Chapter Thirty-One

2.6K 132 8
                                    

ALVIN

I parked the car in front of Tita Dolce's mansion when I arrived. Pumamulsa ako habang papasok at nakita ang isang hindi pamilyar na kotse rin. Hindi ko nga lang ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Hindi ako nagpakita sa campus ngayon dahil wala akong ganang marinig ang mga kasinungalingan doon. Nagdidiwang sila sa pagkapanalo ni Dawn sa student council na alam ko namang nandaya ang pinsan ko. Kokomprotahin ko si Dawn sa ginawa niya kay Beatrice.

Sumalubong sa akin ang isang matandang kasambahay. Galing siya sa pagpupunas ng isang antigo. She abruptly approached me with a lively smile.

"Good morning, hijo. Si Madame Dolce ba?" tanong ni manang.

"Kahit si Dawn na lang po, manang," sabi ko sabay ngiti.

"Hmmmm, may bisita pa kasi si Miss Dawn. Kung gusto mo ay maghintay ka muna sa sala."

"Sige po."

Hindi nagtagal si manang at tumalikod na mula sa akin. Susundin ko na sana ang sinabi niyang sa sala maghintay, nang matamaan ng mga mata ko ang dalawang tao sa terasa malapit sa kinatatayuan ko. Pinanliitan ko ang mga mata ko para makita sina Steven at Dawn na nag-uusap nang seryoso habang nakatayo sa terasa.

"Dawn, alam kong kaaway mo si Beatrice, but... there's something wrong with her," rinig kong sabi ni Steven.

Nagkrus ng mga braso si Dawn at umirap sa kanya. "I thought you visited me because you missed me. Why are you mentioning that girl? Anong pakialam ko sa kanya?"

Napaisip si Steven. "Hindi ka ba nagtataka?"

Hinawakan pa ni Steven ang panga niya at hinimas-himas ito. Mataman namang nakinig ang pinsan ko sa kanya.

"She always says things na hindi natin maintindihan. The way she acts to us, parang may ginawa tayong mali sa kanya," he said. "Even me, it feels like she's also angry with me."

"What do you mean by that?" Naging seryoso ang tono ni Dawn at napabitaw sa pagkakahalukipkip.

"She once asked me if I wanted to go back to the past that I don't want to remember," he said slowly, making sure that he is not babbling thing. "Tapos may tinawag siya sa akin na dati ay tinatawag din ni Shanelle sa akin."

Dawn grunted and glared at him. "Steven!"

Napairap si Steven at pumamewang sa harap ni Dawn. "I'm telling you this, and you need to be open-minded para maintindihan mo ako. Stop being so childish kapag naririnig mo ang pangalan ng girlfriend ko," wika niya.

"Correction? Ex girlfriend!"

Parang sumakit yata ang ulo ko nang hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Akala ko ba si Beatrice ang ex ni Steven? Bakit may ibang pangalan na naman?

"Stop dragging it, Dawn."

Umigting ang panga ni Steven nang sabihin iyon. Bumuntong-hininga nang agresibo ang pinsan ko at gusto pa yatang makipag-away. Suddenly, her pupils dilated as if she just remembered something suddenly. Umamo ang kanyang mukha at napasinghap bago hinarap ulit si Steven na nag-aabang sa kanya.

"She also told me something," she revealed.

"And what is that?" kuryosong tanong ni Steven.

"That she's Shanelle's sister," she said and refused to soften her voice.

Narinig ko ang pagsinghap ni Steven. Napaatras din siya na parang hindi makapaniwala sa narinig mula kay Dawn. They meaningfully stared at each other, while I stayed baffled by their metaphorical conversation.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat