Chapter Seventeen

2.9K 154 1
                                    

SHANELLE

"They're staring at us too much," rinig kong komento ni Anabelle nang mapadaan kaming dalawa sa hallway.

Tinaasan ko ng kilay ang mga estudyanteng tumitingin sa amin. They were following us with their suspicious and amused gazes.

"Hayaan mo sila. Naghahanap lang ang mga iyan ng away. Kung hihingi sila ay pagbibigyan ko naman," I said and waved my hair.

Kapag lumalapit kami sa mga estudyante ay nagbubulungan lang. Kapag sinasamaan ko naman sila ng tingin ay umaatras sila.

Wow. Nasa movie ba kami or something? Kung saan gangsters kami ni Belle at mga biktima namin silang takot na takot? Cliché, ah?

"Hindi, e. Parang nakatingin sila sa 'yo," ani Belle.

I just shrugged my shoulders at inayos ang sling bag ko. Nang mahanap ko ang block section ko sa hallway ay bumaling na ako kay Belle na conscious pa rin sa mga tinginan.

"Hindi ka ba maiilang kapag tinitingnan ka nila?" nakapamewang niyang tanong.

Tumawa ako sa tanong niya.

Belle, kung alam mo lang, sanay na akong pinagtitinginan. Mula noon hanggang ngayon.

"I just don't give a damn. Sila ang naiinggit, hindi ako, kaya bakit ako mag-aalala?" I said, not caring.

Napailing lang siya. "Yeah, as much as I expected from you."

Lumapit na siya sa 'kin at bumeso. I reciprocated.

"Take care of your ass, Belle," seryoso kong wika.

"Yeah right, Beatrice," sarkastikong sabi niya at naglakad papaalis.

Napalingon ako sa pintuan ng magiging classroom ko sa likuran.

So this is going to be my boring and ugly classroom, huh? Who are my classmates and teacher, then? Oooh, can't wait to see it.

Padabog kong binuksan ang pinto at pumasok sa classroom. Nakita kong nalaglag ang panga ng iba at nagulat sa paghambalos ko ng pinto. Humupa naman ang mga tawanan ng ibang grupo at kuryosong nakatingin lang sa 'kin.

Nahanap ko ang mga titig ni Linda na seryosong napasulyap mula sa upuan niya. Umangat ang gilid ng labi ko sa saya.

Looks like one demon is here.

Hindi ako nagdalawang-isip na pumunta at umupo sa likuran niya lang.

"Hi, Linda!" maligayang bati ko.

Tipid siyang ngumiti sa akin nang lumingon siya sa likod nang bahagya.

"Beatrice," she mumbled my name.

"You look fabulous today," elegante kong sambit.

"Thanks," saad niya. "I didn't know na dito ka pala mag-aaral."

Nagtaas ako ng kilay. "Well, expect the unexpected nga, 'di ba? Hindi mo talaga maaakalang ang lahat ng bagay ay puwede palang dumating nang hindi mo nahuhulaan," aniko.

Nawala ang mga ngiti niya sa akin.

Gusto kong ikutin ang mga mata ko sa kanya, pero iginala ko na lang ang tingin ko. Panay pa rin ang atensyon na ibinibigay sa akin ng lahat ng nakaaligid sa amin.

Like, ngayon pa ba sila nakakakita ng mas maganda pa kay Linda?

"Where's Dawn?" malamig kong tanong.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya. "How did you know her?" takang tanong niya.

"My sister's friend," simpleng sagot ko, pero hindi talaga ako nag-isip kanina. Shit.

Nanuri ang kanyang mga tingin. "You're so mysterious," she said.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now