Chapter Eleven

17 2 0
                                    

Agreement

A.N. Warning: Para kay author, matured scenes na 'yung nandito. Kayo na ang humusga mga besh.

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"Maganda 'tong story mo. I like it specially the ending. It's very relatable" puri sa akin nung naka-earphone na mokong.

"O sige na nga! Pumapayag na ako na ipahiram 'yan sa'yo nitong si Celosia pero..." huminto ako at humugot ng lakas. Tumayo ako at pumunta sa tabi niya. Lahat ay tahimik ay nakatingin lang sa bawat galaw ng isa't isa.

"Ano nga bang pangalan mo?" tanong kong muli bago ituloy ang nais kong sabihin.

"Ethan. Ethan Gaius Aguila" diretsang sagot niya. Napatango tango ako.

"Ahhh! Gano'n ba? Ethan... Ehem... Kakapalan ko na ang mukha ko ah. Nagugutom pa kasi ako. Hindi pa ako kumakain kaya—" hindi ko naituloy ang pagdiskarte ko nung sumingit si Eliana.

"Hoy! Uda, 'wag kang bulaan diyan. Kakakain mo lang!!" tiningnan ko siya nang masama. Nagkibit-balikat lang siya.

"Back to our topic! 'Wag mo na lang pansinin 'yang udang 'yan! Bigyan mo ko ng pagkain. Gutom pa ko eh!" walang hiya hiya kong sabi at sabay turo sa pagkain na hawak niya. Sorry na. Food is life. Nakita ko ang gulat nilang lahat.

"O-o. O sige! Kunin mo lang kung anong gusto mo dito sa pagkain ko" 'di makapaniwalang sang-ayon niya. Napangiti ako.

"Ayun oh! Salamat ng marami!" pagpapasalamat ko sabay kuha ng fries, sundae, burger, at bottled juice niya. Nakita ko pa ring 'di makapaniwala silang lahat. Agad akong umupo at nilantakan ang pagkain. Inubos ko itong lahat. After 3 minutes ay naubos ko kaagad.

*Burppp*

Napadighay ako sa sarap. Pero nagugutom pa rin ako. Kumakalam na naman. May inaalagaan yata akong limang bulate dito. Charengss! Agad kong tiningnan 'yung nakasalamin.

"Uy, lalaking nerd!" pagtawag ko rito. Agad akong siniko ni Eliana pero hindi ko siya pinansin. Sumenyas 'yung lalaki kung siya daw ba. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.

"Bakit?" mahinahon nitong tanong. I like his personality, huh?!

"Ano nga palang—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nung sumagot agad siya.

"I'm Jason. You'll be requesting me to give you some foods, right?" nagulat ako sa katalinuhan niya. Napatango tango ako.

"Oh! Heto, kumuha ka" nakaismid niyang ibinigay ang pagkain niya. Agad ko itong tiningnan. Jusko! Puro gulay. Kalabaw 'ata ito. Kinuha ko ang bowl niya ng vegetable salad at dalawang gatas. Puro healthy eh. Wala namang masarap. Mahilig naman ako sa gulay pero hindi ko yata kakayaning kumain ng ampalaya. Puro ampalaya dishes ang nasa tray niya noh. Kadiri. Narinig ko siyang napa-Tss pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. 'Di ko pa man nauubos ang pagkain ko ay...


(Craige Aiko's POV)

"Hoysh ikawash. Charlestinsh dibash? Kungsh ayawsh mongsh karatehinsh ulitsh kitash diyansh, pahingish akongsh pagkainsh mosh! [Hoy ikaw. Charlestin diba? Kung ayaw mong karatehin ulit kita diyan, pahingi akong pagkain mo!] " utos ng matakaw na nilalang na ito kay Charlestin. Napangiwi si Charlestin at agad na pinakuha si Takaw. Siguro ay ayaw niya nang makarate ulit. Alam niyo bang kanina ko pa 'yan pinapanuod kumain. Napakatakaw. Hindi ko alam kung saan napupunta ang lahat ng kinakain niyan eh. Hindi pa rin nabubusog. Agad na nagningning ang mata ni Takaw at kinuha 'yung pasta–carbonara at dalawang tasty ni Charlestin. Ayun! Back to paglamon lang ulit. Jusko.

'Di pa man nito nauubos ang kinakain niya ay inilapag ko ang tray ko at ibinigay sa kanya. Napalingon naman siya sa'kin at sinamaan ako ng tingin. Ang kyut niya. Mukhang baboy. HAHAHA. Kinindatan ko lang siya bilang ganti. Siya na nga lang binibigyan ng pagkain, siya pa itong galit? Nagtitigan lang kami. Nagulat ako nung nagsenyasan 'yung tatlo niyang kaibigan. Hmm.... I smell something funny. HAHAHA. Maya-maya pa'y sabay sabay na tumayo 'yung tatlo niyang kaibigan at sa isang iglap ay tinuktukan nila si Chrysanthe sa ulo. Napatingin ang lahat sa nangyari. HAHAHA. Sinasabi ko na nga bang nakakatawa 'to eh.

"Wala ka na talagang hiya noh?!" sigaw nung mature na babae. I think Celosia is her name or what so ever.

"Mahiya ka naman kahit kaunti!!" sigaw din nung isang buhaghag ang buhok.

"You always do that like DUH!!!" sambit rin nung isa pa. Beautiful eyes lang ang isinagot ni Takaw. Nakakatawa ang itsura niya. Nagpout pa ito na parang bata at hinawakan ang ulo niya. Hindi ko mapigilang tumawa.

"Shorry na" parang batang paghingi niya ng pasensya. Napailing iling ang mga kaibigan nito. Samantalang ako ay napapatawa na lang. Hindi ko mapigilang tumawa nang tumawa. Nagulat ako nung bigla itong tumayo at lumapit sa akin. Napatigil ako sa ginawa niya. Tiningnan niya lang ako kaya kahit nagtataka ako ay nakipagtitigan ako pabalik. Nagulat ako nung dambahan niya ako. Buti na lang at hindi siya mabigat. Pa'no niya ginagawang magaan ang katawan niyang 'yan kung kumakain siya ng kumakain? Weird woman.

Nakaupo ito ng papaharap sa lap ko. Jusko. Tukso ba 'to? Napalunok ako noong unti-unti at dahan-dahan niyang binuksan ang polo ko. Nakalipbite pa ito. F*ck. Tinutukso niya ba ako?!! The hell. Mas kinabahan ako nung mahubad niya na ng tuluyan ang polo ko. Nagulat ako nung ginusot niya ito at ipinunas sa kunwaring mga luha niya. Suminga singa pa ito rito.

The hell! That's my shirt. Ewww. Walang manners. Natameme ako nang umalis na siya sa lap ko.

"Oh? Thank you, Mister Badboy" mapang-asar na saad niya. Naningkit ang mata ko sa ginawa niya. Agad niyang ibinato ang polo ko sa akin. Umiwas ako at hindi ito sinalo. Puno na ng germs 'yun noh. Nagtawanan ang lahat pati ang mga loko loko kong mga kaibigan.

Matapos ang hindi nakakatawang  palabas ay umupo na 'yung apat na babae. Geeezzzz. Itong babaeng 'to. Pasalamat siya dahil nakakapagtimpi ako.

Samantala, tawa pa rin sila nang tawa. Pati nga si Ethan at Jason na malimit tumawa ay tumatawa din eh. Si Charlestin naman ay halos mamatay na sa katatawa. Ang su-supportive ng mga loko loko... Wow! *rolled eyes*

Hinampas ko ng malakas ang table.

"STOP LAUGHING! IT ISN'T FUNNY!!!" inis na sigaw ko. Tumahimik naman sila.

"Why, Mister Badboy? Nagagalit ka ba?" mapang-asar na sabi ni Takaw. Matiim ko siyang tiningnan.

"Uh-oh! Mukang galit na nga si Mister Badboy!!" pang-aasar niyang muli atsaka patuloy na tumawa. Napatawa ulit ang lahat. Hell!

"It is not FUNNY! I'm f*cking serious here!" madiin kong turan. Nagkibit balikat lang si Takaw at tumawa ulit.  Nagtatawanan pa rin sila. Napakunot ang noo ko nung tumingin si Chrysanthe sa akin.

"By the way! Mister Badboy, nice abs!!" pang-aasar nito at kumindat pa. Gusto niya bang makipaglaro? Pagbibigyan kita, Miss Landicho. Itinaas ko ang relo niya na nagpatahimik sa lahat kaya napangiti ako ng nakakaloko.

"Gusto mong makuha 'to, di'ba?" sarkastiko kong sabi. Nawala ang ngiti niya at agad niya akong binigyan ng masasamang mga tingin.

"Ibalik mo 'yan!!!" sigaw niya. Umiling iling ako.

"Uh-uh-uh!! No! Ibabalik ko 'to sa'yo kapag nakapasa ako sa darating naming long quiz this friday" paghamon ko sa kanya. FYI tuesday ngayon kung hindi n'yo alam.

"At ano naman ang kinalaman ko dun, huh?!" inis na pagtataka niya.

"I want you to be my tutor" mapanghamon na sabi ko. Ano na, Miss Landicho? Ikaw ang naghamon. Umpisa pa lang 'to...

...

A.N. Awiieeee. Nice move, Miss Amazona. Rawwrrr. Enjoy Reading.

Please don't forget to Vote, Comment, and Recommend this story. Lovelots.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now