Chapter Thirty Seven

20 1 0
                                    

Her

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"Hi, Craige Aiko Buenavista! Do you miss me?" nagtaka naman akong bigla sa babaeng 'to. Magkakilala sina Craige at Melody? Paanong nangyari 'yun? Nang tingnan ko si Craige ay nagulat ako sa expression ng mukha niya. Pagtataka, gulat, at takot ang nakaguhit sa mukha niya. Bakit siya natatakot? Nang tingnan ko naman si Melody ay nakangisi lang 'to kay Craige. Alam kong natatakot si Craige kaya hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Napalingon naman siya sa akin at nginitian ko siya.

"Hoy Mister Badboy, bakit parang nakakita ka ng multo diyan? 'Yan nga pala 'yung sinasabi kong Melody. 'Yung babaeng nakilala ko nung isang araw. Kilala mo ba siya?" pagkompronta ko sa kanya pero nanatili siyang tahimik at wala sa sarili na ikinagulat ko.

Hindi siya 'to...

Hindi siya ang lalaking kaharap ko ngayon...

Kilala niya ba ang Melody na 'to?

...

(Craige Aiko's POV)

*WHISTLE*

"Mister Craige Aiko Buenavista? I'm back!!" napalingon kaming lahat sa boses na 'yun. Biglang kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba. Tama. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga 'yon. Ganitong ganito ang nangyari noon. Oo, naaalala ko pa nga...

...

*FLASHBACK*

*WHISTLE*

"HOY GINOONG BADBOY!!! HINDI AKO PAPAYAG NA NANG-AAPI API KA LANG DITO!!! AKO, SI MELODY AIVRILLE JOHNSON AT SISIGURADUHIN KONG MAGBABAYAD KA SA MGA GINAWA MO!!!" napakunot ang noo ko sa isang babaeng nakatayo sa malayo at nagsisigaw ng kung ano-ano. Parang tanga lang na may kinakausap dun. Tssss.

"Omy! Di'ba siya 'yung babaeng ipinahiya kahapon ni Fafa Craige?" nangunot ulit ang noo ko sa narinig ko.

"Oo nga noh! 'Yung pinatid ng Fafa natin na napasubasob sa putikan. HAHAHA. Nakakatawa 'yon!" unti unting gumuhit ang ngiti sa labi ko. Kung ganon, siya pala 'yon. Hmmm? Interesting!

"MAKINIG KA! HINDI KO PAPALAMPASIN ANG GINAWA MONG 'YON SA'KIN!! IKAW NA OGAG KA!!" malamicrophone pala ang boses niya. Ang lakas lakas eh. Nakakarindi.

"Craige, dude. Anong gagawin natin sa kanya?" masayang masayang tanong ni Charlestin.

"Siya na ba ang next target?" walang emosyong tanong ni Jason.

"Hmm. Hindi na tayo mahihirapan pa" nakangising dagdag ni Ethan. Excited na sila dahil lahat ng bumabangga samin ay nagdurusa.

"No! Let her do whatever she wants but we'll make sure that she'll suffer. A LOT" nakakalokong utos ko na dahilan para mapangiti din sila. Lumapit nang lumapit 'yung Melody sa amin at galit na galit ang itsura nito. Agad niya aking itinuro.

"IKAW NA OGAG KA! NAIINIS AKO SA'YO!!!" sigaw niya ulit kaya napatakip na ako ng tenga ko.

"Tss. Damn women, specially you!! Are you done? I thought you're not because your voice keep on echoing in my ears and that sucks! I thought I'll going to have an ear problem" pang-aasar ko sa kanya na mas ikinagalit niya pa. Ha! Ha! Galing ko!

"Hoy!! Kayong mga lalake talaga!! Mga bastos!" boring ko siyang tiningnan.

"How come? I'm not even looking at your body" boring kong sagot at agad rin akong napaismid. Tsk. Feeling naman niya na sexy siya. Tsss. Napayakap pa siya sa sariling katawan niya.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Where stories live. Discover now