" mas lalong natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Napatitig ako ng maiigi sa kagwapuhan niya.

"Natatakot ako sa tingin mo" napakurap-kurap ako sa kanya. Nang magsink-in 'yun sa utak ko ay agad akong napaiwas ng tingin.

"Pasensya na" ano ba naman Chrysanthe? Doble doble nang kahihiyan ang ginagawa mo! Nakakahiya na talaga. Jusko. Lamunin na sana ako ng lupa.

"Okay lang. Mukhang ayos ka na! Baka may masakit pa sayo. Sabihin mo lang" napailing-iling ako sa kanya.

"Hindi. Okay na ko" nahihiya ko pa ring sagot.

"By the way, I'm Chrysler Lopez. 18 years old from Architecture. Puntahan mo 'ko 'pag may masakit pa sayo ha? Sasamahan kaagad kita sa clinic" pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang mga kamay. Myghad. Sobrang ganda rin ng boses niya. Nakakainlove. Nag-nod ako sa kanya. Akmang kukuhanin ko na ang kamay niya ng may biglang humatak sakin. Ano bang—

"Hi. Ano nga palang pangalan mo, Bro?" nanlaki ang mata ko sa narinig ko. 'Yung mokong na 'yun. Agad ko siyang tiningnan ng masama. Agad kong hinatak pabalik ang kamay ko pero ayaw niya talagang bitawan. Namumula na 'to sa sobrang higpit nang pagkakahawak niya.

"Oh, Sorry. I'm Chrysler Lopez" magalang na pagpapakilala ni Bebe at inilahad din ang kamay niya. Tiningnan lang 'yon ng walang pusong Craige na 'yun.

"Whatever. Nice to meet you but sorry because this girl is mine..."

...

A.N. Awuuu! Kinikilig ako. Sana all. I wish I can be you, Chrysanthe.

Enjoy reading.

Please don't forget to Vote, Comment, and Recommend this story. Lovelots.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now