Chapter Thirty-Seven

2.6K 111 5
                                    

SHANELLE

"Nasaan ba ang mga tao ngayon?" tanong ko sa sarili at nakasalubong ang isa sa mga crew.

"Ang mga kasama niyo po ba, ma'am?" tanong din niya, may hawak na isang luggage cart para sa mga maleta.

"Ah, oo," sagot ko sa kanya. "Hindi ko kasi sila nakita ngayong araw, kaya nagtataka ako kung bakit wala sila. Sila ba ang nag-iingay sa may lagoon?"

"Yes, ma'am. Do you want me to escort you?"

"No, thanks. I can handle myself."

Ngumiti siya, saka siya yumuko bilang respeto ng pagpapaalam. 

It's already four pm. Nababagot na ako sa kwarto ko na nanonood lang ng TV. I even looked for Alvin, pero wala siya sa kwarto niya. Biglang may yumakap sa aking likuran at hinalikan ang ulo ko. Paglingon ko ay si Alvin lang pala.

"Hey," his deep, sweet voice called. "I'm sorry if I left you without permission."

Napatango ako. "It's okay. Hinahanap ko lang ang mga schoolmates natin. I found out that they are in the lagoon," I said.

Ngumisi siya. Napatingin naman ako sa suot niya. Beach shorts and a blue polo with his slippers. Akala ko mukha siyang yagit, pero nagmumukha lang siyang model.

"You've grown beards, Alvin," sabi ko at hinawakan ang kanyang panga nang harapin siya. "But you look hot with that."

"You think so?" 

Pinadausdos niya ang magaspang niyang kamay sa bewang ko. Nagsimula naman kaming maglakad.

"Oo nga." Tumawa pa ako.

"Punta tayo sa kanila," sabi niya sa tenga ko, tinutukoy ang mga kaklase namin.

Bigla akong napatingin sa kaka-check-in lang na mga babae sa resthouse. They are beautiful and younger than me. Ang mga styles nila ay kagaya lang ng kay Dawn base pa lang sa mga outfits at sa mga postura nila.

Somehow, one of them looked at us. Kinalbit niya pa ang mga kasama niya at tiningnan kami. Or maybe, nakatingin sila kay Alvin? Napasimangot ako nang dumila ang isa sa labi niya. Hinigpitan ko ang hawak ni Alvin sa akin.

"What are you doing?" natatawang tanong ni Alvin.

"Just want to remind them that you're mine," sabi ko sabay tingin sa mga babae.

They looked at me, confused. I gracefully waved my hair, then hugged Alvin on his side.

"Naks!" ngising sambit ni Alvin. "Ang gwapo ko talaga."

Tinampal ko siya sa balikat. "Kahit kailan talaga, hindi ka pa rin nagbabago! Ang yabang mo pa rin!"

"Mayabang na pogi."

"Ewan ko sa 'yo."

Tinahak namin ang daan papuntang lagoon. Sa gilid naman namin ay mga kakahuyan lang. Magkahawak ang aming mga kamay habang nagkukulitan kaming dalawa. Hindi ako nawawalan ng topic sa kanya. Sinasabayan niya naman ako sa mga kalokohan.

Hindi kagaya noong nakarelasyon ko si Steven, I could not show my real self. Lahat ng kilos ko, kailangan pormal at normal. But when I'm with Alvin, he accepts my flaws and imperfections. Na kahit masama ang nakaraan ko, at kahit nagpanggap lang akong ibang tao, minahal niya pa rin kung sino at ano talaga ako.

"Promise me one thing, Alvin," sabi ko habang winawagayway ang mga kamay naming magkahawak.

"Ano ba iyon?" tanong niya.

Ngumiti ako nang matamis. "Na kung mawala man ako, hanapin mo ako. Kung nag-iisa man ako, samahan mo ako," sabi ko. "Dahil hindi ko yata kakayaning mawala ka."

The Mask Behind the Past (RVS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon