Chapter Fourteen

2.9K 152 0
                                    

SHANELLE

"Are you sure you're gonna do this?"

Hinawakan ni Dad ang dalawang balikat ko. Ngumiti ako.

"Yes, Dad. I actually need Beatrice's help," I said to him.

Tumango si Dad at niyakap ako.

"Kailangan mo lang dalhin ang identity niya. No changing name; no changing papers --- just act like her," he said and patted my head.

Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang plano ko ay hindi naman siya tumanggi; and so is Tita Lucy. Umiyak si Tita kanina, at akala ko ay ayaw niya, but she was happy for me, though.

"We have two weeks to prepare, Shanelle. May mga pending careers and school works ka pang gagawin sa susunod na mga linggo," sabi ni Anabelle noong nasa hapag kami.

Napabuntong-hininga ako at tumango. I need to do this.

Sa unang araw ay may isang lalaki akong nadatnan sa sala kasama si Anabelle. Nag-uusap silang dalawa.

"She's here," sambit ni Anabelle.

Napalingon naman ang lalaki sa akin. Lumapit ito sa aking harapan.

"Good day, Shanelle. I'm George, and I'm going to be your dance instructor," sabi ng half-Zealander and half-Filipino trainer na naglahad ng kamay sa akin.

Sinabi na ito ni Anabelle tungkol sa akin dahil si Beatrice ay reyna sa sayawan, kaya kailangan kong matutunan kung paano rin sumayaw. Doon pa naman ako mahina.

It's not gonna be easy. I was not born to be a dancer, and learning to dance never arrived through my mind. Kylie was the one who was passionate about dancing, especially Beatrice when I saw her dance videos. At kung ipagkukumpara ko silang dalawa, napakalabong malaman kung sino ang mas magaling.

I dance like a duck, while they dance like lithe swans!

"Move your hips, Shanelle!" sigaw ni George habang pumapalakpak ang mga kamay.

Nasa isang mini dance studio kami sa mansiyon na hindi ko alam na meron pala. Pinagawa ito ni Dad para kay Beatrice noong magsimula si Beatrice maging isang performer. Inigihan ko pa ang mga galaw ko, pero masiyadong matigas ang katawan ko at parang binabara ang aking balakang habang ineensayo na ako ni George.

"Hindi kasi ako dancer," saad ko, hinahawakan ang mga tuhod at hinihingal. "Wala po akong alam sa sayawan."

"Everyone's a dancer, Shanelle." Malalim ang boses ni George nang sabihin iyon. "You just need to learn it in no time, then you're gonna be on fire like Beatrice!"

Napatango ako. Sinubukan ko ulit ang mga steps na tinuturo niya sa akin. Basic pa nga lang, hinihingal na ako.

Mahirap palang sumayaw. Hindi lang kamay at paa ang ikikilos mo, kung hindi ang lahat din ng parte ng iyong katawan. Ang sabi sa 'kin ni George, kulang pa ang mga elementong alam ko, pero babalik siya bukas para turuan pa ako ng marami.

"Hindi lang sa sayaw magaling si Beatrice, Shan. She's a rock when it comes to singing," mariing sambit ni Anabelle.

Siya ang magtuturo sa akin kung paano gayahin si Beatrice sa pagkanta. Aniya, ito ang gusto niya sa mga careers ni Beatrice dahil kumakanta rin siya.

"Try Umbrella of Rihanna," utos niya at humalukipkip, humihilig sa railings ng balkonahe ng kwarto ko.

Tumango ako at ibinuka ang bibig.

"~You had my heart, and we'll never be world's apa-"

"Stop," pigil niya sa 'kin at itinaas pa ang kamay. "Masiyadong mahinhin. Kailangan mong ibuo ang boses mo."

The Mask Behind the Past (RVS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon