Chapter Seven

2.6K 116 7
                                    

SHANELLE

"It was just nothing," unang paliwanag ni Steven nang magkaharap kami.

Nandito kami sa may gilid ng drill ground, mga ilang hakbang lang mula sa girl's restroom na pinagmulan ko. Wala akong kibo at nakatingin lang sa may dibdib niya. Masiyado kasi siyang mataas kaya diretso lang ang tingin ko.

"I was drunk... during that time. N-Nakalimutan na ang mga nangyari simula no'n. Noong nakita ko ang video kanina, doon ko naalala ang nangyari. Believe me, Shanelle, hindi ko iyon sinasadya," he slowly explained and his voice was persuading me.

Kahit nagpaliwanag na siya ay parang hindi man lang nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam. Parang kulang pa. Tikom pa rin ang bibig ko at malumanay ang mga tingin, tila ba ay nakakapagod magsalita.

"Sweetheart." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang mga buko nito. "I'm sorry for what happened. Ikaw lang ang mahal ko. Believe me, please..."

Naniniwala naman ako sa kanya. Pati puso ko ay ayaw na hayaan siyang malungkot dahil lang sa paninibugho ko. Nag-sorry siya, kahit hindi niya sinasadya. Ano pa bang problema, Shanelle?

"Gano'n ba?"

Iyon na lang ang tanging nasabi ko dahil ayoko namang maging hangin ang mga sinabi niya.

"I love you. I would never do anything just to hurt you."

"But you just did," I said bitterly without even thinking.

Yumuko ako at hindi napigilan ang mga bumubuhos kong luha. Pumiglas ako sa kamay niya sabay palis sa mga likido sa aking mata. Umiyak ako sa harapan niya. Nagmumukha tuloy akong kawawa.

"I believe you. Kaya lang, hindi ko naman talaga maiwasan ang masaktan habang nakikita ang mahal ko na may kahalikang iba at kaibigan ko pa," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

Binalot niya ako ng mainit na yakap habang humahagulgol ako sa dibdib niya.

"I'm really sorry, sweetheart," may bahid na sakit ang pagkasasabi niya.

My sobs were a bit muffled against his chest. Humigpit ang yakap niya sa akin at walang hiya ko namang ibinuhos ang sikip ng dibdib ko. I know that I am being dramatic... again. What bothers me is the anxiety of Dawn knowing about us and the insecurities that are taking over me. Lahat ng mga tao sa campus, alam ang lahat ng tungkol sa kanila. Paano naman ako nito?

Bakit pakiramdam ko, hindi katanggap-tanggap na maging boyfriend si Steven? I hated the fact that I am just a mere loser in everybody's eyes. Taga-sagot ng assignment, paboritong ibuyo, at sobrang hina na halos hindi makapanlaban. I hate myself for that.

I was never bothered nor jealous of what I lacked to others. But now that Steven Wilton is my boyfriend, I am afraid of their foreseen contempt and verdicts of me.

"Mall kaya tayo mamaya?" suhestyon ni Dawn at naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin. "Sama ka, Shanelle? O may lakad ka na naman?"

Tumaas ang ulo ko pagkabanggit ni Dawn sa pangalan ko. Inayos niya ang pagkalulugay ng buhok niya habang nakataas ang kilay sa akin.

"U-Ummm, hindi ba tayo mala-late sa awarding ceremony?" tanong ko nang napapalunok.

Kumain siya ng mansanas at nagkibit-balikat. "E, ano naman kung ma-late tayo?"

Narito kami sa cafeteria para kumain ng lunch. Hindi pa rin humuhupa ang mga usapan tungkol kina Dawn at Steven. Everyone was so curious about them and their clamors are filling my ears. Matapos namin mag-usap ni Steven ay umalis na ako at hindi na siya tiningnan pa kanina. I might just break down again.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Where stories live. Discover now