Chapter Twenty Seven

19 3 0
                                    

The Trap

Warning: Typo and Grammar errors ahead. Enjoy reading.

(Craige Aiko Buenavista's POV)

"Bakit naging blue ang mata mo?" tanong ni Amazona.

"Syempre nagcontact lens" pilosopong pagsagot ko. Tumango-tango siya na para bang iniintindi pa rin ang mga sinasabi ko.

"Eh bakit kailangan nakamaskara pa kayo?" tanong niyang muli. Kanina pa siya nagtatanong.

"Para maitago ang hitsura namin. Bawal nila kaming makilala" sagot kong muli.

"Ganon ba 'yon? Eh di'ba kilala ka na nung lalaking nakita natin?" naningkit ang mata ko sa mga tanungan niya. Nakakainis na rin ang babaeng 'to.

"Okay lang 'yon. Basta! Trip naming magmaskara!" iritableng sagot ko.

"Ahh. Okay na 'yun kasi baka mamaya may babaeng kasapi 'yung kabilang grupo tapos nakita ang mukha mo, mainlove pa..." kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Nawala na rin ang inis ko. Pakiramdam ko ay mas gusto ko pa ngang magtanong siya ng magtanong eh.

"Baka mainlove pa 'yun sa'yo, edi kawawa naman 'yon kasi mokong ka" napahawak na lang ako sa noo ko. Ano pa nga bang aasahan ko sa babaeng 'yan?

"Craige, alis na tayo" pagyayaya ni Charlestin. Tinanguan ko siya at tiningnang muli si Amazona.

"'Wag kang mag-iingat ah" napangiti ako kay Chrysanthe. Nakakatawa talaga siya. Agad akong nagsalute sa kanya.

"Yes po, commander!" masigla kong sagot. Ngumiti naman siya at tumango-tango. Kinuha ko sa bulsa ko ang relo niya at ibinigay ito sa kanya.

"'Yung relo mo. Nakalimutan kong ibalik eh" pagpapalusot ko. Ayaw ko talagang ibalik 'yun dahil pakiramdam ko ay lucky charm ko 'yun. Nagulat ako nung ibalik niya ito.

"Sa'yo muna 'yan! Ibalik mo sa akin pagkatapos ng laban mo. Gusto ko buhay ka kapag ibinalik mo 'yan ah at syempre dapat ikaw ang magbabalik" napangiti ako sa kanya. Nagsalute ulit ako.

"Yes po, Commander!" sagot ko atsaka itinago ang relo niya. Nagpaalam na kami at umalis. It's for her. Ready yourself, Red-Eyed Eagles because Falcons are coming...


(Chrysanthe's POV)

"At ngayon, kailangan nating mag-usap usap" panimula ko nung umalis ang mga boys.

"Tungkol saan naman?" tanong ni Quacey. Boring ko siyang tiningnan.

"Magkwento ka tungkol sa inyong dalawa ni Charlestin" diretsang sagot ko na dahilan para mapatingin din sina Celosia at Eliana sa amin.

"Oo nga. Ano bang meron sa inyo at bakit sobrang close na kayo? Hindi ko naman kayo nakikitang magkasama ah" paggatong pa ni Eliana.

"Gusto ko din 'yang malaman" seryosong usal ni Ate Celosia habang nagbabantay sa may bintana. Nakita ko namang namawis si Quacey. See? May itinatago siya sa amin.

"Kasi. Ano eh. Ahmm" ni hindi man lang niya masabi.

"Ano nga 'yon? Diretsahin mo na kami!" inip na inip na tanong ni Eliana. Humugot siya ng lakas ng loob atsaka nagsalita.

"'Wag kayong magugulat ah" panimula niya. Tumango tango kami.

"Mag-asawa na kami—" agad naming pinutol ang sinasabi niya at napasigaw dahil sa pagkabigla.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon