Chapter Nine

19 3 0
                                    

No Choice

(Quacey Elizabeth Novicio's POV)

Nakakainis talaga ang Charlestin na 'yon. Napakawalang modo. Hmmp!

*FLASHBACK*

"I don't want to marry that ugly woman!!!" napaawang ang labi ko sa narinig ko. Ugly? The hell. I'm so gorgeous!!! Napahampas ako sa lamesa at tumayo.

"Ah-eh. Pasensya na kayo sa anak ko" paghingi ng pasensya ni Mrs. Arellano kay Ina at Ama. Hindi ko sila pinansin at tiningnan ng masama si Charlestin.

"Hoy lalaki! For your information, hindi lang ikaw ang no choice dito. Sa tabil ng dila mo at sa sama ng ugali mo, sa tingin mo ay gusto din kitang pakasalan?!! Mag-isa ka!!" sigaw ko pabalik kay Charlestin. Napatahimik ang lahat bukod kay Charlestin na ngumiti pa. Itong mokong na 'to!!! Ginagalit niya ba talaga ako?!

"Hoy babae! Ang GWAPO GWAPO kaya nitong mapapang-asawa mo. Mas lugi ako dito oh. Alam mo bang sa dinami-dami nang naghahabol sa'kin diyan, hindi ko lubusang maisip na sa isang kagaya mo lang ako magkakagusto. Pweee" Aba't!!! Napakatabil ng dila.

"Hoy! Ikaw na mokong ka. Sabihin mo nga sa'kin kung nasaan ang gwapo huh? Nasa'n? Nasa'n? 'Di ko kasi makita eh!! Ang nakikita ko lang kasi ay isang gunggong na unggoy!!" pang-aasar ko with matching paglingon-lingon pa para kunwari ay naghahanap.

"Heto ang gwapo oh!!" sigaw niya sabay turo pa sa mukha niya. Napataas ang kilay ko at tiningnan siya ng masama. Nagbalikan kami ng masasamang tingin sa isa't isa. Iniscan niya pa ako at nagsalita.

"Hoy walis tambo ang buhok!! Hindi ko alam kung bulag ka ba o ano eh. Pero, kung hindi mo lang talaga ako nakikita ibig sabihin nun wala ang gwapo. Dahil ang ibig sabihin ng gwapo ay C. H. A. R. L. E. S. T. I. N" napaisip ako dun ng sandali? What? Gwapo siya? Ewww. At anong sabi niya? Ako? Walis tambo?!! Hindi porket buhaghag ang buhok ko ay walis tambo na agad ako. Hmmmp.

"Hoy gunggong! Hindi porket buhaghag 'tong maganda kong hair ay tatawagin mo na akong walis tambo! Kung hindi mo alam ay mas maganda pa ito kaysa dyan sa palong mo!!" sigaw na pang-aasar ko. Bago pa siya magsalita ay pinigilan na kami ng mga magulang namin. Nag-evil smile ako sa kanya at binigyan niya ako ng masamang mga tingin.

"Tumigil na nga kayo! Para kayong mga bata diyan. Sa ayaw at sa gusto niyo ay magiging mag-asawa kayo. Ipapahanda na namin ang marriage contract at WALANG PERO PERO!!!" sigaw ni Mrs. Arellano.

*END OF FLASHBACK*

Nakakainis talaga ang palong na 'yun! Pangit na gunggong! Bwiset. Kainis. Kung hindi lang talaga 'to para sa pamilya ko ay baka walang kasalang mangyayari. Isang SAKMALAN ang tiyak na mangyayari sa'ming dalawa ng gunggung na 'yun.

KINABUKASAN (UWIAN)

"Babye na!" sigaw nina Eliana.

"Hoy uda! Babye na!" pagpapaalam naman ni Chrysanthe. Samantalang si Celosia ay nagwave lang. Nginitian ko sila at nagwave din pabalik. Umalis na sila. Parang ayaw ko pang humakbang dahil alam kong nandoon at naghihintay sina Mr. and Mrs. Arellano sakin. Hayssst. Wala naman akong magagawa eh. Binuksan ko na ang pinto at pumasok. And as expected, nandun sila at naghihintay. Nginitian nila ako at binati.

