Chapter Seventeen

24 1 0
                                    

Secret Words

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"Read page 17 silently" utos ng aming prof. sa Arts. Agad naman kaming sumunod.

"Now, the blah blah blah" hindi ako makapagfocus sa sinasabi ng prof namin sa kakaisip ng mangyayari mamaya.

Sana 'wag pang mag-time. Sana 'wag pang mag-time. Sana 'wag pang mag-time. Sana 'wag pang mag-time.

"Hoy. Ayos ka lang?" napatalon ako sa gulat. Nakita ko si Jennille na nakatingin sa akin ng may pagtataka. Tinanguan ko siya.

"Bakit parang namumutla ka?" tanong niya. Umiling-iling lang ako sa kanya.

"Kinakabahan ka ba mamaya?" napatango-tango ako sa kanya bilang sagot.

"Ayy! Kaya naman pala. Ayaw mo nun? Ang swerte mo kasi si Craige-ang sikat na badboy sa university ang tuturuan mo at makakasama sa buong break time mo. Dapat magdiwang ka" naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

"Naku po. Jusko! 'Yun na nga ang ikinatatakot ko eh. Si Craige-ang pinakasikat na BADBOY sa university natin at isa siyang dakilang mokong!" reklamo ko at ipinagdiinan ang salitang badboy.

"Bahala ka na nga. Basta good luck na lang sa'yo" saad nito at tinapik nag balikat ko. Napatango na lang ako.

Sana 'wag pang mag-time. Sana 'wag pang mag-time. Sana 'wag pang mag-time. Sana 'wag pang mag-time.

Jusko! Kahit paulit ulit kong sabihin 'yon sa sarili ko ay hindi pa rin ako mapanatag.

*KRINGGGGG*

Kumalabog ang puso ko sa kaba nung marinig ang bell na tumunog.

"Okay class–" agad kong pinutol ang sasabihin ni Sir.

"No!!!!" sigaw ko at agad na napatayo. Napatingin sa akin ang lahat.

"Is there any problem, Miss Landicho?" narealize ko ang katangahan ko at napatungo.

"Wala po, Sir. Pasensya na po" paghingi ko ng pasensya. Napatawa ang lahat ng kaklase ko. Napahiya na ako dahil sa pag-iisip ko sa mokong na 'yun. Kainis!

"Silence. Okay class, dismiss" pagpapaalam ni Sir at umalis.

"Anong nangyari sa'yo, Chrysanthe?" tanong ni Jennille. Napabuntong hininga na lang ako.

"Wala" tanging naisagot ko at kinuha ang gamit ko. Nagpaalam na ako kay Jennille at umalis. Nagsimula akong maglakad papunta sa library. Napadaan ako sa soccer field at nalungkot ako nang makitang walang naglalaro. Wala si Chrysler.

°^°

"Hey. You're that girl, right?" napatalon ako sa gulat nung may narinig akong boses. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang anghel sa buhay ko. May hawak itong soccer ball at nakangiti pa. Sobra ang kagwapuhan niya talaga.

"Chry-chry-chrysler!" naibulong ko. 'Yung puso ko patuloy sa pagkalabog lalo nung nginitian niya ako.

"Ako nga. Buti naman at natandaan mo ako. Pasensya na kasi hindi ko alam ang pangalan mo. Kinuha ka kasi nung boyfriend mo" namilog ang mata ko sa sinabi niya.

"Huh? Anong boyfriend ang sinasabi mo d'yan?! Humingi nga ako ng tulong sa'yo tapos tumunganga ka lang" inis na singhal ko sa kanya.

"Ayy. Pasensya na. Let's start over again. I'm Chrysler Lopez, you are?" tanong niya sabay lahad ng kamay niya.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon