Chapter Thirty-Five

2.6K 142 4
                                    

SHANELLE

"Oh, my god! Alvin's your boyfriend?" gulantang na sambit ni Anabelle.

Nasa kasalukuyan akong nag-aagahan sa lamesa kasama sina Belle at Tita Lucy sa mansiyon. Tini-text ko naman si Ms. Ocampo sa phone habang kumakain.

"Why are you so shocked, Belle? Who's that Alvin, by the way, Beatrice?" tanong ni Tita Lucy.

"My boyfriend," simpleng sagot ko.

"At proud ka pa, ha? He is Dawn's cousin, Beatrice! You shouldn't like that guy! Alam kong gwapo siya, pero pumatol ka sa related ng taong sumira sa buhay mo noon!" sigaw ng kapatid ko.

"We need to go, Anabelle. Male-late na tayo," saad ko sa kanya, iniignora ang panenermon niya saka tumayo.

Habang nasa sasakyan ay napansin ko ang inis na pagte-text ni Anabelle sa cellphone niya. Napakunot ang noo ko.

"Anong nangyayari sa 'yo?" tanong ko.

"Hindi na ako sinasagot ni Zach these days, and I don't know what's happening to him!" sambit niya at itinapon ang phone sa backseat. "Bwisit siya. Ano kayang ginagawa niya sa campus niya at bakit hindi niya na ako mabigyan ng atensyon? I'm getting pissed because of him!"

"Well, sorry about that," tanging nasabi ko na lang.

She crossed her arms. Her stare was very cold while watching outside. I don't know what's their status right now, pero napapansin kong palagi na silang nag-aaway nitong mga nakaraan. What's with Zach, by the way?

Pagpasok pa lang namin sa campus ay masiyado nang marami ang tumititig sa amin ni Belle. Or was it just me?

"Siya pala ang kapatid ni Shanelle?"

"A Beatrice Reign Corpuz, sister of some dead nerd?"

"I can't believe it!"

Pagdating ko sa corridor ay mas umingay lang ang ugungan. May iba pa nga na in-approach pa ako para tanungin lang ako. Gusto lang naman i-confirm ko na magkapatid nga kami ni Shanelle Ramirez. Dumiretso na lang ako sa room at walang sinagutan.

"Take care of yourself, Belle." 

Tinitigan lang ako ng kapatid ko at tumango. Huminga ako nang malalim. 

"Don't worry too much about your boyfriend. Magso-sorry din iyon."

Bumuntong-hininga lang siya at umiling, saka niya ako iniwan. Sinundan ko naman siya ng tingin bago tumalikod at binuksan ang pinto ng room namin. My classmates went silenced and stared at me after exchanging conversations. Hindi ko sila pinansin hanggang sa maglakad ako papuntang seat ko.

"You guys look idiots," komento ko habang inaangat ang gilid ng labi ko. 

Pumasok si Sir Ferrer sa classroom mayamaya pa, kaya nanakaw niya ang atensyon ng lahat. Linda turned to me with a cold expression plastered on her face, but her eyes glimmered meaningfully. Inikot ko lang ang mga mata ko at nagsimulang makinig sa klase.

"Christmas break niyo na pala next week. Saan niyo gusto mag-outing?" tanong ni Mr. Ferrer matapos ang kanyang discussion.

Walang gana ang lahat at hindi sumagot. But unlike me, pinaghandaan ko yata ito. Itinaas ko ang aking kamay.

"Bakit hindi tayo sa Batangas?" tanong ko habang ngumingiti. "Maganda ang hangin doon, at may resthouse si Alvin. May magandang lagoon din sa malapit. It's a nice and peaceful place."

"I-Ilang taon na rin nang huling punta namin diyan. Puwedeng iba naman, Beatrice?" tanong ni Queenie at natawa pa nang peke para pagaanin ang atmospera.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Onde histórias criam vida. Descubra agora