Chapter Eighteen

21 1 0
                                    

Mysterious Guy

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

Uwian na after so many years. Charoot. Uwian lang!

"Hey, I'll walk you home" napatingin ako sa nagsalita. Binigyan ko siya ng boring na mga tingin.

"Che!! 'Wag na! Kaya ko ang sarili ko. Iwan mo na nga akong mokong ka" inis na pagtataboy ko sa kanya. Nagpout naman ito at nagpacute. Ogag ang lalaking 'to.  ̄へ ̄

"Please?!!!" pagpupumilit niya. Tiningnan ko lang ulit siya.

"Hindi!!" pagmamatigas ko.

"Hoy uda! Hayaan mo na siya. Hala ka! Baka mamaya ma-rape ka sa daan, walang magtatanggol sa'yo kasi wala kami" napairap ako kay Eliana sa sinabi niya. Pano ba naman, si Quacey kasi hindi na sumasabay sa'min sa pag-uwi at si Ate Celosia may importante daw na tatagpuin. Si Eliana naman didiskartehan daw si Jason. Ang mga p*tek na mga Uda kong kaibigan!

"Huh? May maling tao na magtatangkang rape-in 'yan? Matakot sila sa maaaring gawin sa kanila ng babaeng 'yan" naningkit ang mata ko sa pang-aasar ng mokong na 'to. Kilala niyo na kung sino—si Craige. Kanina nagpupumilit na sumabay sa'kin pauwi. Agad ko siyang piningot.

"Halika ng mokong ka. Humanda ka sakin sa daan!!" inis na singhal ko sa kanya atsaka kinaladkad siya.

"Aray. Aray. HAHAHA" nasasaktan ba 'yan? Eh tumatawa naman. Nang-aasar na naman siya. Agad ko siyang binitiwan at nagmadaling maglakad.

"Hey, wait! Amazona! Wait for me!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad. Para na nga akong tumatakbo eh. Pumasok ako sa isang eskinita pero mali 'ata ang napasukan ko dahil may rambol dito. Patay na 'ko!

"Pasensya na po. Hindi na namin uulitin. Pasensya na po" pagmamakaawa nung isang nakadapa na sa sobrang bugbog. 'Yung puso ko ay kumalabog sa kaba. Nanonood ako ng live na bugbugan. Nag-iisa lang ang nakatayo at lahat ay tumba. Jusko po! Anong nangyari dito?

"Remember our rule. Rule number one, don't ever mess with the Red-Eyed Eagles. And that's us. You disobeyed the rule. Run for your life" nanayo ang balahibo ko sa narinig ko. Napaatras ako pero aksidente kong natapakan ang isang balat ng plastic. Agad na napalingon sila sa'kin. Halos mamatay ako sa kaba nung humarap ang lalaking nagsalita kanina ng mga nakakatakot na salita. Nakamaskara ito at kita ang mga matang pula. Malademonyo 'yon. At ang mga kamay nito ay may dugo pati na ang damit nito. Nakakatakot. Sobra ang kaba na nararamdaman ko. Naninigas na ako sa takot lalo pa nung unti unti at dahan dahan siyang lumapit sa akin. Napaupo ako sa sobrang takot. Jusko po! Napapikit ako nung maramdamang nasa harap ko siya.

"I know you" mas lalo akong kinabahan nung sinabi niya ang mga salitang 'yon. Kilala niya ako? Pa'no? Kusang napamulat ang mata ko at kahit nanginginig sa takot ay pilit na tiningnan ko siya sa mga mata. Walang expression ang mga matang 'yon. Nakakatakot na para bang lalamunin ka kada isang maling galaw mo.

"Run. You're not one of my enemy. Run" utos nito gamit ang malalamig niyang boses. Pakiramdam ko ay narinig ko na ang mga boses na 'yun. Imbis na tumayo at tumakbo, hindi ko maikilos ang katawan ko sa sobrang takot.

"Touch her and you'll die" napatingin ako sa nagsabi nun. Napaiyak ako sa tuwa nung makita si Craige. Masaya ako dahil may magliligtas sakin. Magkatitigan lang silang dalawa na tila ba kilala nila ang isa't isa.

"Touch her and I'll make sure, you'll suffer" nakakatakot na pagbabanta ni Craige. Bakit parang parehas silang demonyo ngayon?

"Craige Aiko Buenavista. The leader of Blue-Eyed Falcons. What a coincidence?!" sarkastikong sabi nung lalaking pula ang mga mata. Magkakilala sila? Ano bang nangyayari?

"Hmmm? You know me but also, what a coincidence because I don't know you. One thing is sure, you came from our enemy's group, right?" sagot ni Craige. Napalunok ako sa mga nakakatakot nilang tanungan.

