Chapter Ten

2.7K 147 1
                                    

PAGSASALAYSAY

Makulimlim.

Madilim.

Delikado ang ihip ng hangin.

Kahit ang ulan, kidlat, at kulog ay naghahari sa buong Luzon, sinisiguradong lahat ay makararamdam ng matinding lamig at takot sa panahon.

Sa kabilang dako ay hindi nag-udyok ang kalikasan sa apat na magkakaibigan na tumigil, sapagkat nakasalalay sa kanilang mga kamay ang kapalaran nila. Dala-dala nila ang isang katawan na pinagtutulungan nilang buhatin sa gitna ng kagubatan, hindi malayo sa resthouse at lagoon.

"Dawn! Saan natin siya dadalhin?" natatarantang tanong ni Kylie at hinigpitan ang hawak sa ulo ni Shanelle.

Umiiyak na tumugon si Dawn at umungol sa pagbubuhat. "B-Basta! Let's just find a compost pit or something for Shanelle impossible to be found!"

Natatakot na sila sa mangyayari. Paano kung may makakita sa kanila? Paano kapag nakulong sila? Paano ang kanilang reputasyon?

"Oh, my goodness! There's a hole beside the river nearby! Bilis! Doon tayo!" sigaw ni Aura sabay turo sa isang malaking butas na lupa sa tabi ng isang rumaragasang ilog, mukhang napag-iwanan itong hukayan para sa isang soil monolith.

Dali-dali silang pumaroon at agad binitawan ang tingin nilang wala nang buhay na si Shanelle Ramirez sa lupa. Tiningnan ni Kylie ang butas na hindi papantay sa isang tao. Si Aura naman ay abala sa pagtingin ng pwedeng itakip sa katawan. Napatitig si Linda sa nakakaawang mukha ni Shanelle sa lupa at napahagulgol.

"P-Pinatay mo siya, Dawn-" ani Linda na sana.

"Hindi ko siya pinatay, Linda!" giit agad ni Dawn at nanginig dahil sa lamig ng ulan.

Basang-basa na sila at nadudumihan. Napatalon sila at napatili nang biglang kumidlat mula sa kalangitan at kumulog. Alam nilang apat na hindi na dapat silang magtagal. Baka magkaroon pa ng pagguho ng lupa o matamaan sila ng kidlat dahil sa ilog.

"A-Anong gagawin natin? Papa'no kapag nalaman nila ito?" kabadong tanong ni Kylie.

"Not unless if we all shut up," mariing sabi ni Aura at napayuko dahil sa palihim na konsensyang bumabagabag.

Natahimik silang lahat. Hagulgol na lamang ni Linda at ang kulog sa langit ang tanging naririnig nila, pati ang maingay na agos na ilog na sinasabayan ng malakas na ulan.

"Ano bang iniiyak-iyak mo diyan, Linda?!"

Nainis na si Dawn, kaya sinigawan niya si Linda.

"Hindi sana mangyayari 'to kung nakinig ka lang sa 'kin! Kung nakinig ka lang na itigil na natin 'to!" sumbat ni Linda at tinuro si Dawn nang pagalit.

Suminghap si Kylie. Napasapo naman sa noo si Aura.

"Hindi natin 'to sinasadya, Linda. H-Hindi natin inasahan na ganito ang kahahantungan ng lahat," kalmadong tugon ni Aura.

Hinilamos ni Linda ang kanyang mukha at napatango. "Tama si Shanelle. Mga demonyo tayo," untag niya.

"Hindi tayo demonyo, Linda! Hindi nga natin sinasadya!" saad ni Kylie. "Narinig niya ang lahat ng pinag-usapan natin, kaya siya nagalit! I thought it was normal-"

"Normal na makapatay ng tao?"

Sinampal ni Dawn si Linda at sandaling sinabunutan ito. "Stop it, Linda! Kahit ano pang gawin natin dito, hindi na natin maibabalik si Shanelle!"

"At kasalanan mo iyon!" sigaw ni Linda.

Dumagundong ang kulog at natakot naman ang apat. Napalunok si Dawn at tiningnan ang tatlong halos sumabay na sa kalikasan na umiiyak at nanlulumo.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now