Chapter Thirty Five

16 2 0
                                    

Knowing You

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

Lalalalalalalalalalalalala...

Pupuntahan ko si BB ko ngayon. Hihihi. Corny na kung corny. Bawal kumontra. Mga panget ang kokontra. Charotttt. HAHAHA. Sakto kasi nakita ko ang BB ko na kasama ang mga mokong niyang kaibigan. Mukhang pupunta sila sa secret base. At dahil gusto kong surpresahin siya, hindi ko muna siya tinawag at tahimik na sinundan sila.

Pumasok sila sa loob at nilock 'yung pinto. Agad kong idinikit ang tenga ko sa pintuan at pinakinggan sila.

"Oy, luko luko. Kamusta na ba ang pagiging possessive mo dun sa asawa mo?!" natawa ako sa pang-aasar ni Craige kay Charlestin. Alam kong siya ang inaasar kasi sila lang naman ang mag-asawa ni Quacey sa grupo eh.

"Hoy!!! Pake niyo ba ha?! At least asawa ko naman siya ah!!" pagdedepensa ni Charlestin at mukhang guilty siya. Napahagikhik naman ako sa usapan nila.

"Edi shinggggg! Asawa pa more!!! Gunggung!!!!" pang-aasar ulit ni Craige. Narinig ko naman ang tawanan ng mga mokong.

"Hey. You can't call me like that. Only my wife can. Atsaka bakit ba lagi na lang ako ah?!! Eh si Jason nga eh, kunwari pa nung una na ayaw dun sa sexy na babaeng 'yun pero bibigay din pala!!" narinig ko namang tumawa sila.

"Sexy'ng immature pala ang nais!!" sabay na pang-aasar nina Craige at Charlestin kay Jason. Agad na tumikhim si Jason.

"Ehem! Shut up, morons!!" mukhang nahihiya rin ata si Jason. HAHAHA. Nakakatuwa talaga ang mga mokong na 'to.

"Eh 'yung isa nga diyan eh, pahihirapan daw pero nainlove naman pala" natahimik ako dun. At mukhang sila rin. Anong ibig sabihin ni Charlestin do'n?

"Hmmm. Kung sabagay tama ka d'yan, Charlestin. Nag-iisip ka na pala ngayon, akala ko ay wala kang utak eh" hindi ko nagawang tumawa sa sinabing 'yon ni Jason. Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa bagay na ito? 'Yung puso ko ay 'di mapakali.

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

Iba ang tibok nito. Tibok ng kaba.

"Oo nga, Craige. Akala ko ba paglalaruan mo lang si Chrysanthe? 'Wag mong sabihin na pati ang pagiging magsyota niyo ay isa rin lang na palabas? Kung gano'n, isa 'tong napakagaling na laro"

√\/\/\/\/\/\/\/\––––––––√\/\/\/\/\/

Parang tumigil ng sandali ang pagtibok ng puso ko.

"Whatever. Nice to meet you but sorry because this girl is mine"

"Pero ano, Miss Landicho?"

"Kaya ka pala nagtatagal dahil nandito ka lang"

"Did I say so? Tumabi ka. Kung ayaw mong makita ang hinahanap mo, tumabi ka"

"Let's go at halikan mo na ako"

"Then, don't tutor me. Instead you should inspire me. Have the way to inspire me, Miss Landicho. Have the way"

"Babae ka ba talaga o lalake?"

"Hindi naman kita inaasar kapag tinanong kita ng gano'n dahil para sa'kin hindi ka lalake. Isang expression lang 'yun na kakaiba sa magandang paraan. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Isa kang babaeng..."

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon