Chapter Thirteen

23 1 0
                                    

Project Seducing Jason Dela Vega

(Eliana Anne Sarmiento's POV)

Pagkaalis ng lahat ay agad akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Agad akong tumakbo para habulin si Jason. Desidido na 'ko. Nakapagpasiya na rin ako. Alam kong siya 'yon.

Nagtatakbo ako ng mabilis para habulin ang apat na badboys. Finally, naabutan ko rin sila! Nakakahingal. May heels kasi 'tong black shoes ko. Hindi pa wedge ang heels nito kaya sobrang sakit sa paa. Napatingin ako sa kanila.

"Fafa Craige! Ang hot mo lalo na kung walang polo!" sigaw nung bakla sa gilid. Kumindat naman si Craige at inihagis yung polo niyang binaboy na ni Chrysanthe. Sanay na sanay sila sa atensyon. Nag-unahan naman 'yung mga sangkabaklaan at kababaihan sa pagkuha nung polo ni Craige. Kung alam lang nila. Nakakaawa naman sila. Akmang aalis na sana ulit sila nung tawagin ko.

"HOY! KAYONG APAT NA BADBOYS! OO! KAYO NGA. TIGIL!!!" sigaw ko na nagpatigil sa kanila at nagpatahimik ng sandali sa mga tao sa paligid. Nagsitinginan silang lahat sa'kin.

"Omg. Di'ba siya 'yung parating kasama nung nambugbog kay Fafa Charlestin?" bulong ng isang haliparot na babae. Jusko. Chismakers!!!!

"Oo nga. Pero ano namang ginagawa niya dito? Tingnan mo siya. Nakakaani at sobrang cheap" nairita ako sa sinabing 'yon nung isang chismakers. Agad ko silang nilingon at sinamaan ng tingin.

"HOY KAYONG MGA CHISMAKERS KAYO! MAGSITIGIL NGA KAYO DIYAN KUNG GUSTO NIYONG MABUHAY. BAKA PADUGUIN KO YANG MGA LABI NIYO. AT SINONG CHEAP NA SINASABI MO?! HOY! BAKA ISUPALPAL KO SAYO 'TONG MAMAHALIN KONG BAG AT SAPATOS EH!" inis na sigaw ko. Agad naman silang nagsitahimik. Ibinalik ko ang tingin ko sa apat na ito. Nakatingin lang sila sa'kin na para bang hinuhusgahan ang buo kong pagkatao pati na ang kaluluwa ko. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

"What do you need?" cold na tanong ni Craige. Hoy, porket wala dito si Chrysanthe ganyan ka na? Jusko talaga 'yung mga tingin nila. Para nila akong kakainin ng buhay. Pati na 'yung mga awra nila? Sobrang dilim at lamig. Huminga ako ng malalim para matanggal ang aking kaba. Agad kong itinuro si Jason.

"Siya! Ikaw, Jason Dela Vega! Kailangan kitang makausap!!" 'yung boses ko ay parang manggigiyera eh. Susmiyo.

Tiningnan ako ni Jason diretso sa aking mga mata. 'Yung tingin niya talaga ay nanghuhusga at nangmamaliit. Para bang nilalamon na ako nito dahil sa sobrang lalim. Shettt! Pa'no nakakatagal si Chrysanthe sa ganito? Susmiyo. Chrysanthe's spirit, lapitan mo ako. Hindi! Saniban mo na ako kung pwede lang.

"What do you need?" cold na tanong niya sa akin. Napalunok ako bago magsalita.

"Ikaw malamang! Kasasabi ko lang kanina di'ba?!" iritableng sagot ko. Inayos niya ang salamin niya gamit ang kanyang hintuturo. Habit niya siguro 'yon.

"Ano, Bro? Iwan ka muna namin? 'Wag mong sabihin na hindi mo kayang i-manage ang isang babae?" may panunuya sa boses nitong si Charlestin. Tiningnan niya ng masama ang mga ito.

"Just go. I can easily handle these kind of things" iritableng saad niya atsaka muling inayos ang kanyang salamin. Nagkibit balikat lang ang mga kasamahan niya bago umalis. Naiwan naman kami ritong dalawa.

"Now, talk! You only have five minutes to talk!" maawtoridad nitong utos.

"Ahm. Ano kasi. Jason uhm. Pa'no ba 'to? Kasi uhm—" naputol ang sasabihin ko nung magsalita siya.

"Just go straight ahead to the point. You're wasting my time" iritableng saad nito. Nainis naman ako sa ugali niya. Aalis na sana siya nang hatakin ko ang braso nito at paharaping muli sakin. Agad ko siyang kinuwelyuhan at tinitigan ng diretso sa mata. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya bago magsalita.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now