Chapter Four

30 2 0
                                    

The Badboys

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"Ang tapang mo naman" puri sa'kin ni Jennille. Nginitian ko siya at kinindatan.

"Alam mo kung magpapaapi ka, talo ka. Dapat hindi tayo matakot sa mga katulad nila" masayang payo ko sa kanya at ibinaba ang libro sa lamesa.

"Pa'no mo nga pala 'yun nagawa?" natawa ako sa tanong niya.

"Alin? Yung kanina? Tss! Madali lang 'yon. Black belter 'ata ako sa karate. Joke lang! Wala kaming pera para pumasok ako sa karate lessons. HAHAHA" natatawa kong sabi.

"Siguro batak lang talaga ako" dagdag ko pa.

"Ahhh. Ganun ba? Sana kasing tapang mo rin ako" natawa ulit ako sa sinabi niya.

"HAHAHA. 'Wag mo na 'yung isipin. Tara nang kumain. Gutom na 'ko eh" pagyayaya ko sa kanya. Tinanguan niya ako at sabay kaming pumuntang cafeteria. Nando'n na agad sina Quacey at naghihintay.

"Late ka!" salubong ni Quacey. Napakamot ako ng batok. Sunget talaga ni Quacey! *pout*

"Sorry naman. Nalate kami kasi may nangyari lang" paliwanag ko. Inirapan niya lang ako. Hay naku!

"Ayyt! Oo nga pala. Ito si Jennille Yi. Jennille, tropa ko. And dahil do'n, tropa ka na din namin" pag-iintroduce ko sa kanila sa isa't isa.

"Nice to meet you" masaya nilang bati sa isa't isa. Umupo na kami at kumain.

"Ang sharrap!!!" masayang puri ko.

"Salashmat sash libresh Elianash [Salamat sa libre Eliana] " pagpapasalamat ko kay Eliana. Tumango lang siya at kumain din.

"Uy, bessyngot!" napatingin ako kay Eliana.

"Bhakitsh bash? [Bakit ba?]" medyo iritang tanong ko. Sorry naman. May laman ang bibig ko eh.

"Kilala mo ba 'yung sikat na mga badboys sa school na 'to?" napakunot ang noo ko sa tanong niya. Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko bago magsalita.

"Hindi! Atsaka, ano namang pakialam ko?" masungit kong sagot. Ayaw ko nga marinig baka mamaya masali pa sa usapan ng mga lalaking 'yun eh. Nakakabwiset lang. Agad akong sumubo ng pagkain ko.

"Haysst. Actually sina Craige 'yang tinutukoy mo noh?" halos mabilaukan na 'ko sa pagsabat ni Jennille. Napaubo-ubo ako sa mga narinig ko.

"Oo! Pa'no mo nalaman?!" nagtitiling tanong ni Quacey. Ano ba 'to? Masama ang pakiramdam ko dito.

"Wala. Nabalitaan ko lang. Sikat nga kasi sila eh. Sila 'yung mga maswerteng students na nakapasa sa mahirap na advanced examinations nung highschool pa sila. Kaso balita ko, hindi daw nila sineryoso ang pag-aaral nila ngayon dahil sa hindi naman talaga ito ang gusto nilang kunin na kurso" nahihiyang pagkukwento ni Jennille. Wow! So close na sila agad. Ang galing. Grabe... Sarcastic 'yon!

-_-

"Oh siya. Tama na 'yan. Ano bang tungkol sa kanila?!" boring na tanong ko. Nagulat ako nung magtitili sila.

"Omyghad! Ampopogi nila. Actually crush ko dun si Jason. Ang gwapo talaga. My dream boy" halos maibuga ko naman ang iniinom ko sa narinig ko. Agad akong nagpunas ng bibig ko.

"Siguro para sakin, may hitsura 'yung si Ethan" nanlaki ang mata ko sa sinabing 'yon ni Celosia.

"ANO?!! BAKIT PATI IKAW, ATE CELOSIA?!!!" sigaw ko sa 'di kapaniwalaan.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now