Chapter Twenty-Nine

2.5K 129 4
                                    

SHANELLE

"Pass your thesis, class," anunsyo ni Mr. Ferrer sa harapan.

Tiningnan ko ang planner ko this week. Nakita kong may shoot ako ngayong alas-tres. Sakto at wala akong klase.

"At oo nga pala," sambit ni sir mula sa harapan, tinitingnan na rin ako nang inangat ko siya ng mukha. "Si Miss Corpuz ang magiging isa sa mga candidates para sa president position ng student council."

Naramdaman ko naman ang mga paninitig ng classmates ko. Itinaas ko na lang ang aking nguso.

"Ms. Corpuz," tawag ulit ni sir. "Makakalaban mo rito si Miss Mercedes mula sa kabilang department. I wish you the best of luck."

Biglang umangat ang gilid ng labi ko dahil sa kanyang sinabi. Biglang naghiyawan ang mga kaklase ko. Nilingon naman ako nina Jane mula sa kabilang row. I waved my hair and winked at them.

Tumunog na ang bell, kaya lumabas na rin ako sa classroom para pumunta na sa next subject ko. Nagpaalam na rin ang mga kaibigan ko sa 'kin na dumaan sa kabilang dulo ng hallway.

"Beatrice."

Napahinto ako sa paglalakad sa corridor nang makita sa harapan ko si Steven na may sabit na bag sa balikat. Pinasadahan niya ng hawak ang kanyang buhok nang ngumingiti sa akin.

"Hey, Steven," I greeted him.

I just gave him a wry smile before proceeding on my way. Nakita kong may gusto pa siyang sabihin, pero wala akong ganang kausapin siya. Bumuntot siya sa akin at hinayan ko, dahil pareho naman kami ng silid na pupuntahan.

"Hindi na nasundan ang first date natin," panimula niya sa usapan, "and you're also not replying to my texts."

I shrugged, keeping my cool as I gazed at him. "I'm very busy, you know. Minsan may time ako for dating, but it's not my priority. What can you say about that, huh?" I said with a soft chuckle.

He smiled. "You're right. It's not like dating is an utmost priority, especially when we are in college," he said.

I reciprocated his smile at me. Natahimik kami saglit. Pinapakiramdaman ko siya sa tabi ko, at medyo nabahala na ako nang tumagal na ang titig niya. Tiningnan ko ulit siya.

"What?" I asked him, maintaining my smile.

He sighed. "Alam mo, bawat sulyap ko sa 'yo araw-araw, napagkakamalan kitang siya," biglang aniya na nakapagpawala sa ngiti ko. "It's my girlfriend before. But she's gone now."

Umirap ako nang wala sa oras. Sa magandang araw niya pa binanggit ang dating pangalan ko. How annoying. Before he could even reply, sinapawan ko na siya.

"Why is she gone? Ano, namatay na?" bastusan kong sabi na dahan-dahan niyang ikinakunot ng noo.

Tumigil ako sa harapan niya. Siya naman ay unti-unting tumigil upang harapin ako. I tilted my head while smirking devilishly.

"Oh," I exclaimed dramatically, "nakakarinig nga ako sa buong campus, kahit bulungan pa iyan. They always say her name. Na nawala siya na parang isang bula at hindi na nakita matapos ang isang tag-ulan na gabi."

Nagpakurap-kurap siya at suminghap, ngayon ay nanginginig na ang mukha sa inis.

"D-Do you know her?" he said. "Beatrice..."

I tilted my head to the other side now as I watched his confused expression.

"Ikaw, Steven, may nagawa ka ano?" aniko sa malalim na boses at sinamaan siya ng tingin. "Dahil kung ano man ang nagawa mo noon sa kanya, sisiguraduhin niyang magsisisi ka."

The Mask Behind the Past (RVS#1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu