Epilogue

5.3K 231 85
                                    

SHANELLE

Isang buwan ang nakalipas, matapos ang proposal ni Alvin sa akin, ay naging masaya ang lahat dahil sa susunod nang linggo ang kasal namin. Pati ako ay hindi mapigilang ma-excite.

Napangiti ako habang nagluluto ng adobo sa kusina. Ito iyon, e. 'Yung araw-araw, magluluto ako para sa asawa ko, maghahanda para sa school ng anak ko at iba pang mga gawain sa bahay. Pangarap ko ang maging mabuting ina at asawa sa buhay.

Lord, salamat at binigyan mo ako ng ganitong sobra-sobra na blessings. Akala ko, hindi na ako sasaya nang ganito matapos lahat ng pinagdaanan ko. Sabi nga nila, everything happens for a reason.

"Sister!" Naramdaman ko ang yakap ni Anabelle sa likod ko.

"Anabelle!" natatawa kong sambit at hinarap siya.

"I have a date at mukhang matatagalan ang pag-uwi ko," kwento niya.

Masaya na rin ako para kay Anabelle dahil nagbalik na siya dati. Ang masayahin at palangiting kapatid ko ay nagbalik na. Hindi katulad ng mga nakalipas na taon na ang kanyang puso ay puno ng kapaitan.

"Kayo na ba ni Kid?" usisa kong tanong.

Nagpigil siya ng ngiti. In the end, she giggled. "Sinagot ko lang siya kahapon."

"Well, congratulations. I believe Kid will take care of you." I put away the strands of her hair blocking on her face. "Are you happy, Anabelle?"

"Of course." She smiled slowly. "Ang nakaraan ay mananatiling alaala na lamang na hindi kahit kailan maibabalik. I can move on, Shanelle, and I want to be happy, too, just like you."

Ngumisi ako. "I am so proud of you. Siguro, kung nandito si Beatrice, gano'n din ang sasabihin niya." I pulled her closer and kissed her forehead. "I love you, sis."

"I love you, too, sis." Pumiglas siya at inayos ang damit niya. "Sige na!Kailangan ko nang umalis! Bye!"

I waved my hand as she ran through the door. Napabuntong-hinininga ako at inayos ulit ang pagluluto sa kusina. Napatingin ako sa maliit na bintana sa aking harapan, kung saan makikita ang lumulubog na araw sa labas at kumikinang na dagat.

Ilang minuto ay darating na rin ang mag-ama ko. Sinundo kasi ni Alvin si Aaron sa school, kaya wala sila ngayon. Nang marinig ang pamilyar na busina ng isang sasakyan ay napangiti ako. They're here. I turned off the stove. Kumuha ako ng plato para paglagyan ng adobo.

"Mommy! We're here!" sigaw ni Aaron mula sa sala.

Tumalikod na ako para pumunta sa lamesa at nilagay ang pagkain doon. Muntik ko nang mabasag ang pinggan nang sinalubong ako ng halik sa ilong ni Alvin.

"Hi." Ngumisi siya at kinuha ang sumunod na pinggan mula sa akin.

Tinampal ko siya sa braso. "Kung anu-ano ang mga trip mo sa buhay," natatawang asik ko. 

Nang nilagay niya ang pinggan sa lamesa ay agad niya akong niyakap sa likod at kiniliti ako. 

"Ano ba, Alvin?! Tama na! Hahaha!" sambit ko habang tumitili sa pagtawa.

"Sali ako!" sigaw ni Aaron at nakisali pa sa kalokohan ng ama niya.

Itong mga lalaking 'to, hindi tumitigil sa pang-iinis sa akin.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now