Chapter One

6.2K 211 1
                                    

SHANELLE

"Happy birthday, Shanelle!" sigaw nilang apat at itinapon ang cake sa mukha ko.

Napapikit ako dahil sa lagkit ng icings sa cake na dumadaloy ngayon sa aking katawan. Marahan kong pinunasan ang mukha ko gamit ang likod ng aking mga kamay.

Sabi ko kahapon kay Mommy, gusto ko ng birthday cake. Hindi ko naman sinabing gusto ko ring ihambalos sa mukha ko. Sana hindi na lang inanunsyo ng adviser namin na birthday ko kaninang assembly. Pinagpiyestahan tuloy ako ng mga estudyante kanina. Ngayon naman ay sina Dawn.

Tumawa sina Dawn, Kylie, Linda, at Aura habang tinitingnan akong naliligo sa lagkit ng cake. Dinala nila ako sa locker area ng floor dahil daw gusto nila akong makausap. Napatalon ako nang konti dahil biglang pinunasan ni Dawn ang buhok at mukha ko para maalis ang mga icings.

"We're sorry," sabi niya sa isang mataas na antas ng boses, ngayon ay binabawi na ang kamay mula sa pagpupunas. "Nakikita namin na nagpapanggap ka lang na ayos ka sa pambu-bully namin kahit hindi naman."

Nagulat ako at napamaang. "H-Ha?"

Hindi naman talaga, ah? Wala nga silang pakialam kung maghandusay ang mga tinutulak nila. Isa na ako roon, kaya bakit pa sila aasang ayos lang ako matapos kong halikan ang sahig?

Itinago ko ang palaisipang iyon at hinintay siyang sumagot. Hindi nga lang pinansin ni Dawn ang maang ko.

"Gusto naming bumawi sa 'yo, if you give us a chance for a friendship we want to offer." Lumapit siya sa mukha ko at pinanliitan ako ng mga mata. "Are you willing to be my friend, Shanelle? Our friend?" dagdag niya.

Nakita kong sumulyap siya sa tatlo niyang kaibigan bago bumaling sa akin. Meanwhile, I couldn't find the words I wanted to say.

A friendship? That's absurd to hear that from them since they are way even too picky when talking to other students. Tapos kakaibiganin nila ako na hindi naman sumusubok makipagkaibigan sa kanila?

I can handle being bullied more than being friends with them. I am ignorant at times, yes, and maybe they just want something from me, that's why they are here. I can't just trust them... right?

Pero paano kung gusto nga nilang makipagkaibigan sa akin? Tapos ang sama ko naman kung hindi tatanggapin. When in fact, I have yearned for genuine friendships and camaraderies. I wanted to have friends that also have fun with me, talk to me casually, and joke around.

Inalis ko muna ang mga iniisip ko sa pamamagitan ng pag-iling at nagsalita ulit.

"D-Dawn, ayos lang naman sa 'kin na binu-bully niyo ako-" sabi ko na sana.

"But we're not okay with it," putol ni Dawn sa akin nang nakataas ang kilay.

She picked up something from her bag. It was a soft handkerchief. Binigay niya sa 'kin ang kanyang panyo at pumamewang sa aking harapan. Kinagat ko ang sariling labi habang nakikipagtitigan kay Dawn.

"Ano? Payag ka?" aniya sa isang mataray na boses.

Tumitig ako sa kanya. Hindi nga lang ako makapagsalita dahil sa gulat sa sinasabi niya. I heard someone groan behind her.

"You know, masamang impresyon sa amin ang pakipot, Shanelle. Just say 'yes'!" naiinis nang sabi ni Aura.

Agad akong tumango nang hindi nag-iisip dahil sa pagtaas ng boses ni Aura. Tumawa silang apat na umalingawngaw sa locker area. Nakita kong ngumingisi sa akin si Kylie; nakahalukipkip naman si Linda; at sina Aura at Dawn ay nakataas ang mga kilay habang humahagikhik, nakatingin sa akin.

Since I was little, I have been anxious about having friends. That is why kids my age were never interested to be with me. I was too introverted and marginal to their standards of making friends.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon