Chapter Forty

3.2K 142 13
                                    

SHANELLE

Naalimpungatan ako nang magising sa umaga. Hindi ko magawang bumangon dahil sa dami ng mga iniisip ko.

Tatlong araw kaming nagsama ni Alvin sa bake shop para planuhan ang proposal niya. Naisip ko kung bakit hindi na lang siya mag-reserve sa amin. Bakit kailangan niya pang pumunta ng shop?

"Good morning, Mommy." 

Nagitla ako nang makita si Aaron na yumayakap sa tiyan ko sa kama. Napangiti ako.

"Lumipat ka kagabi sa kwarto ko?" tanong ko habang pinaglalaruan ang buhok niya.

"Opo," his cute little husky voice said. "I want to be with you, so you can't cry na po."

Ngumisi ako. "Ang sweet naman ng baby ko."

Ilang minuto pa kami nagyakapan ni Aaron bago siya nagsalita ulit. 

"Mommy."

"Hmm?"

"I heard Tita Anabelle's voice kanina."

Napatigil ako sa paglalaro ng buhok niya nang marinig ang pangalan ng kapatid ko. 

"Are you sure of that, anak?" tanong ko.

Bago pa siya makasagot ay narinig ko na si Neneth na may kausap mula sa labas.

"E, ma'am, sabi po ni Ma'am Shanelle ay aalis po siya ngayon dahil may aasikasuhin sa trabaho," rinig kong sabi ni Neneth.

"At saan niya na naman balak umalis?"

I heard the sarcastic voice of Anabelle. Napailing na lang ako. 

There she is, acting like some brat.

Bumangon ako at nagsuklay lang. Aaron was just watching me opening the room's door. Nakita ko kung paano ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ni Anabelle nang lumabas ako. She's wearing a tube and a high-waisted jeans with a pair of stilettos. Mas naging exposed ang mga collarbones niya dahil sa kanyang straight, short hair. Dumepina rin ang black eyeliner niya sa mga mata. First thing in the morning ay nagmumukha na siyang pupunta ng bar.

"Good morning, sister. Ang aga mong dumating, ha?" sabi ko habang humahalukipkip.

She waved her hair. "Kung ayaw mo sa akin dito, sabihin mo lang."

"I didn't say that, Anabelle," kalmado kong sambit.

"Yeah, yeah, whatever." Umirap siya at tumingin kay Neneth. "Sige na, maghain ka na ng breakfast. Nagugutom na ako."

Napapahiyang yumuko si Neneth at umalis. Nakakunot ang noo na tiningnan ko si Anabelle. Nagbago na talaga siya, at sa totoo lang, ayoko sa pagbabago niya. Alam kong naging masakit ang ginawa ni Zach sa kanya, pero kailangan ba talagang mandamay siya ng ibang tao?

"Don't be rude to Neneth. She's a friend to me."

"And she's your son's yaya. Amo tayo, utusan siya. Tayo ang nagsusuweldo, kaya dapat siyang sumunod."

"I am kind to her because she's a kind person. Kahit yaya lang siya, pakitunguhan naman natin nang maayos."

She groaned. "Kaya ayokong nakikipag-usap sa 'yo, e. Simula nang ipinanganak mo si Aaron, nawala na si Beatrice sa 'yo."

Napakamot ako sa ulo at bumuntong-hininga ulit. "Dahil hindi naman talaga ako si Beatrice. Matagal ko na siyang binura sa katauhan ko. She's my sister, but not my soul and character."

"Lagi mo na lang iyan sinasabi."

"Kasi paulit-ulit ka."

"Ugh, I'm tired of talking to you."

The Mask Behind the Past (RVS#1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें