Chapter 41

27 1 1
                                    

What if's

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"Nakauwi na ko!!" masayang pagbati ni Ate Charlene. Wala pa rin si Craige. Maggagabi na eh.

"Welcome home, Big Sis" pagbati ko pabalik atsaka niyakap siya.

"Si Craige?" tanong niya nung maalpasan na namin ang isa't isa mula sa pagkakayakap.

"Ahmm. Umalis po siya..." malungkot na saad ko. Nang manahimik bigla si Ate Charlene ay kaagad akong bumawi.

"Pauwi na din po siguro 'yun!" kunwari masayang pagbawi ko. Napatungo ako nung tingnan lang ako ni Ate Charlene.

"'Yung totoo, sa'n siya pumunta? Nag-bar na naman ba siya?" galit na tanong ni Ate.

"Ewan ko po talaga. Wala po akong alam. Ang tanging paalam niya lang po ay aalis siya pero sinabi niya rin naman po na uuwi agad siya. Kaya don't worry na po!" pagpapakalma ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti at nagkibit balikat.

"Well. Kung sabagay, may point ka naman diyan. Halika at dapat magkaroon din tayo ng bonding lalo pa't ikaw naman ang mapapang-asawa ng kapatid ko" pagyayaya niya sabay pulupot ng kamay niya sa'king braso. Eh??

"Naku. Hindi pa po sure na ako nga ang mapapang-asawa ni Craige!" pagkontra ko pero hindi niya ako pinansin at hinatak lang papunta sa kwarto niya.

Ni-lock niya ang pinto at diretsong umupo sa kanyang upuan na may mga make-up na nakalagay sa table. Basta 'yun. 'Di naman ako gumagamit niyan eh. Nagpolbo polbo pa siya. Basta pulbos 'yon na nakalagay sa bilog na lalagyan.

"So, magkwento ka na. Anong sinasabi mo na hindi ka sure kung kayo nga ni Craige ang magkakatuluyan sa huli? Ayaw mo ba sa kapatid ko?" sunod sunod na tanong niya.

"Naku hindi naman po sa gano'n, Big Sis!" sagot ko.

"Kung gano'n, ano?" tanong niya. (°ロ°٥) Susme!!! Para akong nasa interview. Shemay na 'yan.

"Mahal ko po si Craige" panimula ko.

"Oh tapos?" saad niya at nagpatuloy sa paglalagay ng pulbos.

"Pero...pero hindi ko alam kung mahal pa ba ako ni Craige..." mahina kong pag-amin. Nakita ko siyang natigilan at isinarado 'yung lalagyan ng pulbos niya.

"Anong ibig mong sabihin?" paglilinaw niya pero nanatili akong tahimik.

"Paanong hindi ka na mahal ng kapatid ko, eh patay na patay 'ata 'yon sa'yo" pang-aasar niya pa pero hindi ako natawa kahit kaunti. Iniisip ko na kung hindi na nga ako mahal ni Craige, ano nang mangyayari sa buhay ko? Paano kung malaman ko ang masakit na katotohanan na 'yon? Natatakot ako. Ayaw kong mangyari 'yon? Ayaw kong makita na kasama niya ang ibang babae. Isa 'yung bangungungot.

"Hoy!!! Li'l sis. Don't worry, okay? Tandaan mo na siya ang BB mo di'ba? Atsaka hindi ka naman nun susunduin doon sa probinsya niyo kung hindi ka niya mahal di'ba?" pagpapagaan ng loob ni Big Sis. Tumango ako sa kanya at ngumiti ng peke. Kailangan maiba naman ang usapan. May point naman din siya eh. Mahal pa rin siguro ako ni Craige.

"Erase na natin ang usapan tungkol sa inyo. Hihingi sana ako ng payo sa'yo, li'l sis!" malungkot na kwento niya.

"Ano naman po 'yun, big sis?" pag-aalala ko. Bigla siyang mas lalong lumungkot.

"Eh kasi... Kanina, I saw my boyfriend with another woman..." Σ (゚Д゚;) Naspeechless ako sandali.

"HUH?!" 'di makapaniwalang tanong ko. Boring niya akong tiningnan.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon