Chapter Thirty Nine

19 1 0
                                    

You between us

(Celosia Joy Vidallon's POV)

"KAPATID KO!!!!" halos masira ang eardrums ko sa tili ni Ate.

"Ano ba 'yun, Ate Hannah?" iritadong tanong ko. Kanina pa kasi siya nangiisrtorbo eh. Nagbabasa nga ako ihhh!!! Kakainis lang. May pakalbit kalbit pa talaga siyang nalalaman. Nakakainis na talaga. -_-

"SI LYRICS KOOOO!!!" isa pang tili niya.

"Uh-huh. Ano namang meron sa kanya?" boring na tanong ko. Hindi naman talaga ako interisado eh. Kanina ko pa talaga gustong sabihin na wala akong pake kaso baka bawiin niya lahat ng libro na binigay niya sa kin eh. Mahirap na.

"Kasi. Ano. PUMAYAG NA SIYANG MAKIPAGKITA ULIT SA'KIN. AT GUESS WHAT?" excited na excited na kwento niya.

"Uh-huh? What it is?" boring ko ulit na tanong sabay lipat ng pahina ng binabasa kong libro.

"DITO SA BAHAY NATIN KAMI MAGKIKITA!!! PUPUNTA SIYA DITO!" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Padabog kong isinarado ang librong binabasa ko at ipinatong ito sa study table ko.

"Seriously, Ate? Dito sa'tin?" iritadong tanong ko.

"Uh-huh!" masayang sagot niya habang abala na namimili ng damit na susuotin niya sa kanyang closet. Tss. Ang babaysot na 'to talaga. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Pero, Ate! Dito talaga? Ayaw ko ngang makita ang kadramahan niyo!!" reklamo ko.

"Hayaan mo na. Mabuti nga at umalis sina ina at ama eh. Pwede kaming mag-usap dito. Pahelp na lang ako oh. Ikaw na lang maghanda ng kakainin namin. Please Sis ko? Ibibili ulit kita ng mga libro" panunuhol niya. Talagang pinlano niya 'to. Bwisit na 'yan. Alam niyang hindi ako makakatanggi sa mga libro eh.

"Oo na. Sige, pumapayag ako pero. Pero gusto kong ibili mo ang pinakamahal at pinakagusto kong mga libro!" sagot ko.

"Okiee. Thank you, Sis!" masaya niyang sabi sabay yakap pa. Parang baliw lang. Pinalayo ko siya.

"Oo na. Tama na nga. Maglilinis na ako. Nakakahiya naman sa magiging bisita mo eh. Hayssst!" pagpapalusot ko atsaka umalis. Naglinis ako ng bahay para naman hindi nakakahiya sa "Lyrics" na 'yon. Malay ba natin kung mitikoloso at mataas ang standard no'n. Tss. Ayaw ko talaga sa mga ganoong lalaki. Buti na lang hindi gano'n si Ethan. Hihihi. Kinikilig pa din ako kapag iniisip ang mga nangyari sa'min. Nung isang araw, siya naman ang nagdrawing. Pero hindi ko man lang nakita 'yung drawing niya. Sabi niya ganti niya raw 'yun kasi hindi ko rin daw ipinakita 'yung drawing ko sa kanya. Kapag ready na raw ako na ipakita 'yon, saka niya lang daw din 'yon ipapakita. Andaya niya talaga. Tapos bumili kami ng isang plastic ng bubblegum sa supermarket. Para nga siyang baliw eh. Siya ang namili ng flavor. Gusto niya daw ng strawberry para kakulay ng labi ko. Bwisit na 'yon. Pulang pula ako no'n at sobrang nakakahiya talaga 'yon. Pero mukhang tuwang tuwa pa siya sa pamumula ko dahil tinawanan niya pa ako. Namura ko nga siya no'n eh. First time ko 'yung gawin sa isang tao kaya naguilty ako at agad na nagsorry sa kanya. Hindi niya tinanggap ang sorry ko kasi raw wala lang naman 'yon sa kanya. Natutuwa pa nga raw siya dahil nagpakatotoo ako. Pero kakainis talaga siya no'n. Parang kada ayaw niya na galaw ko, isusumbat niya sa'kin 'yung pagmumura ko.

Certified Blackmailer siya. T_T

"KAPATID KO!!!!" nagulat ako sa tili ng kapatid ko. Boring ko siyang tiningnan. Sinira niya lang naman ang moment ko.

"Oh?" pagalit na sagot ko.

"Okay lang ba itong suot ko?" napataas ang kilay ko to the highest level nang makita ko ang suot niya. Ewwwww. Isang light pink dress na kita ang cleavage at hindi lalagpas ng tuhod. Anong ipinagmamalaki niya?

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now