"You have no debts to me so I'll bid a goodbye. Goodbye" bago ito nagpaalam ay nagulat ako nung hawakan niya ang kamay ko at halikan. Pagkatapos nun ay nagpalabas siya ng smokescreen at naglaho na lang bigla. Naiwan akong tulala dito. Sino ba siya?

"Amazona? Are you alright?" tatakbong lumapit sa akin si Craige at tiningnan kung may sugat ako. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi namalayang may mga luha nang lumalabas sa mga mata ko. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"I'm scared!" bulong ko sa kanya. Niyakap naman niya ako pabalik.

"Don't be scared. I'll protect you" pakiramdam ko ay naging safe ako sa sinabi niya.

"Who is he?" tanong ko at umalpas sa pagkakayakap. Tiningnan niya ako ng matiim at pinunasan ang mga luha ko.

"It doesn't matter. Let's go. I'll walk you home" malambing na turan niya at binuhat ako ng "bridal carry". Napahawak na lang ako sa batok niya at sumandal sa dibdib niya. In fairness, ang bango niya. At nung maamoy ko siya ay kuntento na ako at palagay ang loob ko. Nakakatakot ang mga matang 'yon. Kulay pula. Pero bakit sinabi niyang leader ng Blue-eyed Falcons si Craige? Ano ba 'yon? Gang? Bakit blue-eyed falcons ang name? Andaming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon. Naguguluhan na ako. At isa pang naguguluhan ako. Bakit ko hinayaang buhatin ako ng mokong na 'to?!! Nung makabawi ako ng lakas ay agad akong nagsalita.

"Hoy!! Ibaba mo na nga akong mokong ka! Sinong nagsabi na buhatin mo ko ha?!" reklamo ko. Agad siyang napatingin sakin. Sinamaan ko siya ng tingin kung kaya't ibinaba naman niya agad ako.

"What's your problem, woman? Eh kanina nga may pasabi sabi ka pa d'yan ng 'I'm scared' tapos ngayon? Iyan lang ang igaganti mong pasasalamat" pang-aasar niya. Agad ko siyang sinuntok sa braso.

"Hoy! 'Wag mo kong inaasar-asar d'yan ah!" saway ko sa kanya. Napahawak naman siya sa braso niya.

"Wow ha?! Eh kanina nga nanginginig ka pa dun sa lalaking 'yun eh" panunuya niya ulit.

"Hoy! Hindi ako nakagalaw kanina kasi feeling ko, ang gwapo gwapo niya tapos nung hinalikan niya ako sa kamay. Grabe! Kinikilig ako!" pagsisinungaling ako. Napansin ko agad ang pagdilim ng mukha niya.

"Really? Kinilig ka na dun? Eh kung ipakita ko kaya sa'yo ulit 'tong abs ko, edi nangamatis na 'yang mukha mo" namula ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang pinaghahampas sa katwan.

"Pervert!!!" sigaw ko pero tawa lang siya ng tawa.

"Uy!! Chumachansing ka lang sa'kin eh. Gusto mo lang mahawakan 'tong abs ko eh!" namilog ang mata ko sa pang-aasar niya. Agad akong lumayo sa kanya.

"Hoy!! Sino ka ba sa akala mo?! Eh ang pangit pangit mo! Atsaka, sino namang magkakagusto sa'yo, eh ang manyak manyak mo!" sigaw ko sa kanya with matching duro duro pa. Tinawanan lang ako ng mokong.

"Kung ganon? Bakit namumula ka na d'yan?!" napahawak ako sa pisngi ko at tama siya dahil nag-iinit ang mga ito. Agad akong tumalikod sa kanya at pinakalma ang sarili ko. Jusko po. Bakit ganito ang lalaking 'to? Nung maramdaman kong kumalma ako at agad akong humarap sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Lalapit na sana ako nung bigla akong madulas. Malalaglag na sana ako nung saluhin niya ako. At dahil sa pagsalong 'yun ay halos magkadikit na ang mukha namin.

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

Bakit ganito ang puso ko?! Help me. Isang maling galaw at mawawala ang first kiss ko. Agad kong ibinaling ang ulo ko sa ibang direksyon.

"Uhmm-A–lis na. Pwe–de ba?" utal utal kong utos sa kanya. Agad naman siyang lumayo at binitawan ako.

"Uhmm–So–rry" teka? Nahihiya din ba siya. Parehas kaming hindi makatingin sa isa't isa.

"O–o!" tanging sagot ko. Jusko. Ackwardness on go. Pero 'tong puso ko? Ayaw pa ding magpaawat.

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

...

A.N. Ayieeee. Kasweet. Sana ol. Akin na lang si Red Eye para happy tayo. Charott. Magseselos kasi 'yung isa diyan. Sorry for incorrect grammars.

Enjoy reading!

Please don't forget to Vote, Comment, and Recommend this story. Lovelots.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now