Chapter Twenty-Eight

2.3K 137 0
                                    

SHANELLE

Madaling lumipas ang mga araw at linggo dahil na rin sa mga designated deadlines na inaabot namin sa semester. Natapos na rin ang cheerdance competition noong nakaraan at naging first placer kami. The events don't matter to me, though; it was Alvin who is hyping me up these past days since we solved our matters.

Pero hindi kagaya noong panahong nakasimangot ako dahil hindi kami nagpapansinan ni Alvin, panay tago na ako ng ngisi kapag nagkakausap o nagkakangitian kami sa isa't isa.

Wala, e. Dahil sa nakakainis niyang mukha, iniinis niya na rin pati isip at buhay ko. Bwisit kasi siya. At imbes na mabwisit, nakikita ko na ang sariling nagugustuhan ang pambibwisit niya.

"Hi, Beatrice!"

Nagulat ako nang may biglang humalik sa pisngi ko mula sa likod. Naestatwa ako at ipinalibot ang tingin sa buong classroom. Nakahinga ako nang maluwag dahil mukha namang walang nakakita sa ginawa ni Alvin. Padabog na kinuha ko ang libro mula sa lamesa, saka ko siya hinarap at sinampal ito sa kanyang mukha.

"Fuck you!" singhal ko.

Napatingin ang mga lalaki sa amin mula sa kabilang row dahil sa mura ko sa kanya. Tinawanan nila si Alvin na nag-iigting na ang panga sa akin habang nakahawak sa pisnging hinampas ko. I widened my eyes at him.

"Huwag mo kasing banggain si Beatrice, Alvin," tukso ni Jacob.

"Tsk. Lumuhod ka na lang sa harapan niya kung ayaw mong parusahan diyan," komento rin ni Dan.

Nagtawanan silang lahat. Ang ibang mga babae naman na nakarinig sa mga lalaki ay nakitawa rin, saka nagpatuloy ulit sa pag-uusap. Binigyan lang sila ng dirty finger ni Alvin bago ako binalingan.

I continued doing my notations on my notepad, while he sat in front of me coolly. Inusog niya sa tabi ko ang librong sinampal ko.

"Hindi ko naman alam na ang ipapalit mo sa halik ko ay sampal," malambing niyang sambit.

"Kung gusto mo ay ballpen ko ang itusok sa 'yo, e," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

He chuckled. "I'm just kidding," he said. "Ano bang nino-notes mo?"

"Kung paano kita papatayin kapag nainis ako sa pang-iistorbo mo."

"Paano mo na ako mamahalin niyan kung papatayin mo ako?"

I raised my head and glared at him. Ngumisi naman siya at may pataas-taas pa ng dalawang kilay. Inirapan ko siya at inambaan sa pagtusok ng ballpen. Mas natawa siya, at tinabunan ng tawa niya ang tumitibok kong puso. I secretly stared at him when our classmate hit his nape and talked to him with stupid jokes.

Since the day we have settled our feud, I found myself wanting to see and talk to him. Ewan ko. Parang kapag hindi ko siya makita sa isang araw lang, hindi kumpleto ang kabuoan nito.

I like him, okay? Damn it!

Noong mga nakaraan ay pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na dapat hindi ako magkagusto sa kanya, dahil pinsan siya ni Dawn! At mas lalong babaero siya at walang iinisip palagi kundi kalokohan lang!

May mga panloloko niya pa na minsan kinikilig ako... kahit sobrang cringe at corny naman pakinggan! Meron bang gano'n? O nababaliw lang talaga ako?

Umiwas ako ng tingin sa kanya sabay tingin ulit sa cellphone ko nang mag-beep ito sa tabi ng notepad ko. It was from Kid. Sabi niya kasi ay bibisita siya rito, at bukas na ang dating niya.

Kid: You should go to the airport tomorrow and welcome me in your hometown, or else I would be upset. > :(

Natawa ako sa natanggap ko lang na mensahe galing sa kanya.

The Mask Behind the Past (RVS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon