Chapter Twenty-Three

2.8K 141 9
                                    

SHANELLE

"Ang gagaling naman nila," komento ni Ian sa mga kalaban namin sa dance competition. "Tingin mo, Beatrice, mananalo tayo?"

I snapped out from my thoughts and smiled at Ian. "Kung magtitiwala tayo sa isa't isa, walang imposible," tugon ko.

Bumaling ulit ako sa mga nagsasayawan kahit hindi naman ako namamangha sa kanila.

Nandito na kami sa MOA para ipresenta ang Springfield University sa isang dance competition. Excused kaming lahat, at sa totoo lang ay medyo kinakabahan ako sa mangyayari. Isang araw lang kami nag-practice, kaya medyo natatakot akong may magkamali sa steppings o sa formations man lang.

Pero imbes na iyon ang pagtuunan ko ng pansin ay biglang dumadaan ang galit na mukha ni Alvin sa akin kahapon. Medyo hindi ako nakatulog kagabi dahil doon.

Hindi naman ako naaapektuhan kapag may nagalit sa akin na tao. Pero kay Alvin? Ewan. Hindi ko alam.

"Trainer."

Napabaling ako kay Sabrina na nagtataka na ang mukha.

"Are you okay?" tanong niya.

Hindi ko nagawang magsabi ng 'okay lang' dahil totoo naman na hindi. I just don't know what I should answer because of my endless thoughts.

Bago pa ako makasagot sa kanya ay tinawag na ang pangalan ng grupo namin sa stage. Nagdasal kami nang palihim habang naglalakad.

Maraming mga tao ang naghiyawan at nagsigawan nang magpakita na kami. Ang suot ng mga babae ay white cropped tops at black joggers na pinaresan namin ng white rubber shoes. Sa mga lalaki naman ay white sando shirts at sa ibaba nila ay joggers din na panlalaki. Kaparehas namin ay naka-white rubber shoes din sila.

Maraming estudyante ang lumiban sa campus para lang suportahan kami. Pero bahala na sila kung bumagsak. Kasalanan na nila iyon.

Palihim akong naghanap ng isang tao sa Arena nang hindi sinasadya. I was a little bit disappointed, nang hindi ko nakita si Alvin.

Tsk, bakit ko ba siya hinahanap? Beatrice has no conscience! I must stick with that thought!

Noong nagsimula na ang ritwal ng sayawan ay doon ko ibinaling ang buong atensyon ko. Hindi ko ipapahamak ang Stargazers dahil lang sa mga iniisip ko. Masasayang lang ang inensayo namin kahapon!

"Congratulations, Stargazers! You are the champion for this year!"

Tumalon ang mga kasamahan ko sa anunsyo. Ang tanging nagawa ko lang ay ngumisi. Dinumog kami ng mga schoolmates namin. Karamihan sa kanila ay nakikipag-picture pa sa akin. I don't want to be rude, kaya pinagbigyan ko na. Nag-group-hugs kami at group-selfies kasama ang iba.

"Cheers!"

Sabay-sabay naming ibinangga ang mga baso namin at uminom ng alak.

"Kung hindi dahil kay Beatrice ay hindi tayo mananalo ngayon!" maligayang sabi ni Mia.

"Salamat talaga, trainer. Hulog ka ng langit sa amin!"

Hinalikan pa ako sa pisngi ni Kent. Naghiyawan naman ang mga lalaki sa ginawa niya. Tumawa na lang ako at napailing.

Nandito kami sa Riskie bar, celebrating for our championship. Nilibre kami sa isang restaurant kanina dahil kasama iyon sa premyo. Then we went straight to this bar and had some fun.

"Beatrice!"

Napalingon ako kina Jane, Eury, Sidney, Lara, at Dara na papalapit sa aming grupo. Sinalubong nila ako ng yakap.

"Congratulations!" sabi ni Dara sa aming lahat.

"Salamat," sagot ng ibang members.

Kumuha sila ng maiinom. Kinausap naman ako nina Jane at Sidney.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now