Chapter Twenty Three

16 1 0
                                    

Suyo Move No#3

Warning: Matured Scenes 'ata. Slight lang namans. Basta!! Nagwarning ako ah!!!!

(Eliana Anne Sarmiento's POV)

Nawawalan na ako ng pag-asa dahil ni hindi man lang ako pinapansin o tinitingnan man lang ni Jason. Napakapusong bato! Huhuhu. I need help!!

"Hoy, Uda! Kain na. Baka pumayat ka n'yan" pang-aasar ni Chrysanthe. Tiningnan ko lang siya at hindi inintindi. Jason!!!

"Hey there" napasigla akong bigla nung marinig ang boses ni Craige dahil alam kong kasama niya si Jason. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Jason at inayos lang nito ang salamin nito habang nakatingin sa malayo. Ni hindi man lang ako matingnan. Agad akong hinampas ang lamesa at lahat ay napatingin sa akin pero bakit ganun? Ni hindi man lang siya natinag o tumingin man lang kahit sandali.

"May nangyari ba, Eliana?" napatingin ako kay Chrysanthe at inaamin kong papaiyak na ako. Agad ko siyang niyakap at umiyak na parang bata. Eh ano?! Nasasaktan ako eh!

"Huy? Anong problema?" tanong niya. Mas hinigpitan ko ang pagyakap.

"Chrysanthe!! Si Jason!! Hindi ako pinapansin!!" reklamo ko.

"Eh? Anong gagawin ko? Ayun si Jason oh. Kausapin mo" mas napahagulhol ako sa pag-iyak dahil sa sagot niya.

"Eh ayaw nga akong pansinin eh!!" reklamo ko ulit. Napabuntong hininga siya. Nagulat ako nung ilayo ako bigla ni Craige sa pagkakayakap kay Chrysanthe.

"D*mn you, girl. Jason!! Fix this!! Get this girl out of my sight" reklamo at utos ni Craige kay Jason. Napatingin naman si Jason at napailing-iling. Inayos niya ang salamin niya at ipinatong ang tray ng pagkain niya sa lamesa. Agad itong lumapit sa akin at hinila ako papatayo at papalapit sa kanya. Nagsaya naman ang puso ko. Nung malayo na kami ay napatili ako. 

"Kyahhhhh!!!! Hawak ni Jason ang kamay ko!!!" sigaw ko sa tuwa at pinunasan ang mga luha ko gamit ang isa ko pang kamay. Napatigil naman si Jason at napaharap sa'kin. Sorry. Showy ako at prangka eh. Nung humarap siya ay kaagad ko siyang niyakap at pinadama sa kanya ang dibdib ko. Syempre, isa ako sa nabiyayaan at mayro'n akong katamtamang dibdib. Agad ko siyang tininingnan ng seducive with matching kagat-labi effect.

"Jason, galit ka pa ba sa'kin?!" seducive at malambing na tanong ko and then naglip-bite ulit. Hihihi.

"Anong ginagawa mo?" nadismaya ako nung wala man lang epekto sa kanya ang ginawa ko. Hanueee ba 'yan?!! Nakakainis. Bading 'ata 'to dahil tiningnan niya lang ako ng blanko. Hay naku po! Ang hirap pala nitong pinasok ko.

"Hmmp. Ang hirap naman nito! Galit ka pa ba sa'kin?!" medyo inis na tanong ko. Napahawak siya sa noo niya at cold akong tiningnan.

"Can you please don't go near me again. This is the last. It's irritating!" namuo na naman ang luha ko sa cold na sinabi niya. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko at napahagulhol na naman ako nung bitawan niya ang kamay ko.

"Kyahhhh! Ayaw na sakin ni Jason ko! Huhuhu. Kyahhhh!!" sigaw ko at lumupagi sa lupa. Doon ako nag-iiyak. Napalamukos naman siya ng mukha niya sa ginawa ko. Halatang iritable siya. Bahala siya. Kainis din kasi siya eh.

"Can you please shut your mouth" gigil na gigil na sabi niya pero dahil pasaway ako, mas nilaksan ko pa ang pag-iyak. Bahala siya diyan.

"Kyahhh!! Maghanap na lang kaya ako ng bago!!! Ayaw na sa'kin ni Jason ko eh!!! Kyahhh!! Si Euri na lang kaya!!" sigaw ko ulit. Oo. Nang-aasar talaga ako. Inaasar ko siya lalo. Tingnan ko lang kung matanggihan niya pa ako. Hihihi.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora