Chapter Thirty Three

19 2 0
                                    

Mysterious Girl

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"Ayieee!!! Sila na!!!" pang-aasar namin kina Eliana at Jason. Kilig na kilig naman itong si Eliana habang nahihiya at namumula naman si Jason.

"Hoy! 'Wag mo nga kaming asarin diyan, Chrysanthe!! Kayo din naman ah! Kayo na nitong si Craige di'ba?!" pang-aasar ni Eliana sa akin pabalik.

"Ayieee! Kunwari pa nung una na ayaw!!" at nagsimula na nga po silang asarin ako. Mga bwiset na kaibigan. Narinig kong bumulong si Craige sa akin. 

"Is it heaven?" patawa-tawa niyang sabi. Inirapan ko siya at kinurot sa tagiliran.

"Manahimik ka diyan! Tulungan mo ako. Nakikisali ka pa sa kanila diyan eh. Tayo ang inaasar dito oh!" singhal ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Ang lakas ng tama ng lalaking 'to.  ̄へ ̄ Sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo na po. Sorry na po, mahal" saad niya at agad na tumayo.

"Shut up you all! Don't talk like that to my commander" dahil do'n ay nagsitahimikan sila kaya napangiti naman ako at naging kampante.

"You can't laugh at her unless it's really funny" nanlaki ang mga mata ko sa dinagdag niya. Napatawa naman silang lahat. Okay. Defeated na talaga ako. Huhuhu. Tulong naman kayo diyan oh!!!!

"Hi, Miss Chrysanthe" napatigil ang lahat at napatingin kami sa nagsalita. Si Chrysler pala! Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko din naman siya pabalik. Tumayo ako at nagwave sa kanya.

"Oy, Chrysler!!" pagbati ko. Alam kong may isang lalaking may nanlilisik na mata ang nakatingin sa amin ngayon pero bahala siya diyan. Lumapit ako at mas lalo pang inasar si Craige sa pamamagitan ng pagyakap kay Chrysler pero umalpas din ako kaagad.

"Kamusta ka na ba, Miss Chrysanthe? Balita ko kasi naospital ka. Pasensya na kung hindi kita nadalaw. Busy lang sa mga practice" paghingi ng pasensya niya. Kung nanligaw lang 'to sakin, siya ang sinagot ko. Charottt lang. Loyal ako sa isa diyan na mokong.

"Naku. Ayos lang 'yon, ano ka ba!" sagot ko at ngumiti.

"Actually may laban kami this Saturday sa kabilang school. Aanyayahan sana kitang manood eh. Kung okay lang?" nahihiya niyang sabi.

"Uhmm—"

"Hindi!" naputol ang sasabihin ko nung kumilos na ang lalaking mokong na mahal na mahal ko. Hihihi. Kaagad niya akong hinatak papalapit sa kanya.

"Hindi siya pupunta. May date kami nung araw na 'yon!" masungit na sagot ni Craige. Agad kong dinakma ang mukha ni Craige at iniurong siya.

"Sasama ako, Chrysler. Dun na lang kami magdedate nitong mokong na 'to. Makakapunta kami!" sagot ko na alam kong ikinakunot ng noo nung nasa tabi ko. Napakamot batok si Chrysler.

"Maraming salamat, Miss Chrysanthe" nahihiyang sabi niya. Ang Wafuuuu!!! Oy, 'wag kayong ano diyan. Sinasabi ko lang ang totoo. Tumango ako at ngumiti.

"Do it again and I'll kill him" nawala ang ngiti ko nung marinig ang bulong ni Craige. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya. Muling nag-bow si Chrysler sa akin atsaka nagpaalam na. Nang tingnan ko si Craige ay habol masamang tingin ito kay Chrysler. Nung tuluyan ng makaalis si Chrysler ay bumalik ito ng tingin sa akin. Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Napairap na lang ako sa kanya.

"Walang masama kung tatanggapin natin ang magandang alok na 'yon ni Chrysler. Isa pa, kaibigan ko na rin siya kaya dapat mo na rin siyang ituring na kaibigan. Hindi sa lahat ng tao ay dapat gano'n ang iasta mo" saway at paliwanag ko kay Craige. At dahil defeated siya, napabuntong hininga na lang siya.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now