Chapter Twenty

2.8K 149 12
                                    

SHANELLE

Pikit ang mga mata ko habang mini-makeup-an ng isang makeup artist. Sinamantala ko iyon para umidlip saglit hanggang sa matapos.

"Ayos na iyan, miss. Pwede ka nang lumabas," sambit ko sa kanya.

Hindi ko nakita ang pagtango nito dahil nakapikit ako. Nakahilig din ang aking ulo sa backrest ng upuan. Narinig ko na lang na bumukas ang pinto at agad sumarado.

Naramdaman kong may tao sa paligid, kaya bahagya kong idinilat ang mga mata ko. Una kong nakita ang repleksyon ko at ni Linda sa salamin. Tinaasan ko siya ng kilay bago umayos ng upo.

"What do you want?"

Pinagmasdan ko ang makeup ko sa salamin, and it was astonishing. Iba't iba ang mga kulay na nilagay sa mga mata ko, the happiest colors for eyeshadow. Perfect combination pa sa isang kulay pulang Mach lipstick. Mas dumepina ang high cheekbones ko dahil sa faded pink na blush-on na nilagay. Sinamahan pa ng brown-colored pencil na sumang-ayon sa aking mga kilay.

Ibang-iba na si Beatrice. Ibang-iba ka na, Shanelle.

Bago pa ako tuluyang mamangha sa sarili ko ay bumaling ulit ako kay Linda na pinagmamasdan din ang mukha ko, pero mariin ang pagkatitikom ng bibig niya.

"I noticed that you're in a bad mood, huh?" mahina kong tanong habang inaayos ang naka-high ponytail kong buhok.

Lumipat din ang tingin niya sa akin. "It's because Dawn keeps talking about you. Nalaman niyang inanyaya ka ni Steven na makipag-date," she said.

"And then? I see nothing wrong with that," I said and smirked. "Isa pa, you sound like my enemy. I thought you're my fan..."

"Fan mo ako sa modeling," sabi niya. "But not in your bad personality. You glare at us like we've done something wrong to you. Hindi ka man lang nag-sorry sa ginawa mo kay Dawn."

Nawala saglit ang ngiti ko at tuluyan na siyang hinarap. "I'm not good with people who make others' life miserable, Linda," I stated. Pasimple ko lang iyon sinabi, pero halos kumulo na ang dugo ko. "Hindi ako kahit kailanman naging mabait sa mga masasama," dagdag ko.

Maliban na lang siguro noong tanga ako. Noong pinagmukha niyo akong tanga.

Pinasadahan niya ako ng tingin. "Walang naging kasalanan sa 'yo si Dawn. Wala kaming kasalanan sa 'yo. Kahit na totoo ang sinasabi mong toyo ang binigay niya sa 'yo noon, what you did to her was wrong. Pero huwag mong kukunin si Steven sa kanya. It will be complicated kapag nagkataon," sabi niya.

"Hindi ko na iyon kasalanan kung nag-aya si Steven sa akin," aniko sa isang sarkastikong boses. "Sumugod ka na lang sa akin kung girlfriend na ni Steven si Dawn, hindi 'yung siya lang pala ang ilusyunada."

Pairap ko siyang iniwan sa dressing room at dumiretso sa kung saan magaganap ang shooting.

Huwag kang mag-alala, Linda. Balang araw, kung makikilala mo na ako, ay luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawang patawarin ka.

"Beatrice!"

Napalingon ako sa isang co-model kong lalaki na malaki ang ngising tinitingnan ako.

"You look stunning."

Ngumisi rin ako sa kanya. "Everytime naman iyon, Jo."

Jo is my male friend pagdating sa modeling. Marami akong nakilala sa M-Glam Agency, and they were all nice to me, lalong-lalo na sa mga nakilala ako from New Zealand.

Lumapit din ang ibang kakilala ko. May mga magaganda silang ngiti sa akin.

"Gosh, maraming magaganda sa agency, but your beauty is really unique!" papuri ni Dahlia.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now