Epilogue I

35 3 0
                                    

A.N. This is a special chapter but I entitled it Epilogue because I also don't know. Hehe. But enjoy. By the way, this is more on their "paglilihi" days and bonding moments. Hakhak.

As couples

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"CRAIGE!!!" pagtawag ko sa aking magaling na asawa. Naghihikahos itong agad na pumunta sa'kin.

"Yes, mahal? Masakit ba ang tiyan mo? Gusto mo ba na tawagan ko si Dra.?" boring ko lang siyang tiningnan. OA sa pagpapanick? Jusko!!!

"Hindi! Pero dahil sa'yo baka sumakit!" sarkastiko kong saad sa kanya.

"Sorry na, hal! Nag-aalala lang ako!" bahagya akong napatawa sa kanya. Gan'yan ba siya maging ama? HAHAHA. Kakatawa ang hitsura niya eh. Parang siya pa 'yung nagdadalang tao eh.

"Gusto ko ng makopa, hal!" paglalambing ko. Kanina pa kasi talaga ako nagke-crave sa makopa eh! Napa-arko ang kilay ko nung hindi pa siya kumikilos.

"Ano na?!" galit na tanong ko. Nakakahigh blood siya eh.

"Sorry, hal. Pero ano ba 'yung makopa? Hindi ko alam kung ano 'yon eh!" napatitig lang ako sa kanya. 'Yung mukha ko pa ay talagang sinasabi sa kanya na 'Seriously?' gano'n.

"Anong gagawin ko? Gusto mo iexplain ko pa sa'yo kung ano 'yon? Pa'no kapag naistress ako dito at may mangyari kay baby?! Ikaw naman talaga ang mananagot!!" sigaw ko na para bang nangongonsensya.

"Hindi! 'Wag na! 'Wag kang kikilos diyan at baka mapano pa kayo ni baby? Makopa? On your way!" saad niya at nagsalute bago umalis.

HAHAHA. Badboy be like...

(Charlestin's POV)

"Hello?!" iritable kong sagot sa pagtawag ni Craige. Kahit kelan talaga napakaistorbo nito.

"Hello, Charlestin?!!" napakunot ang noo ko dahil sa tense na tense niyang boses.

"Oh bakit?" tanong ko.

"Charlestin, emergency! Tulungan mo ko!" saad niya. Alam ko na 'to.

"Bakit? Nag-away na naman kayo ni Chrysanthe at gusto mong dito ka muna matulog sa bahay namin?" iritableng sagot ko. Hindi pa siya nagsasalita ay nagsalita ulit ako.

"Lilinawin ko lang ah. Ayoko! Napakagulo mo! Pati si Aquilamin, ginugulo mo!" dagdag ko pa.

"Hindi!! Si Chrysanthe!!" nagpapanic ba siya? Parang hindi siya ah. Teka, parang alam ko na 'to. Nangyari na din to sa'kin dati. Daddy alert?!!

"Ano? Nanganak na ba?" tense ko ding sagot.

"Hindi! May gusto siyang hindi ko pa naeencounter sa buong buhay ko!" nadismaya ako sa sinabi niya. Napakababaw na dahilan lang pala. Ito pala ang 'paglilihi alert'!!

"Ano daw 'yon?" boring na tanong ko.

"Makopa daw. Makopa! Ano ba 'yon?!" paulit ulit niyang sagot.

"Ang babaw lang pala ng dahilan mo! Tawagan mo si Lucifer at sabihin sa'yong paalalahanan ka na ginawa ang google dito sa mundo!" sarkastiko kong sagot sabay patay ng tawag.

Kainis talaga ang depungal na 'yon.

"Hon, dadalaw pala ako ngayon kay Chrysanthe, sasama ka ba?" napalingon ako kay Quacey. Hon at Taz ang tawagan namin. Hon is for short in Honeybunch at Taz ay for Tazmenian Devil. HAHAHA. Devilla kaya talaga 'yang asawa ko kapag nagalit.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now