Chapter Forty

30 1 0
                                    

Living with Him

A.N. They're back. But wala munang dibdiban scene. Hihi. Maagang paalala na maaari kayong makabasa o makakita ng mga typo at grammar errors dito. Thankie.

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

After nung nangyari...

After magpakita ng Melody na 'yun...

After kong makita si Craige na nagkaganun...

NAG-IBA NA ANG LAHAT.

Hindi na tunay na ngiti ang nakikita ko sa labi ni Craige...

Pilit na lang ang pagtawa niya...

Nawala ang mga pang-aasar niya sa'kin...

Nawala ang dating siya...

Nawala ang Craige na kilala ko...

Ang nasa tabi ko na lang ngayon ay ang Craige na palaging nangangamba sa 'di ko malamang dahilan...

Ang Craige na hindi masaya...

Ang Craige na natatakot...

Ang Craige na may itinatago...

Ang PEKENG Craige...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hoy, babaysot!!! Anong iniisip mo diyan?" nabalik lang ako sa katinuan nung batukan ako ni Eliana. Tiningnan ko siya ng masama.

"Ano bang problema mo?!!! Kita mong nagsesenti ako tapos e-extra extra ka diyan. Sampalin kita diyan eh!!!" nakangusong reklamo ko sa kanya. Kainis talaga siya. Panira ng moment. Umupo siya sa tabi ko at ibinigay sa akin ang chichirya niya.

"Oh! Ikain mo na lang 'yan!" saad niya kaya kinuha ko ang biyaya. Masamang tanggihan ang grasya. Kumain lang ako nang kumain.

"So pinoproblema mo ang pagbabago sa ugali ni Craige?" halos mabulunan 'ata ako sa tanong niya.

"Hindi na parang gano'n. Oo na nga lang!!" hindi ko pagtanggi. She just gave me a smirk.

"Tss. Katulad ka pa rin ng dati. Hindi ka marunong magsinungaling. Inaamin mo agad ang katotohanan para sa'yo"  kumento niya na ikinakunot ng noo ko.

"May mali ba do'n?" tanong ko. Napailing iling lang siya.

"Wala. Pero nakakapagtaka lang na pagdating kay Craige ay wala kang lakas ng loob na sabihin ang tunay mong nararamdaman. Hindi mo maamin sa kanya ang totoo para sa'yo" mas lalo lang akong naguluhan sa kanya.

"Huh? 'Di kita maintindihan!" kumento ko. Agad niya akong hinarap at inirapan.

"Akala ko ba matalino ka? Bakit 'di mo na-gets!!" inirapan ko din siya.

"Duh!!! Be specific kaya!!" iritable kong sagot na ikinatawa niya at nagulat ako nung bigla siyang tumayo at itinuro ako.

"'Yan! 'Yan ang sinasabi ko! Ikaw pa rin ang dating Chrysanthe na kilala ko. Pinapayuhan na nga, nagagawa pang mang-away. At isa pa! Kapag tinatanong kita, palagi lang totoo ang sinasabi mo. Hindi ka nagsisinungaling. Wala sa mata mo ang kasinungalingan pero alam mo ba... Naiinis ako na hindi ka gan'yan kay Craige. Bakit hindi mo siya tapatin at tanungin kung bakit siya nagbago? Bakit hindi mo laksan ang loob mo? Natatakot ba ang isang Chrysanthe Amazona sa pag-ibig? Duwag ka ba pagdating sa kanya? Kung gano'n nga, hindi ikaw ang Chrysanthe na kaibigan ko? Hindi kita isasali sa GC ng mga amazona!!!" mapanglait na sabi niya.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now