Chapter 44

22 2 4
                                    

STAY BEFORE YOU LEAVE

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

Breath!

Breath!

Breath!

Breath!

Breath!

"Hahhhh!!!!" Jusko po. Sobra ang kaba ko. Magkikita na kami ni Craige. Susmiyong puso 'to, oo!

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

Sobra akong kinakabahan. Paulit-ulit kong tiningnan ang sarili ko sa salamin at pilit na pinakalma.

Kaya ko 'to! Kaya ko siyang harapin! Ito na ang huli. Aalis na siya. Dapat ko siyang kausapin. Kaya mo 'to, Chrysanthe! Fighting!

"Hey, binibini. Halika na. Ihahatid na kita" nagulat ako kay Chrysler na bigla bigla na lang sumusulpot. Tumango ako sa kanya.

"Ahhh, Oo! Susunod na ko" sagot ko. Pinauna ko siyang umalis at tiningnan muli ang sarili ko sa salamin.

Sa huling beses, sinabi ko sa sarili kong 'kaya ko 'to!' atsaka sumunod na kay Chrysler. Inihatid ako ni Chrysler sa airport. Napakaraming tao pero nahanap ko agad siya. Nakatalikod at kinakausap ang Mama at Papa niya. Nakita ko rin na itinuro ako ng Papa niya kaya sobra akong kinabahan. Napatungo ako nung lumingon si Craige.

Shemms. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

Jusko. Pagkatunghay ko ay napalunok ako nang makita siyang papalapit sakin. Ewan ko ba pero namumula 'ata ako. Parang hindi ako galit sa kanya. Ang saya ko pa nga dahil nakita ko siya. Namiss ko siya. Ang gwapo niya pa sa suot niyang white coat at isang simpleng pants. Pero kahit ang simple niya ay lumilitaw ang ganda niya.

"Hey! Baka mapasukan ng langaw 'yang bibig mo, binibini" nabalik lang ako sa reyalidad dahil kay Chrysler. Napakurap kurap ako sa kanya.

"Alis na ko. Hintayin kita roon sa kotse" pagpapaalam niya at tuluyan na ngang umalis.

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

Napakurap kurap ako at hindi ako nakahinga nung saktong pagkalingon ko ay mukha agad ni Craige ang sumalubong sakin. Sobrang lapit pa. Jusko. Tukso na ba 'to?

Umayos ka, Chrysanthe. Ayos! Galit ka sa kanya di'ba? Galit ka! Umayos ka diyan! Kaagad akong tumikhim at dumistansya.

"Ahmm. A—ano na?" saad ko. Nahihiya akong tumingin sa kanya kaya hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Ahmm. Oo nga pala. Chrysanthe, sorry" saad niya. Hindi ako sumagot sa kanya.

"I know it's been too late but I want to say sorry before I leave..." ewan ko ba pero dahil doon ay kumulo ang dugo ko. Naiinis ako sa kanya. Basta na lang siyang aalis? Gano'n na lang 'yon?

"Wala kang kwenta! Mahal mo ba talaga ako?!!" hindi na ako nahiyang sumigaw kahit sobrang daming tao. Kita ko namang naguluhan siya at natahimik.

"Craige, sabihin mo nga sa'kin 'yung totoo. Minahal mo ba ako dahil ako si Chrysanthe o minahal mo ko dahil nakita mo sa akin si Melody?!" galit na tanong ko sa kanya. Hindi siya makatingin sakin at umiwas ng tingin. Tsk. Ganyan ba siya?

"I cheated. I know I cheated and I don't have the rights to say that I love you. Sorry. But I think I can breath because you are now happy with some other guy" mas lalong kumulo ang dugo ko don. So ganon na lang talaga 'yon? Hindi niya ba nararamdaman na gusto ko siyang bumalik? Hindi niya ba 'yon alam? Manhid ba siya?!

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon