Chapter Fifteen

20 1 0
                                    

Kiss

(Quacey Elizabeth Novicio's POV)

*STILL FLASHBACK*

"And now, I pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride" namilog ang mata ko sa sinabing 'yon ni Father. Father, as in? Lips to lips? Talaga bang kailangan 'to?

Tiningnan ko si Charlestin na nagkibit balikat lang. Para bang sinasabi niyang "Gawin na lang natin para matapos na". Lumapit si Charlestin sa akin at tinanggal ang aking belo. Jusko po. Sobra na ang kaba ko. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko pero ako naman, ang nagawa ko lang ay sunod sunod na paglunok. Ipinikit ko na lang ang aking mata at naramdaman ko na lang ang paglapat ng aming mga labi.

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

Sandali lang 'yon pero sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay namumula ako dahil sa pag-iinit ng mga pisngi ko. Iminulat ko ang aking mata at nang maidilat ko ito, agad akong umiwas ng tingin kay Charlestin. Hindi ako makatingin sa kanya at mukhang ganon din siya. Nakita ko rin ang pamumula ng mga tenga niya. Teka? Nahihiya din ba siya? Nanlaki ang mga mata ko nung hawakan niya ako sa bewang at ilapit sa kanya. Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang din siya sakin. Agad niya akong binuhat ng "bridal carry". Napakapit ako sa batok niya sa takot na baka mamaya ay mahulog ako. OMG!! Nakakahiya talaga 'to.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Halos mapatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Agad akong napatingin sa kanya. Namilog ang mata ko nung ngumisi siya.

"Get ready for our honeymoon, Mrs. Quacey Elizabeth N. Arellano. Every newly wed. couples have their own honeymoon" nanayo ang balahibo ko sa ibinulong niya. Pakiramdam ko ay labis labis akong napahiya. Agad ko siyang kinurot ng pasimple sa tagiliran at sinamaan ng tingin.

"Ouch! It hurts!!" reklamong sigaw niya. Napatingin lahat sa amin at parehas kaming napangiti ng peke at nagpanggap na walang nangyari. Agad naman silang nagsibalik sa pagkukwentuhan. Sinamaan ko ulit ng tingin si Charlestin at nginisian niya lang ulit ako.

"Don't you dare o kung hindi ipapakarate at ipapalumpo ulit kita kay Chrysanthe!" pagbabanta ko. Napangiwi naman siya sa takot. So cute!! Huh?! Ano?! Wala!!

"Okay fine. I won't. Did you know that girl was really an amazona like you. She hurted me so much. And one more thing, you're so heavy" pagrereklamo niya. Kinurot ko ulit siya sa tagiliran dahil sa inis.

"It really hurts!!!" isa pang reklamo niya.

"Reklamo ka nang reklamo diyan! Sino bang nagsabi sa'yo na buhatin mo ako! Ibaba mo na nga akong gunggung ka!"  inis na utos ko sa kanya. Agad niya akong ibinaba at nagkamot-batok. Napakunot naman ang noo ko sa pagtataka.

"Why?" tanong ko.

"Until now, I don't know the meaning of the word 'gunggung'" nahihiyang saad niya. Napahagalpak ako sa pagtawa. Jusmiyo. 'Yun pa rin pala ang problema niya.

"HAHAHA. 'Wag mo na kasing isipin" panunuya ko. Napatigil ako sa pagtawa nung may marinig akong nagsalita.

"Aww. So sweet" agad kaming nagkatinginan ni Charlestin at umiwas ulit sa isa't isa. Inayos ko ang gown ko. Nakalimutan kong nasa kasal pa din pala kami. Ano ba yan?! After nun ay sinabihan kaming sumunod sa reception. Pinauna na namin sila dahil gusto ko munang magbihis ng kumportableng damit.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now