"Welcome back" nakangiting pagbati nila. Mukhang alam ko na 'to. Napabuntong hininga na lang ako. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Mr. And Mrs. Arellano?" panimula ko. Kaagad naman nila akong tiningnan.

"Yes, hija?" sabay pa sila sa pagsagot.

"Magpapasakal na po ako. Ay este! Magpapakasal na po ako sa anak ninyong si Charlestin" lakas loob at walang magawang pagpapahayag ko ng aking desisyon.

"Hay naku, hija! Talaga? We're so happy!" masayang sabi ni Mrs. Arellano.

"Thank you very much, hija!" pagpapasalamat naman ni Mr. Arellano. Ngumiti ako sa kanila ng mapait at tumango.

"Salamat, anak! Mahal na mahal ka namin. Salamat sa sakripisyo mo, anak" pagpapasalamat nina Ina at Ama. Tumango ako sa kanila at niyakap sila.

"Syempre po! Para sa inyo ito" tanging naisagot ko.

"Mabuti naman at hindi ka na choosy. Narealize mo sigurong tama ang sinabi ko. Sabi ko naman sa'yo na gwapo 'tong mapapang-asawa mo" nagulat ako nung may nagsalita. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Natatakot ako na tama ang hinala ko pero tama nga ako. Nandoon si Charlestin na nakahalukipkip pa habang nakasandal sa pintuan. Ang kapal ng mukha! Masyadong mahangin. Grabe. 'Di ko na lang siya pinansin at binalikan ng tingin sila Ina.

"By the way, bukas na agad ang kasal. Magpapadala naman kami ng excuse letter para maiexcuse kayo. Hindi naman namin sasabihin ang tunay na dahilan. Ang nakasulat lang do'n ay isang family emergency" wala na akong magagawa dahil wala nang atrasan pa ito. Jusko!

"Ready to be my wife, Tambo?!" napalingon ako kay Charlestin na pakindat-kindat pa. Napairap ako at sinamaan siya ng tingin.

"Hoy!! Manahimik ka nga diyang palong ka! Pumayag lang ako dahil para 'to sa pamilya ko kaya 'wag kang assuming diyan. Isaksak ko pa sa baga mo 'yang marriage contract natin eh!!" singhal ko sa kanya. Tinawanan pa ako ng ogag.

"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo diyang gunggung ka!!" iritable kong sigaw sa kanya.

"What do gungung means?" napatigil ako sa tanong niya. Unti unting nagloading 'yung tanong niya sa isip ko. At nung marealize ko kung anong ibig niyang sabihin do'n, ayun at humagalpak ako sa pagtawa.

"Gunggung lang? Hindi mo pa alam" pang-aasar ko sa kanya. Matiim niya akong tiningnan.

"Absent 'ata ako nung tinuro 'yun" mas lalo pang napalakas ang pagtawa ko sa sinabi niya.

"HAHAHA. Jusko po. Ang sakit ng tiyan ko. HAHAHA" pang-aasar ko pang lalo.

"Hoy tambo! Sabihin mo na!!" inis na sigaw niya. Nagpunas ako ng luha ko. Tears of joy ito, mga bes.

"Hay naku po. Ba't ko naman sasabihin sa'yo? Eh gunggung ka naman talaga!!" panunuya ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Hoy!!!" inis na sigaw niya. Agad akong tumakbo sa kwarto ko. Baka sugurin niya ako eh. HAHAHA. Bwiset na Charlestin 'yan! Gunggung lang, hindi pa alam? 'Yan ba ang nakapasa sa advanced examination? Jusko po. Palagay ko ay nangopya lang iyan!!!!!

Sorry mga bes, di ako makamove-on eh.

Bukas ang simula ng lahat...

...

A.N. HAHAHA. Ang cute mo, Charlestin. Enjoy reading.

Please Vote, Comment, and Recommend this story. Lovelots.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now